Mission 5 : Blue Eternal Stone

4.9K 155 0
                                    

CHAPTER FORTY FOUR

Maya

****

Nang mabuksan ang pinto at bumungad samin ang lalaking madaming sugat na nagngangalang Akihiro ay nataranta na ang lahat, sabi ni Jaja sya daw yung may kagaya ni Jusper na ability.

"Sya nga kasi yun" sabi naman ni Jaja

"Pano ka naman nakakasigurado?" Sabi naman ni Ayumi at alam kong nag iinit naman ng ulo ng babaeng to.

"Oh well alam ko namang marunong ako manakit ng tao, alam ko rin kung paano magalit sa tao pero ang di ko alam ay ang magsinungaling lalo na kung ganun kaimportante ang isang impormasyon na dala-dala ko, naiintindihan mo ba? Kung hindi eh di ko na yun kasalanan"

"I know Jaja and she's not the kind of girl who'll make non sense story and beside I know where that information came from" biglang sabi ni Miyu at niyakap naman sya ni Jaja.

"Oh please Miyu wag mong sabihin ang nabasa mo sa isip ko"

"Jaja no" Miyu is really Jaja's saviour aside from the boys of our group "Lola February said that"

"And who the hell was that?" Nawawalan na ng galang tong si Ayumi

"Wow ah!" Dinig ko namang sabi ni Rica, patay tayo jan! "Alam mo yung ayaw ko? Yung walang galang! At alam mo kung anong kaya kong gawin sa mga walang galang na tao lalo na't ang winawalang galang nila ay ang mga kagalang galang na tao?" She step forward the we step backward. Hinila ko din si Ran

"Anong mangyayari?" Bulong sakin ni Ran na may halong kaba

"Mangyayari? Panoorin mo na lang haha, wag kang mag alala Ran di nya sasaktan si Ayumi" abulong ko namang sagot sa tanong nya.

"Pasensya na kay Rica sya kasi ang nagdidisiplina samin alam mo naman kasali sya sa discipline committee kaya ayan saka isa pa lumaki kasi sa madisiplinang pamilya yan" dagdag naman ni Vinle.

Pinanood lang namin si Rica na naglalakad papalapit kay Ayumi at bigla namang lumutang si Ayumi at naging kulay pula ang mata ni Rica. Patay na talaga, bigla namang nagliyab ang kamay ni Rica at saka tumingin ng masama kay Ayumi.

"Kaya kitang tustahin" narinig kong napagasp si Ran at nakita ko namang napalunok si Ayumi "Kaya kung ayaw mong matusta wag na wag mong mawalang galang ang isa sa twelve phantom"

At di ko alam kung saan nagulat si Ayumi at Ran, kung doon ba sa part na matusta o doon sa twelve phantom or maybe both.

"Tama na yan Rika" buti naman at nagsalita na tong si Miyu akala ko nawalan na ng boses "Ayoko lang makialam sa kanila Maya alam mong di ko yun ugali" oh yeah I forgot. Nakatingin sila sakin at bumuntong hininga naman ako, sorry "Ayumi sinabi ni lola February ang lahat ng yun gamit ang panaginip, si Jaja lang ang nakatulog nung mga oras na bago kami makapunta dito di ko lang alam ang eksaktong oras. Sabi ni lola Feb na pinadala nya daw dito ang isang lalaking nagngangalang Akihiro na sinasabi ng propisiya na makikipag tulungan sa amin, if you still have complain why don't you ask my grandmother?"

NGANGA. Panga ngayon ni Ayumi, di nga pala namin nasabi yun. Magsasalita pa sana kami ng biglang may magsalita at agad naman kaming napatingin.

"Jaja?"

"Oh Akihiro gising ka na pala"

"Jaja layo"

Natawa na lang kami kay Jusper na kung magselos ay parang bata, napailing naman si Jaja at tumabi kay Jusper.

Twelve Academy: The Beginningजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें