Chapter 6

21 3 0
                                    

Chapter 6




"Magsimula na tayong mag-ayos, guys!" anunsyo ni Trisha habang bitbit ang isang costume na susuotin niya rin mamaya. Mabilis namang nagsigalawan ang mga kasamahan ko. Halos lahat ay excited sa magaganap na performance mamaya, kahit naman ako ay excited rin pero hindi talaga maiwasang makaramdam ng kaba.





Nasa isang classroom kami na hindi masyadong ginagamit, mabuti na lang pinayagan kami na gamitin ito.




"Lumi, aayusan na kita, ah." nakangiting sambit ni Mari nang makalapit sa akin. Tipid akong ngumiti at bahagyang tumango. Sinumulan niya na nga akong lagyan ng kolorete sa mukha habang si Rizza naman ay inaayos ang buhok ko.




"Feeling ko mas bagay sayo ang light make up," nanliit ang mga mata ni Mari habang nakatutok sa mukha ko. "Ang kinis ng mukha mo tapos medyo may kaputian ka rin... walang akong foundation na babagay sa skin color mo!" naghihisteryang bulalas nito at tumayo. Binatukan naman siya ni Rizza.



"'Wag mo na lagyan ng foundation! Primer na lang 'tas konting blush on at eyeshadow!"




"Gagawan ko na lang ng paraan," sambit nito at muling naglagay ng kolorete.




"Galingan mo mamaya, Lumi. Ang pagkakaalam ko may prizes din matatanggap bukod sa mataas na grado." nakangiting ani Rizza habang patuloy na inaayos ang buhok ko.




"Kinakabahan kasi ako..." nahihiyang sambit ko at bahagyang yumuko.



"Normal lang naman 'yan eh. Basta isipin mo na lang na walang taong nanonood. Walang pressure."



"Possible ba 'yon? Ako kasi kapag kinakabahan mas naprepressure ako!" gatong ni Mari na siyang ikinatawa ko. Agree din ako sa sinabi nito, gano'n na gano'n ang nararamdaman ko ngayon.



"Guys! Malapit ng magstart! Bilis-bilisan niyo na," si Trisha na nakasuot na ng costume habang nakatitig sa screen ng phone nito.



Bahagya akong gumalaw. Mas lalong dumagdag ang kabang naramdaman ko! Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa salamin nang matapos akong ayusan ni Mari. Pinanood kong mabuti ang aking repleksyon at ang masasabi ko lang ay talagang halata sa mukha ko ang kaba.





"Relax, Lumi." si Rizza nang tingnan niya ako sa salamin. Sinubukan ko siyang ngitian pero mukhang hindi ko yata kaya. Ano ba, Lumi! Ayusin mo.




"Relax lang. Inhale..." sinunod ko ang pinapagawa nito. Huminga ako ng malalim, ginawa ko iyon ng paulit-ulit hanggang sa makalma ko ang sarili.



Nilapitan ako ni Rizza at bahagyang hinaplos ang aking kanang balikat. "'Yan. Tama 'yan."



Nakatingin lang ako kay Rizza nang hindi sinasadyang lumagpas ang mga mata ko at tanging ang madilim na titig ni Kael ang sumalubong sa akin. Napakagat ako ng labi habang nakatitig sa kaniya.



Bahagyang gumalaw ang panga nito habang nakaawang ang mapupulang labi. Mariin pa rin ang titig niya sa akin kaya nang medyo nailang ay ako na mismo ang umiwas.




'Wag mong lingunin, Lumi! 'Wag kang tumingin sa kan— Nang hindi mapigilan ay mabilis ko siyang nilingon at gano'n na lang ang gulat ko nang matantong papalapit ito sa direksyon ko.





Ano bang gagawin niya? May sasabihin ba siya? Maraming nakatingin sa amin, talagang gagawa pa siya ng isa pang issue!



"Can—" hindi niya pa nga natutuloy ang sasabihin nang pumasok si Trisha habang nagkakaundagaga.




Under A Lunar Sky (Las Mujeres Series #1)Where stories live. Discover now