Chapter Two

26 0 0
                                    

NAPANGITI si Gauis habang bumababa ng kotse niya. Sa palagay niya ay may love virus na tumama sa pamilya niya. Una ay ang Kuya JR niya, ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Ito ang kauna-unahang pormal na nagpakilala sa kanila ng nobya nitong si Faith. Hindi nagtagal ay kinaladkad nito ang buong Sorelle para lang mag-propose kay Faith. Sumunod naman ang Kuya Quil niya, ang pangalawang kuya niya. Sa kanilang tatlong lalaki ay tila ito ang imposibleng ma-in love nang basta-basta, may-pagkababaero kasi ito. Pero mukhang mas nagmamadali ito kaysa sa panganay nila. Luna was pregnant and his brother was the proud father. Kulang na lang yata ay hilahin nito ang mga araw para lumabas na Ang pamangkin niya. Devoted father and husband-to-be ang drama nito.

Natatawang nilapitan niya ang dahilan kung bakit may dinner party na naman sa bahay nila. "Hanep, Kuya Quil! Dati, itinatanggi mong naiinggit ka kay Kuya JR. Ngayon, halos ayaw mo nang mahiwalay kay ate Luna."

Agad na ngumisi ang Kuya Quil niya pagkalapit pa lang niya. "Ganyan talaga ang buhay, Gauis. Naiinggit naman talaga ako noon, hindi ko lang bino-voice out," nakangising sagot nito. "Ikaw, hindi ka ba naiinggit?"

He chose not to answer.

"So, ayos sa tradisyon ng Sorelle, ikaw na, Kuya Gauis, ang susunod na mag-aasawa," sabad ni Crystal. Ito ang bunso at kaisa-isang babae sa kanilang magkakapatid.

Natawa siya sa sinabi nito. "Walang tradisyon ang pamilya natin, princess. Ang tanging tradisyon lang na alam ko ay ang naging misyon nating hanapin ang nawawalang heirloom ng pamilya," pagtatama niya.

Ilang buwan lang ang nakalipas nang iatas sa kanila ng daddy nila ang paghahanap sa nawawalang heirloom ng kanilang pamilya. The heirloom was a moonstone jewelry and said to be almost a hundred years old. At dahil din sa heirloom na iyon ay natagpuan ng dalawang kuya niya ang pag-ibig ng mga ito. Ang kuwintas ang napunta kay Kuya JR habang hikaw ang kay Kuya Quil. His was a bracelet at ang huling piraso ay sa bunso nilang si Crystal, ang singsing.

"Don't you see, Kuya Gauis? 'Di ba, dahil sa heirloom nakita ng dalawang 'yan ang true love nila? Si ate Faithie nakita si Kuya JR dahil sa pagpipilit ni Kuya na mabawi ang kuwintas s kanya. 'Tapos si Kuya Quil naman, sukdulang nagpaalipin dahil sa hikaw so, I think, ikaw na ang susunod. Ang tanong na lang, eh, magpapaalipin ka rin ba o manunuyo?"

Sa halip na sumagot ay pinili niyang ngumiti. Tila naghihintay ng sagot sa kanya ang mga ito pero nanatili siyang tahimik. Hindi na yata nakatiis pa si Crystal. Pabiro siya nitong hinampas sa braso.

"Come on, Kuya, 'kakainis ka naman. Pa-suspense effect ka pa diyan."

"What?" natatawang tanong niya s bunso nila. "Ang akala ko ba, kanya-kanyang diskarte? At kung anuman ang diskarte ko, isa lang ang masasabi ko sa 'yo, princess, binabalaan na kita. Huwag mong pakikialaman ang love life ko kung saka-sakaling makikita ko 'yang sinasabi mong true love."

Defensive na tumingin si Crystal sa kanilang magkakapatid bago nito itinuro ang sarili. "Hah! So, para mo na rin sinabing pakialamera ako, Kuya Gauis. I hate you, I thought you love me."

"Bakit, ano'ng tawag mo sa sarili mo?" hirit ng panganay nila. Sumang-ayon agad fiancée nito at si Luna. Ang dawalang babae ang pinakaapektado sa pagiging pakialamera ng bunso nila. Iba klase Kasi ang pagtulong nito, ito ang nagiging kontrabida sa buhay-pag-ibig ng mga kuya nito.

Nakangising itinaas ni Crystal ang hawak na champagne. "I'm your cute cupid, guys" pagtatama nito.

Sabay-sabay silang nagtawanan sa isinagot nito. Mayamaya pa ay bumaling ito sa kanya.

"Pero, Kuya Gauis, paano nga kung magaya ka sa kapalaran nina Kuya JR, maybe the heirloom will lead you to your destiny."

"Hindi ko alam na may tinatago ka palang romantic bone sa katawan, princess," biro niya.

HEIRLOOM: Love and Antiques (Book 3) by: Nicka GraciaWhere stories live. Discover now