Epilogue

20 0 0
                                    

"SO, HINDI mo rin nabawi ang heirloom kay Lavender?" tanong ni Gray kay Gauis.

Ngumiti ito at bumaling sa direksiyon nina Lavender at Crystal. Nakahiga ang mga ito sa lounge chair malapit sa swimming pool. Mukhang nakatulugan na ni Lavender ang pagbabasa samantalang nakapikit at mukhang tulog na rin si Crystal habang nakasalpak sa tainga ang iPod nito.

"Alam mo ang sagot diyan, Gray. But for the record, I'll answer that question again. Hindi ko binawi dahil kusa na niya iyong ibinigay kay Daddy. And my dad give it to her dahil parte na rin siya ng pamilya namin."

Ngumiti siya at sinulyapan si Lavender. Suot nito ang bracelet. "And that leaves Crystal, who now needs to give up her precious camera." Huminga siya nang malalim at bumaling uli kay Gauis. "Paano, mauna na ako. May kailangan pa rin akong tapusin sa edeting house. Salamat sa oras mo, Gauis. Ipapadala ko ang transcript at draft ng kuwento ninyo ni Lavender para kung sakaling may gusto kang ipabago."

Tumango ito. "Walang problema. Ginagawa ko ito para kay Crystal."

Sa tatlong lalaking Sorelle ay dito siya mas natatakot tuwing magiging seryoso na. Alam niya kung gaano nito kamahal ang bunsong kapatid nito.

Matipid siyang ngumiti. "I know."

Naglalakad siya palayo nang tawagin uli siya nito. Itinuro nito si Crystal.

"Paano ang isang iyan? Hindi mo ba siya ihahatid pauwi?"

Kahit malayo ay kitang-kita niya ang mahimbing na pagkakatulog ni Crystal. "Nagwawala ang isang iyan kapag nagigising nang wala sa oras. Magloko ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising. Basta paggising niya, huwag mo na lang pauwiin, masyado nang gabi."

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Gauis. "I can sense your concern, Gray. Bakit hindi mo na lang sabihing you don't have a heart to wake her up. Mas sweet pa 'yon."

Napailing siya. "Guniguni mo lang 'yon, Gauis. Una na ako. Salamat uli."

Bago tumalikod ay sinulyapan niya si Crystal. Lihim siyang napangiti. Bahagyang nakaawang ang mga labi nito, tanda na mahimbing nga itong natutulog.

Yeah, I don't have a heart to wake her up.

NICKA GRACIA

°°°°°°WAKAS°°°°°°

Finally natapos ko rin ang pangatlong series hehe .. update ko lang po ang pang huling series guys ha medyo mahaba-haba kasi itong series na ito, eh... Last part na po ang next ang huling hahanapin na heirloom na Isang ring ang hahanapin ng ating huling bida na si Crystal Sorelle ang nag iisangp babae sa magkapatid na Sorelle....

Pasensiya na po sa matagal na pag upload hehe.

Thank you for reading mga loves sana nag enjoy kayo sa pagbabasa.mwahh💋💋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEIRLOOM: Love and Antiques (Book 3) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now