SL's tattoo

5.1K 186 0
                                    

CHAPTER THIRTY SIX



Miyu



****



"WAAAAAAAH THANK GOD NAKUHA NA RIN NATIN ANG ORANGE ETERNAL STONE, ONE DOWN! FOUR STONE TO GO" masiglang sabi ni Jaja



"Tingnan mo yang babaeng yan parang walang nangyari sa kanya eh" sabi naman ni Maya at tinawanan lang naman sya ni Jaja.



Pagkabagsak namin sa black hole ganyan na kahyper si Jaja parang wala lang nangyari sa kanya, parang walang sakit na naramdaman kanina. Nakakabilib talaga tong best friend ko, sa lahat ng taong kilala ko sila lang ang ganyan. I mean pagkatapos masaktan grabeng hyper tho wala naman akong nakikitang mali sa mata nya, ganun pa rin naman maganda pa rin.



"Ang weird kanina pa tayo naglalakad pero wala tayong nararating" sabi ni Maya



Doon lang namin napagtanto na wala nga kaming ibang ginawa sa loob ng dalawang oras kundi ang maglakad lang nakakapagod din ah, naupo kami saglit habang nakatayo naman si Jaja at tiningnan kung sa loob ba ng five hundred meters ay may makikita sya pero umiling sya. Gumawa naman ng pagkahaba habang stick sila Jusper at nilagyan nila ng pulang panyo sa taas dahil lilipad si Rika at maghahanap ng kung ano. Mahigit kalahating oras na wala pa din si Rika and we started to worried, pagabi na rin kasi pero nung nagpasya kaming hamapin sya eh bigla naman syang lumitaw.



"Nakakainis ka Rika" sigaw ni Chiaka habang naiyak tapos niyakap naman sya ni Maya



"Wag masyadong magtagal na wala kami sa tabi mo okay?" Sabi naman ni Maya at napangiti naman si Rika



"Sorry for makin you all worried about me pero may nakita akong isang kubo doon sa banadang hilaga kaya naman pumunta ako doon at may isang matanda at bata na nakatira doon, nagulat sila sakin sa una pero pumayag naman sya na patuluyin tayo doon dahil may something syang nakita sakin" sabi ni Rika



"Wait Rika ah" sabi ni Maya at hinawakan nya si Rika "I guess di tayo aabutin ng gabi kung maglalakad na tayo ngayon"



Alam naman naming di pwede ang basta basta na lang na magtiwala ngayon lalo na't nasa ganito kaming sitwasyon, alam ko its so rude but no one can blame me by that.



"Its so creepy here ghad" dinig kong sabi ni Maya sa isip nya



"May spell kaya na magpapalanding samin ng matino pag ginagamit na ni Maya ang open dimension?"

Twelve Academy: The BeginningWhere stories live. Discover now