Spirit World

4.5K 166 0
                                    

Miyu


***

"Anong problema Miyu?" Tanong ni Vinle habang papalapit sakin kasama sila Jaja


"Ma-may ka-kausap si Jusper" sabi ko habang tinuturo si Jusper


"Meron nga" sang ayon naman ni Vinle at nagsitaasan naman ang balahibi ko


"WAAAAAAAAAAH" naiiyak akong tumakbo papunta kila Jaja


"And her weakness strikes" mahinang sabi ni Rika


Ipaharap nyo na sakin kahit anong mababangis na hayop wag lang talaga multo, di ako makapagfocus dahil dito di ko tuloy mabasa nasa isip ni Jusper.


"Sorry daw sabi ni Ayumi kung natakot ka man daw nya"


Himala multo nagsosorry? Tumayo ako ng maayos at nagsitawanan naman sila ano namang problema ng mga to? Bat mga nagtatawanan to?


"Problema nyo?"


"We didn't expect na mga spirits pala ang kahinaan mo" natatawa pa tong si Renji


"I... I'M JUST BECAUSE I'M SHOCK"


Nagtawanan naman sila lalo kaya napayuko na lang ako, matagal na panahon na rin simula noong nalaman nila ang isa ko pang kahinaan at ngayon naman naulit ulit alam kong di ako titigilan ng mga to. Bumuntong hininga naman ako at saka ko binasa ang nasa isip ni Jusper.


"Ah so di kayo nagpapakita kapag umaga?"


"Ngayon oo pero dati kahit umaga nakikita kami dahil sa pagpunta dito ng mga Chase Phantom naging ganito na, prinotektahan kami ng Blue Eternal Stone."


"Dahil nanaman sa Chase Phantom?" Sabi ko at napatingin naman sila sakin


"Naririnig at nakikita mo ko?"


"Naah~ ginagamit ko lang si Jusper para marinig ka" Sabi ko at huminga ng malalim "Jaja" naiiyak kong sabi saka lumapit kay Jaja 


"Pasensya na Ayumi medyo takot kasi tong si Miyu sa mga multo"


Pagsabi nun ni Jaja ay di ko na binasa pa ang isip ni Jusper instead ay sya lang ang nakikipag usap sa mga multo like duh~ sya lang naman sa amin ang may kakayahan gawin yun, umupo ako sa may bato at nakaramdam ako ng malamig na humawak sa balikat ko.


"WAAAAAAAAAAAAH JAJAAAAAAA" napatakbo na lang ako kay Jaja saka yumakap


Tiningnan ko sila at nakita ko namang nakatingin sila sakin at saka sabay sabay tumawa, nag iinit ang ulo ko ngayon ah. Gumawa ako ng water sword at natahimik naman sila saka nagsitinginan sa ibat ibang direksyon, tiningnan ko sila isa isa at nakita kong basa ang kamay ni Renji.

Twelve Academy: The Beginningحيث تعيش القصص. اكتشف الآن