Chapter 5

196 7 0
                                    

SOREN LEWIS

It's finally Sunday. Time for us to go back to the city. I can definitely say I miss the city life. But don't get me wrong, masarap din naman magkaroon ng konting katahimikan once in a while.

Nothing much really happened, we just bonded over swimming, bonfires, nag island hopping din kami and sumama ako kila Kuya Emil mag fishing, which I enjoyed a lot.

Mas naging close kami ni Tine in just a span of a few days. She's really a good woman. Anyone would be so lucky to have her in their life, that's a fact.

Alex is still a snarky bitch. Pero natutunan ko naman sya pakisamahan. Minsan nga lang eh sumusobra na sya sa kasungitan nya. Ewan ko kung bakit tuwang tuwa sila mommy sa kanya.

"Soren, nak, punta na daw tayo sa villa nila Ma'am Sera." sambit ni Nanay Maricar habang nakatok sa pinto ko.

"Yes po, nanay. Wait lang po, patapos na po ako." sagot ko sa kanya.

I didn't bother packing up all my belongings kasi alam ko naman babalik kami ulit dito for a short vacation. Mas okay na rin may maiwan na mga damit para wala na akong bibitbitin next time.

Pagkalabas ko, nilibot ko muna yung buong villa ko to make sure na malinis at maayos ko itong iiwan. Meron naman kaming caretakers pero ayaw kong mapagod sila and besides, there's no harm naman in helping them out para gumaan man lang trabahuin nila.

Nang masiguro ko na ayos na ang lahat, lumabas na ako sa villa ko and I saw my two friends and Nanay Maricar na prenteng nakaupo na sa golf cart.

"Mah prend, napasarap yata tulog mo ah." mapang asar na sabi ni George.

"Nag moment ba naman sila ni Ma'am Tine kagabi." sinegundahan naman ni Bettina.

Kita ko rin si Nanay Maricar na nag pipigil ng tawa. Aba pinag kakaisahan yata nila ako ngayon?

"Manahimik kayong dalawa dyan, ang aga aga ha." pagbabanta ko sa kanila.

Dahil kumpleto naman na ang aming mga gamit, nag drive na ulit ako pabalik sa main villa. Pag dating namin doon, kinakarga na sa mga van yung mga gamit nila mommy and the rest of the guests.

Bumaling sa akin yung tingin ni Momma Sera. "Anak ko, na-miss kita. Pa-kiss si momma." sabay pag nguso nya.

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Hindi rin nakatulong yung pamumula ng pisngi ko sa ginawa ni momma.

Hindi ko pinansin yung pang aasar nila momma sa akin at nilagay ko na lang yung mga gamit namin sa van.

Noong nakita ako ni Kuya Emil, bigla itong lumapit sa akin at malaki ang kanyang ngiti.

"Dai Soren, hinahanap ka pala ni Althea. Hindi mo daw nasabi sa kanya na aalis na tayo ngayon. Mukhang nag tampo." pati ba naman si Kuya Emil nang aasar.

Si Althea nakilala ko noong sumama ako kila Kuya Emil mangisda. Kapitbahay kasi sya ng pamilya ni Kuya Emil. Mas bata sya sa amin ni Aiden ng tatlong taon pero papasok na rin daw sya sa kolehiyo.

Nakatanggap sya ng scholarship sa isang unibersidad sa Maynila. Di na nga lang namin natapos yung usapan namin noon dahil pinauwi na ako nila mommy dahil mag gagabi na.

"Ah, ganon po ba, Kuya Emil? Text ko na lang po sya ngayon." at nag patuloy na ko sa pag arrange ng mga bagahe namin sa likod ng van. Ayoko kasing nag bubugbugan yung mga gamit sa likod, masakit sa mata.

Bago ako makasakay sa van, dinukot ko muna yung phone ko at tinext si Thea. Nag reply naman sya agad at sinabing may iaabot sya sana sa akin bago ako umalis. Sabi ko naman sa kanya, kung maaabutan nya yung van sa labas ng resort namin, bababa na lang ako sa van para kitain sya.

Cupid's MisfireWhere stories live. Discover now