Your Love

54 5 0
                                    

Wala naman ng nangyari, bumangon na rin siya pagkaalis ko at niligpit ang ginamit niyang kumot at unan at nagpalit ng pangbahay at tinulungan ako sa gawain sa kusina while my baby is tulog pa rin... matakaw talaga sa tulog si Gail.
"Tita ako na po ang magluluto, just sit there looking pretty for me at magpahinga ka lang. This is my love language po pala, I wanna give an act of service. Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan oh aking prinsesa" at kinanta pa niya ang huling pangungusap na nagpakilig naman sa akin dahil sa ganda ng boses niya. It was my first time hearing her sing at hindi ko akalain na marunong pala siyang kumanta. Hay puso ko! KALMA! "At gusto ko naman pong makatanggap ng physical touch at quality time, just like now... wala pa nga lang physical touch! Umay!"
"Hay Aubrey! Ang dami mo talagang alam! Since inako mo na yang pagluluto eh iiwan na kita dito at may gagawin pa ako sa kwarto."
"Can't you do that po later? Quality time nga po eh!"
"Ang kulit naman talaga! Mapapaaga pagputi ng mga buhok ko dahil sa iyo and not because of Gail."
"Okay lang po 'yan Tita. No biggie! Ang aking pangako na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
kahit maputi na ang buhok MO" at kinanta na naman niya ang huling pangungusap! 'Di na nakakakilig, nakaka-cringe na!
"What's wrong with you today? Nalipasan ka ba ng gutom kagabi?"
"'Di po, nanghaharana lang po ako." humarap siya sa akin at nagsimula na nga siyang kumanta pagkasabi niya noon.
"You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul, you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasy

I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see

Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside

Every time..."
"Ang aga-aga sis nagkoconcert ka na!" at biglang naputol ang sandali naming iyon ni Aubrey. Para akong henehile ng boses niya at tinutunaw ng mga mata niya. Nadismaya ako sa paggambala ni Gail sa pakikinig ko sa kanta ni Aubrey.
"Ang aga mo 'atang nagising?" tanong ni Aubrey kay Gail na parang naiinis.
"Ang ingay mo kasi!"
"Dapat nga mas makatulog ka pa dahil sa ganda ng boses ko!"
"Maganda? 'Di nga? Sinong may sabi? Eh ginambala mo nga ang mahimbing kong tulog!"
"Bahala na kayo dito girls, just call me na lang 'pag tapos na kayo at kapagkakain na tayo.". kay aga-aga nagbabangayan na agad ang dalawa!
"Sige po Ma"
"Ayaw mo na pong makinig sa kanta ko?" hindi na ako sumagot at nagmadali ng pumasok sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.
God! I was like in a trance kanina... parang kami lang dalawa ang nasa mundo, pero sabagay kami lang namang dalawa ang nasa kusina kanina pero biglang naglaho ang lahat sa aking paningin at tanging siya na lang ang nakikita ko at ang maganda niyang boses ang naririnig ko at ramdam na ramdam ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko sa mga sandaling iyon. What happened earlier keeps repeating in my head.
Augh! This is so wrong, Cass!

Tinawag na ako ni Gail para kumain na kaya lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa dining room.
Nagbabangayan na naman ang dalawa at tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa kanila, feeling unease.
"Okay ka lang Ma?"
"Yes baby, okay lang ako may iniisip lang na trabaho."
"Ay Tita, malapit na po pala ang birthday ko. Gift ko po."
"Okay." matipid kong sagot sa kanya. At bumalik na sila sa bangayan nilang dalawa.

After kong kumain ay nagkulong na ako sa kwarto. I didn't feel well and I don't know why. I felt nauseous, that's the only thing I felt at that moment kaya 'di ko alam ang dahilan. I just started  feeling this way earlier. Sinubukan ko na lang matulog ulit hoping na pagkagising ko ay mawawala na ang nararamdaman ko.

Nagising na lang ako sa katok ng pino.
"Ma! Kain na po." tawag sa akin ni Gail. Kain na naman? Pag check ko sa wall clock ko ay alas onse na. What? Napahimbing ang tulog ko? At hindi na ako nasusuka.
"Sige Gail, sunod ako." at lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa  dining.
"Okay ka lang Ma?" tanong agad ni Gail sa akin pagkaupo ko.
"Yeah, pagod lang siguro sa trabaho pero okay naman na ako." nakita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala. "Thanks nga pala Aubrey for cooking lunch."
"Walang anuman po Tita, I'm just happy to know na nakapagpahinga ka on your day off."
"Sige kain na tayo."

'Di ko naubos ang pagkain ko at nagpaalam na ako sa kanila na papasok na ulit ako sa room.
"'Di mo po ba nagustuhan luto namin Tita?" tanong sa akin ni Aubrey.
"Oo nga po Ma." dugtong naman ni Gail.
"Masarap naman 'yong sinigang, I guess 'di pa rin okay ang pakiramdam ko. Kayo na ang bahala dito ha? Pasok na ako sa kwarto ko" God ano ba ang problema sa akin? Nasusuka na naman ako!

Nagising akong masakit ang ulo at pasado alas-sais na. Dahan-dahan akong bumangon dahil kailangan ko ng magluto for dinner. Pagkalabas ko ay nakita ko sila Gail at Aubrey na abala sa kusina.
"Nandito ka pa Aubrey?" pagtataka ko kasi normally aalis na siya after lunch kapagnag-sleepover siya.
"Yes po Tita. Nagpaalam na po ako kina mom and dad na bukas na lang po ako uuwi. They're going to pick me up tomorrow morning po."
"I see." at umupo na ako at pinagmamasdan lang sila. "So what are you girls cooking?"
"Lugaw po Ma. Sabi ni Aubrey na baka makatulong sa nararamdaman mo. Kumusta na po pala ang pakiramdam mo Ma?"
"I overslept siguro kaya masakit na ngayon ang ulo ko"
"Need mo po ba ng gamot Ma, ikukuha po kita?" pag-aalalang tanong ni Gail.
"Baka mamaya na pagkatapos mag dinner."
"Okay po Ma"
"Relax ka lang po d'yan Tita, kami na po ang bahala dito. Malapit na po itong maluto." at inayos na rin ni Gail ang lamesa, naglagay na siya ng mga bowl, spoon at baso at maya-maya pa ay nilagyan na ito ni Aubrey ng lugaw.

They weren't talking much na this time, wala ng bangayang nangyari at kita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala.

Naubos ko naman na ang ang pagkain ngayon, 'yon nga lang ay nasusuka pa rin ako kaya dumiretso ulit ako sa kwarto para magpahinga na lang. Goodness what is wrong with me? I hardly get sick.

Nagising akong nilalamig at napatakbo sa banyo para magsuka. 'Di ko na talaga napigil this time at dahil na rin siguro sa wala akong gamot na nainom.

Nakarinig ako ng katok sa pinto pero hinayaan ko lang dahil patuloy pa rin ako sa pagsusuka. Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa likod ko at hinawi ang mangilan-ngilang buhok ko na nakalugay not to get in the way sa suka ko.
"Okay ka lang ba Tita? Do you want me to bring you to the hospital or clinic or somewhere?" halata ang alalang-alala niyang  boses at umiling-iling lang ako at patuloy pa rin sa pagsusuka kahit wala ng lumalabas sa aking bibig and she stayed with me hanggang tumigil na ako sa pagsuka.

Sweet SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon