Chapter 17 "Trapped"

Magsimula sa umpisa
                                    

 Napatingin silang lahat sakin ng nagtataka. Sumenyas ako ng walang gagalaw at walang maingay. Maya-maya lang, huminto yung pagtira samin ng paint ball. Nakiramdam pa ako ng ilang saglit bago ako nakahinga ng maluwag. 

 Gumana yung plano ko.

 Nagulat ako nung bigla akong halikan ni Liryu sa pisngi. 

 "What was that for?"-Ako 

 "My thank you kiss. "-Liryu 

 "Naku...Wag nyo akong pinapakitaan ng ganyan. Baka bigla na lang akong manghila ng kung sino-sino dyan para maging boyfriend ko. *pout*"-Lyra

 Tinaasan ko lang sya ng kilay habang umiling-iling naman si Liryu. Tumayo na ng maayos si Liryu at hinubad yung blazer nyang nalagyan ng pintura. Ganun din ang ginawa naming tatlo nila Mirco at Ken.

 "We need to go somewhere safe. "-Liryu 

 "Mauna na kayo. Dito lang ako. Hihintayin kong mawala ang usok."-Ako

 "P-pero bakit, Sai?"-Nicka 

 "Ako ang haharap sa tatlong nilalang na sumisira sa duty ko."

 Someone's POV 

 "Tsk. Natakasan ba tayo?" 

 Tanong ko sa isa sa mga kasama ko. Hinubad nya yung suot nyang sumbrero at ginulo-gulo yung buhok nya sa inis.

 "Malamang. Ang tanga mo kasi. Sino bang nagsabi sayong kapalan mo ng ganto yung usok? Ni anino tuloy nila ngayon, di natin makita." 

"Aba,ano bang malay ko na kakapal ng ganto yung usok?Tss. " 

 "Tama na yan. Maghiwa-hiwalay na tayo. Sa transmitter na lang tayo mag-usap. " 

 Sabi ni Boss. Agad naman akong tumango at nauna na sa pag-alis. Gustong-gusto ko talaga ang mga gantong laro. *chuckle* 

 [Z,sa second floor ka. Forth room. ]

 Utos sakin ni Boss gamit ang transmitter. 

 "Roger. "-Ako

 Agad-agad akong umakyat ng hagdan. Pagkalagpas ko ng hagdan ay tatakbo na sana ako papunta sa pang-apat na room nang may biglang humila sa kamay ko at pinilipit to sa likod ko. Maging yung isa kong kamay, hindi rin nakatakas. Mabilis nyang tinalian ang dalawang kamay ko at pwersahan akong iniluhod.Pumunta sya sa harap ko at tinapik-tapik ako sa balikat bago nya tinanggal ang suot kong transmitter. 

 "Hindi ka ba nasabihan ng boss mo na maging alerto palagi?" 

 Sabi nya sakin habang nakangisi. Sinubukan kong kalagin ang tali sa kamay ko pero mahigpit ang pagkakatali nya. 

 "Sinwerte ka lang, Black. "-Ako 

 He chuckled that gave me more annoyance. Nakakabwisit talaga yang tawa mo, Louie Cortez. Isang araw, sisiguraduhin kong hindi ka na makakatawa. 

 "Pano mo nalamang papunta ako dito? " 

 Tanong ko habang tinitignan ko sya ng masama.

 "Don't talk to me as if you don't know what I can do. I'm a hacker. I can hack everything. Even your connection and transmitter.It took me sometime but at least, I succeed." 

 "Bakit? Hindi ka ba nasiyahan sa laro namin kaya gusto mo na kagad tapusin, Louie Cortez? "

 "Hindi ko sana kayo pakikielaman kung hindi kayo nangdamay ng iba, Zhyle Hathaway." 

 Saisumi's POV 

 Unti-unti ng nawawala yung usok. Nandito pa rin kami sa hallway at nililibot ng tingin ang buong paligid. Ni isa sa kanila, walang umalis sa pwesto. Sasamahan daw nila ako kahit anong mangyari.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon