Chapter Five

16 0 0
                                    

NAPANGITI si Gauis nang mapasulyap uli siya sa maamong mukha ni Lavender. Hindi pa yata sila nakakalayo sa subdivision ng mga ito ay nakagawa na agad ito ng tulog, halatang puyat nga. He still thought that she was effortless beautiful. Bagaman simple ang suot nito ay litaw na litaw pa rin ang karakter nito. He always thought that writers were eccentric. Well, may katotohanan iyon pero sa kaso ng dalaga ay nakakadagdag iyon sa appeal nito. Kaya nga nagtataka siyang malaman hanggang ngayon ay single pa rin ito. Lavender was so easy to get along with. Masaya itong kasama. Parang bawal ang nakasimangot kapag ito ang kausap.

"Gauis, hijo, pakigising mo na nga iyang prinsesa namin. Masyado nang inaabuso niyan ang kabaitan mo," wika ng mama nito sa kanya.

"Ah, sige po," sagot niya. Pero nag-aalangan pa rin siyang gisingin ang dalaga. Paano naman kasi kahit natutulog ay parang nagmamakaawa pa rin ang mukha nito. Hindi tuloy niya alam kung paano ito gigisingin.

Nauna nang bumaba ang mga magulang nito at mukhang lubusang ipinagkatiwala sa kanya ang paggising dito. Halatang excited talaga ang mama nito. Dinukwang nito ang anak at marahang tinapik sa braso. Ungol lang ang isinagot ng dalaga sa kanila. Sabay pang tumawa ang mga ito.

"Love, anak, gumising ka na! Baka tumutulo na ang laway mo, nakakahiya kay Gauis." Sa pagkakataong iyon ay mas malakas na tapik na ang ginagawa nito. Muling umungol lang si Lavender. Tumagilid pa ito at hindi pinakinggan ang ina. Nabitin yata ang paghinga niya sa ginawa nitong paglapit pang maigi  sa kanya. She pressed her body against him even more. Damang-dama niya ang lambot ng katawan nito at kahit ipagkaila niya ay nararamdaman niya ang kakaibang pagre-react ng katawan niya.

Damn! Lihim din niyang kinastigo ang sarili sa nararamdaman. Mali iyon at hindi nararapat. Pero kailan ba ang huling engkuwentro niya ng ganoon sa isang babae? It was so intimate that he could feel his blood rushing through his veins.

"Pagpasensiyahan mo na ang anak namin, Gauis, may-kahirapan talaga 'yan gisingin." Napapangiwi na rin ang ama ng dalaga. Sumali na rin ito sa ginagawang pagtapik kay lavender.

"Ah, ako na lang po ang gigising sa kanya. Susunod na lang po kami. Naitawag ko naman na po sa kaibigan ko ang pagdating natin. Inaasahan na po nila tayo."

Tila nag-aatubili pa rin ang mga ito. "Sigurado ka, hijo? Mas madali pang gisingin ang natutulog na mantika kaysa sa batang iyan. Dapat pala hindi na lang natin pinatulog," wika ng papa ni Lavender.

Ngumiti siya. "Sigurado po. Saka mukhang kailangan po talaga niya ng tulog. Gigising ko na lang po siya mayamaya."

"Gauis, kapag hindi pa rin dumilat, medyo kurutin mo na," nakatawang sabi ng mama nito sa kanya. Napatawa siya.

Pagkaalis ng mga ito ay muli niyang pinagmasdan ang dalaga. There was really something about this girl that drew him closer to her every day. Muli siyang napabuntong-hininga nang sumiksik pa ito palapit sa kanya. Huminga siya nang malalim. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon, wala iyon sa plano niya. Napailing siya.

"Love, wake up," aniya sa malambing na tinig. Gusto niyang magising ito sa pagtawag niya at hindi dahil kinurot niya ito.

Umungol uli ito. Napangiti siya nang parang inaamoy pa nito ang T-shirt niya. He caught a tiny smile from her lips. Ah, so cute!

"Love, gising ka na, nandito na tayo sa Tagaytay." Nilakasan niya nang bahagya ang boses. Medyo tinapik-tapik din niya ang pisngi nito. Effective naman iyon. Dahil wala na ang shades nito ay kitang-kita niya ang pagkalito nito nang mapatingin sa kanya. Nginitian niya ito. "Good morning uli."

"G-good morning din." Tila hinahanap ng mga mata nito ang mga magulang.

"Nauna na sila sa loob. Ako na lang ang pinagising nila sa 'yo. Sarap kasi ng tulog mo, eh. Hindi ka magising kahit panay na Ang tapik sa 'yo ng mama mo."

HEIRLOOM: Love and Antiques (Book 3) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now