BMDN Chapter 33

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang matapos sa pag lalagay ng gamit ay pumasok na kami sa montero na dala ni Spencer, nakaupo ako sa passenger seat at naka kandong sakin si Kisza. Nasa likod naman ang tatlo.



Malapit lang sa school na pinapasukan nila Daniel ang subdivision na lilipatan nila, pero malayo ito sa dati naming tinitirhan. Kung noon ay sumasakay sila Daniel sa jeep papasok sa school ngayon ay pwede na nilang lakarin.

Nang makarating kami sa pamilyar na bahay ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari sa isa sa mga kwartong nandyan. Pinilig ko ang ulo ko at nakita ko si Spencer na nakangiti sakin. Inirapan ko sya saka kami lumabas ni Kisza ng sasakyan.


"Eto na po ba ang bahay?" Masayang sabi ni Kisza, saka sumundo  sa Daddy nya na nag bubukas ng gate.
Sumunod din kami sakanya at pumasok sa bahay.



"Dito na kami titira?" Tanong ni James, tumingin ako sakanya at tumango. Iniiwas ko ang mata ko kay Daniel na seryoso lang na nakatingin sakin.


"Kunin nyo na ang mga gamit nyo, mag luluto lang akonng meryenda" sabi ko, napangiti ako ng makita si James at Cc na tumakbo papunta sa mga kwarto.

"Mag share muna kayo ni James ng room, yung nasa gitna ang sa inyo at yung sa dulo yung kay Cc" sabi ko kay Daniel, tumango lang sya saka lumabas ng bahay. Sumama naman sakanya si Kisza.


"May problema ba si Daniel?" Tanong mi Spencer saka ako hinatak paupo sa kandungan nya. Ipinalupot nya ang mga braso nya sa bewang ko at inilagay ang chin sya sa pagitan ng leeg at balikat ko. Naramdaman ko pa ang mag amoy at pag halik nya doon dahilan para mag taasan ang balahibo ko sa batok.


"Nahihiya lang siguro" sabi ko, ilang minuto kaming nag tagal kami sa ganoong posisyon bago mag paalam na gagawa lang ng meryenda.



Gumawa lang ako ng tuna sandwich at orange juice.



"Ate"


Napatingin ako kay Daniel ng pumasok ito sa kusina, katulad kanina ay seryoso ang mukha nito. Umupo ako at sinenyasan din syang umupo.




"May balak kabang sabihin kay Kuya Spencer ang totoo?" Panimula nya, nag iwas ako ng tingin sakanya dahil hindi ko kaya ang bigay ng tingin nya.


"Ang totoo hindi ko alam ang sasabihin ko pa sakanya."

"Pero ate al-"



"Oo alam ko, alam ko na kailangan nyang malaman ang totoo. Pero kasi Daniel m-mahal ko si Spencer h-hindi ko alam kung ano ang kaya nyang gawin sa oras na malaman nya ang totoo. Maaaring lumayo sya sakin at ilayo nya ang anak ko sakin" sabi ko sakanya saka huminga ng malalim. Nag buga sya ng hangin saka tumango at tumingin sakin.

"Basta ate, kung ano man ang kahahantungan nito. Andito lang kami ni James para sayo" aniya saka hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko na parang may humaplos sa puso ko ng sinabi nya iyon. Pinigil ko ang hininga ko para pigilan ang pag iyak.




"Nagustuhan mo ba 'tong bahay?" Tanong ko sakanya, tumango sya saka ngumiti.

Alam ko sa oras na ito ang laki na ng kasalanan ko kay Raquel, hindi lang kay Raquel kung hindi pati kay Spencer. Alam kong kailangan ko ng sabihin sa kanila ang totoo pero ayokong lumayo si Spencer at Kisza sakin.

"Mommy"



Napatingin ako kay Kisza ng pumasok sya ng kusina at tawagin ako. Magulo ang buhok nya at basa ng pawis, lumapit sya sakin at kumuha ng sandwich na nasa lamesa.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon