Chapter 4

33 9 1
                                    

Chapter 4




Taranta ang mga kasambahay habang nakatingin sa amin. Nagsinghapan ang iilan sa kanila habang nakatingin sa basang si Kael. Ang isa ay mabilis na kinuha kay Kael ang basang payong. Naramdaman kong napako ang mga mata nila sa akin. Tila hindi sila makapaniwala sa nakikita. Kahit naman ako ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari!






"Come with me," seryosong sambit nito habang papaakyat ng hagdan. Napatitig ako sa glass nilang hagdan nang mapatakan ito ng basa galing sa akin.



"Kael..." mahinang tawag ko rito at bumalik sa baba. Ayokomg umakyat. Sana inuwi niya na lang ako! "Mababasa ang hagdanan niyo—"





"Hindi ba pwedeng sarili mo muna ang isipin mo bago ang ibang bagay?" iritang aniya. Namumula na ito mukhang nagpupuyos sa galit at inis. Nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam ng kung ano dahil sa sinabi niya. My throat ran dry when he grabbed my wrist kaya wala akong nagawa at nagpatianod na lang.




Pinapasok niya ako sa isang malawak na kwarto. Hula ko ay isa itong guest room. Tumambad sa akin ang king size bed at sa kabilang banda ay may pinto, mukhang iyon ang banyo. Kung size bed pero guest room? Hindi ko talaga maintindihan. Ang yaman nila!




"Maligo ka muna,"




"Huh? Paano ang damit ko?" takang tanong ko dahil wala naman akong dalang extrang damit.




"Maghahanap ako ng masusuot mo." saad njya. Tulala naman ako sa kawalan habang hinihintay siyang bumalik. Nanatili akong nakatayo sa paanan ng malaking kama. Hindi pwedeng umupo ako dahil siguradong mababasa 'yan. Mukhang hindi pa naman yata nagagamit ng kung sino ang kamang 'to.




Ilang saglit pa ay nakabalik na siya dala-dala ang damit na susuotin ko pansamantala.  "Hindi ka pa naliligo?" takang tanong niya.



Nag-iwas naman ako ng tingin. Hindi pwedeng aalis ako ng banyo na nakatapis 'no!



Narinig ko siyang tumikhim at inabot sa akin ang damit. "Walang damit na pambabae na kasya sayo kaya ito na lang."




Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat. Nang makitang hindi pa rin siya umaalis ay pumasok na lang ako ng banyo. Alam kong hindi naman niya kailangang gawin 'to. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit nagawa niya pa akong sundan kanina.




Pati ang banyo ay sobrang lawak. Malinis at sobrang kintab ng tiles. May bathtub pa pero hindi ko na iyon pinagkaabalahan. May shower din pero wala akong makitang balde at tabo. Bahagyang kumunot ang noo ko at lumabas ng banyo. Hindi pa naman ako nakapagtanggal ng damit kayo ayos lang na harapin ko si Kael.




Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama ngunit agad na napatayo nang makita ako.





"Wala ba kayong tabo at balde?" takang tanong ko. Imposibleng wala silang gano'n. Eh, sa amin nga kapag may bagong tabo ka, may kaya ka na sa buhay. Sila pa kayang sobrang yaman?




Kung wala silang balde ay pwede namang gamitin ang bathtub at gawing balde. 'Yon nga lang, walang tabo.






"What's tabo? And... balde?" kumunot din ang noo nito sa tanong ko. Hayan! Parehas kaming nakakunot ang noo.




"Tabo na lang. Wala ba kayong tabo?"




"Wa...la?" matagal bago siya nakatugon. Bumuntong-hininga ako at babalik na sana sa loob ng banyo nang may maalala.




Under A Lunar Sky (Las Mujeres Series #1)Where stories live. Discover now