The Right to be Jealous

85 6 1
                                    

Naging maayos naman ang weekdays ko na walang ibang iniisip maliban sa trabaho, so unlike sa iniisip ko just a few days ago. At dumating na nga ang Friday na nawala na rin sa isip ko dahil sa daming trabaho. Pagkauwi ko ay nandoon na sila Gail at Aubrey. Nanonood ng Kdrama habang kumakain ng chips at umiinom ng Coke.
"Hi, girls" bati ko sa kanila sabay salampak ko ng upo sa sofa dahil sa pagod.
"Hi Ma" "Hi Tita" sabay nilang bati sa akin.
"How was your day po Ma?" tanong ni Gail na hindi ko na sinagot dahil gusto kong maidlip saglit. At narinig ko na lang na humina ang sound ng pinapanood nila.

"Ma... Ma" nakaramdam ako na may yumuyugyog sa akin. "Ma, may bisita po kayo" pagdilat ko ng mata ay nakita ko si Troy kaya napabalikwas ako ng tayo.
"Oh gosh Troy! Sorry nawala sa isip ko 'yong dinner natin."
"It's okay, sorry to show up here uninvited. I was a bit early kasi kaya naisipan ko na daanan ka na lang. Buti na lang pala or else maghihintay ako sa resto tapos hindi mo pala ako sisiputin kasi nakalimutan mo." tumawa pa siya pagkasabi noon at ngumiti showing her pearly white teeth at dimples. Ang gwapo naman talaga.
"Ah sige, magbibihis lang ako saglit. Upo ka muna. Would you like anything to drink?"
"Wala naman, thanks. Sige, go ahead and take your time, I'll just wait here."
"Sige saglit lang ha." at umalis na ako.

Nagmadali akong nag halfbath at nag-apply ng light makeup, tied my hair into a bun and left a few strands sa gilid ng mukha ko at nagbihis ng black sleeveless bodycon midi dress at pinarisan ito ng black heels sandals at black clutch bag. Sinuot ko rin ang set ko na whitegold na heart tassel earrings at ang paris nitong heart pendant necklace. Naglagay ako ng perfume at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin... all set! At lumabas na ako sa kwarto ko.

Paglabas ko ay nahinto ang interrogation ng dalawa kay Troy at napatayo ito bigla pagkakita sa akin.
"Wow! You... you look gorgeous" "Wow ang ganda mo po Ma" sabay na wika ni Troy at ni Gail na mukhang proud na proud sa akin. While si Aubrey ay tahimik lang, mukhang galit at nasasaktan.
"Thanks, Let's go Troy and girls please make sure to lock the doors pagkaalis namin okay? Bye." umalis na ako at sumunod naman sa akin si Troy na lumabas.

Troy is such a fine man, matangkad, maputi, gwapo at napaka-gentleman. He is the new manager sa HR department namin at hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa isang single mom na kagaya ko at tudo kung umaaligid sa office. Balita ko ay mayaman din daw ito pero hindi lang daw halata kasi sobrang simple at humble nito at sobrang bait kaya sabi ng mga kasama ko ay ang swerte ko daw kaya sagutin ko na raw ito. Like, what the? I just knew the guy less than a week at hindi pa naman ito nagsasabing manliligaw siya, he just invited me to have dinner to get to know me better daw.

Ano pa kaya ang mahihiling ng babaeng makakatuluyan nito? He's very attentive and he took interest din in knowing my daughters. Akala niya anak ko rin si Aubrey kasi grabe daw makapagtanong sa kanya na mukha pa daw nagseselos. The topic just made me remember the anger and hurt sa mga mata ni Aubrey and somehow nakaramdam din ako ng kirot sa aking puso just seeing her like that kaya nagpalit na ako ng topic... about work.

After dinner, we had a few more drinks pa of wine, enjoying the live band playing jazz. Romantic 'yong ambiance ng resto ng isang hotel na pinuntahan namin at sobrang sarap ng pagkain. The night seems perfect. I am accompanied by a handsome man, good food, wine, music and a good conversation too. What I like most about him is sobrang sarap niya sa mata, dagdagan pa ng boses niyang masarap pakinggan and plus point pa is that he is a good conversationalist, it shows his intellegence. He is really my type kaya I was really trying to find it in my heart na kiligin... pero wala talaga. Whenever our skin would touched or kapag-inaalalayan niya ako, I was hoping for a spark or something pero wala talaga. Pero siguro dahil this is the first time, in a long time that I've been out with a man.

"Thank you." wika ko sa kanya pagkababa ko sa sasakyan matapos niya akong pagbuksan ng pinto. "I really had a great time. Thanks for the wonderful night, Troy." dagdag ko pa na nakangiti.
"It's my pleasure, Cass. I too had a wonderful night with you. Can I invite you again over dinner sometime? Or just hang out or watch a movie or we'll go somewhere with the kids? To be honest, it isn't just you that I wanted to get to know, pati na rin ang mga anak mo." somehow that last thing he said made me appreciate him more.
"I am going to ask them first. It's getting late na, I should get in na."
"Ah yeah sure." wika niyang napilitang ngumiti halatang ayaw pang umalis.
"Thanks again, Troy. Ingat sa pagmamaneho." at nagwave na ako sa kanya.
"Good night, Cass. Bye." and ngumiti na naman siya with his killer smile, a genuine one. Ang gwapo talaga. Nagtungo na siya sa driver's side, nagwave, pumasok at umalis na siya. Hay nakahinga na rin ako ng maluwag.

"Bakit ngayon ka lang?" parang iniwan ako ng aking kaluluwa pagkarinig ko sa sinabi ni Aubrey pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate dahil sa labis na pagkagulat. I wasn't expecting her to be waiting sa akin doon. Akala ko ay tulog na sila ni Gail.
"Gosh Aubrey, you are giving me a heart attack! Anong ginagawa mo dito at this hour?" nakita ko siyang nakasandal sa poste ng gate na nakahalukipkip ang magkabilang braso, diretso ang isang bente at ang isa naman ay nakabent, nakasandal sa pader ang paa at seryoso ang mukha. Hindi pa siya nakabihis ng pantulog, she's wearing a fitted white shirt and a denim short shorts. Aughhh kalma puso!
Hinatak niya ako papalapit sa kanya at napayakap na lang ako sa kanya dahil sa takot na ma-out of balance. Halos magkasingtangkad na kami dahil sa heels na suot ko. Mas lalo pang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko ngayong magkalapat na ang aming mga katawan at nakayakap na rin siya sa akin at halos magka-eye level na kami.
"Bakit nagpaganda ka ng sobra para sa iba? Diba dapat sa akin lang?" she was fuming, namumula ang mukha at naluluha ang mga mata sa galit.
"Nagseselos ka ba Aubrey?"
"Oo nagseselos ako!" pagalit at mabilis niyang pag-amin, hindi man lang ikinubli ang nararamdaman.
"God Aubrey, wala kang karapatan." mahinahon kong wika para hindi na siya mas magalit pa.
"Then when are you going to give me the right to be jealous, Cass?" nagagalit n'ya pa ring wika at kumawala na ako sa pagkakayakap niya.
"Good night Aubrey. Pumasok ka na rin, masyadong late na." tumalikod na ako sa kanya at pumasok na sa bahay, dumiretso sa kwarto ko at pasalampak na nahiga sa kama. Sorry Aubrey.

Sweet SixteenWhere stories live. Discover now