Chapter 9

8 1 0
                                    

Chapter 9



"Bakit parang balisa ka?" kunot-noong ani Gwen habang titig na titig sa akin. Mabilis ko namang tinakpan ang mukha gamit ang hawak na libro. "Kanina ka pa gan'yan sa room. May nangyari ba?"



Palihim kong kinagat ang pang-ibabang labi. Mariin akong pumikit at kinalma ang sarili. Nasa library kami ngayon, nagre-review para sa long quiz mamaya. 'Yon nga lang, hindi man lang ako makapagfocus. Kanina pa ako napaparanoid dito na baka makita ko si Kael.



Sana naman 'wag na siya magpakita. Kung bakit ba naman kasi napindot ko pa 'yon!



"Ayos ka lang? Ba——"



Agad ko siyang sinapawan. "Oo a-ayos lang."



Muli kong binalik ang mga mata sa librong binabasa. Paulit-ulit ko lang iyon binabasa pero wala talagang pumapasok sa utak ko.


"Oh? Si Kael ba 'yon? Ngayon ko na lang siya ulit nakita," sambit ni Gwen kaya mabilis akong napabaling sa pinto ng library.



Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang papasok kasama si Calvo. Grabe! Hanep 'yan! Talagang ngayon niya pang naisip na magpakita. May dala siyang apat na libro at gano'n din si Calvo. Marami-rami ang mga estudyante ngayon sa library, nasa dulo rin kami nakaupo ni Gwen. Malaki ang tiyansang hindi nga kami makikita.




Paalis na sana sila nang biglang napunta ang mga mata nila sa direksyon namin. Dahil na rin sa gulat kaya mabilis akong napasuot sa ilalim ng mesa bago pa nila ako makita. Sumilip pa ako, laking gulat ko nang makitang papalapit sila sa gawi namin! Wrong timing talaga.



"Uy, kalbo! Libre mo 'ko mamaya," rinig kong sambit ni Gwen.


"Ikaw lang mag-isa?" ani naman ng pinsan niya.


"Huh? Kasama ko si Lu—— sa'n napunta 'yon? Kanina nandito lang naman siya."


Mariin akong napapikit.  Hindi man lang ako napansin ni Gwen.




Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na rin sina Calvo at Kael, pero bago pa sila tuluyang makaalis ay may narinig pa akong sinabi si Calvo.



"Tago well," kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong nakangisi siya.


"Tss."


Napatakip ako sa bibig dahil baka nga alam nilang nagtatago talaga ako. Narinig ba nilang may humihinga sa ilalim ng mesa o talagang nakita nila ako kanina?




Tinadtad naman ako ni Gwen ng mga tanong nang lumabas ako galing sa pagtatago. Hindi man lang ako makapagsalita dahil sa sunod-sunod niyang tanong kaya rin kami pinalis sa library dahil sa sobrang ingay niya.




"Ano ba kasing ginagawa mo sa ilalim ng mesa, ha?!" pang-ilang tanong niya na ito sa 'kin. Malapit na rin kami sa classroom nang makita namin ang lecturer sa next subject kaya hindi ko na rin siya nasagot at dali-daling naglakad papasok ng silid.



Nanliliit ang mga mata nito habang nakatingin sa gawi ko. Kahit nagsisimula ng magturo ang lecturer ay nasa akin pa rin ang mga mata niyang nanlilisik.




"Makinig ka kaya, Gwen. Baka tawagin ka niyan, hindi ka pa makasagot." pambubulabog ko sa kaniya para mapunta sa harapan ang atensyon nito. Nginiwian niya ako at sinunod naman ang sinabi ko.



Nang matapos ay umalis na rin ang lecturer. Nanatili lang din kami ni Gwen sa loob ng room dahil papasok daw ang next subject.




"Sabihin mo nga sa akin," sinulyapan ko lang siya nang magsalita na naman ito.



Under A Lunar Sky (Las Mujeres Series #1)Where stories live. Discover now