I Miss You Too

71 6 0
                                    

Just from that message ay hindi ko mapakalma ang aking puso na biglang bumilis ang tibok nito. I admit namiss ko siya pero syempre hindi ko ito aaminin sa kanya kaya hinayaan ko lang ang message niya without opening it para hindi mag-aappear na seen.

'I understand' message niya ulit. Understand what? Tanong ko sa sarili ko.

'I miss you too, Tita' message niya naman ulit.

'Goodnight po and sweet dreams of me.' at wala na akong message na natanggap from her.

I went out of my room to get water to calm myself at wala na si Gail sa sala. Baka tulog na ito dahil maaga siyang natutulog. Instead of tubig ang kukunin ko ay ang natirang wine ang kinuha ko at ininom. Pangpatulog lang.

Napaigtad at habol ang paghinga akong nagising dahil sa bangungot na naranasan ko. Nakakatakot at nakakakilabot that I even have goosebumps all over my body!

I was drinking my wine dito sa sofa and the next thing I know is nakapa-ibabaw na sa akin si Aubrey, sitting on my tummy and holding my hands over my head and her other hand was caressing the center of my chest going up to my neck, to my lips and she gently and lightly rubbed it with her thumb and she was about to kiss me when I have to get up para maiwasan ang halik! And she wasn't on top of me... not even in the living room. Akala ko talaga totoo ang nangyari dahil sa sobrang vivid nito, buti na lang at panaginip lang pala! But what a nightmare it is! Bakit ganoon ang panaginip ko?

I went to the fridge at kumuha ng malamig na tubig at nilagyan ko pa talaga ito ng yelo para kumalma ang nag-iinit kong katawan. What was that?

Pagkainom ko ng isang basong tubig ay gusto ko pa itong dagdagan at ibuhos sa aking katawan! Kinuha ko ang phone ko to check the time and it was past midnight. I took a shower and went to bed hoping that the wine I had earlier would help me go back to sleep na hindi babangungutin... ulit.

Nagising ako sa katok sa pinto. Aughhh light weight talaga ako pag dating sa alak, ang 'unti lang ng nainom ko pero masakit na ang ulo ko. Hangover? Lack of sleep? Ah ewan!

Bumangon na ako at nagtungo sa pinto hoping na hindi si Aubrey ang nasa labas ng kwarto at nakahinga ako ng maluwag when I saw Gail with a tray on her hand na may toasted bread, pritong hotdog at itlog na parehong medyo overcooked at kape.
"Breakfast in bed Ma. I saw an open bottle of wine sa center table kaya sigurado akong masakit ang ulo mo. Okay ka lang Ma? May problema po ba?" tumuloy na siya at inilapag ang tray sa desk ko.
"Thanks baby" at niyakap ko siya "please don't grow up so soon gusto pa kitang alagaan pero ngayon ikaw na ang nag-aalaga sa akin." at nag sad face pa ko habang haplos-haplos ang kanyang mukha.
"Ma! 'Di na po kasi ako baby!" She is trying to push me away pa from my hug kaya pinakita ko talaga sa kanya na nag frown ako kaya hinayaan na lang niya ako. "I can take care of myself na Ma, and tama si Aubrey, I should be taking care of you na rin kasi pagod ka na from work tapos mapapagod ka pa sa pag-aalaga sa akin. At huwag mo pong iwasan ang tanong ko." ah si Aubrey na naman!
"Okay lang ako, baby. Don't worry. 'Di lang makatulog kaya ininom ko hoping makatulog." at niyakap ko na naman siya ng mahigpit at tinulak na naman niya ako. Mas lalo akong nalungkot, ayaw na nga magpayakap tapos ayaw na niyang magpa-alaga sa akin! Tama nga sila, dapat we should treasure 'yong time na nagpapayakap pa sa atin ang mga anak natin, nagpapakalong at karga pa kasi kapag lumaki na sila ay hindi na natin ito magagawa. And I regretted it kasi most of the time ay busy ako sa trabaho at sa mga gawaing bahay at ngayong maglalambing ako ay ayaw na magpalambing ng anak ko kasi hindi na daw siya baby. At siya pala ang naiimpluwensyahan ni Aubrey and not the other way around. Si Aubrey.

After kong magbreakfast ay naligo na ako at pagkatapos ay lumabas na sa kwarto para magluto at nakita si Gail na nagwawalis ng sahig.
"Ako na niyan, Gail. Wala ka bang mga assignments or school projects?"
"Hayaan mo na ako dito Ma, ito na lang bonding natin 'pag Sabado. I'll clean and you cook. Tapos sa Sunday ko na gagawin mga school works ko."
"Are you doing this ba dahil sinabi sa iyo ito ni Aubrey?" naiintriga kong tanong sa kanya dahil naala ko na sinabi daw ito sa kanya ni Aubrey and now she's doing kung ano ang sinasabi sa kanya ng isa.
"Sinabi niya po sa akin noong nandito siya at narealized ko na tama naman po siya kaya ginagawa ko ito ngayon."
"By any chance... you like her?"
"Ano ba namang tanong yan Ma! Syempre I like her kaya nga best friend kami diba?"
"Not in that way. Like in a romantic way?"
"Hay naku Ma! Magluto ka na po! Kung ano-ano ang pumapasok d'yan sa kukuti mo! Parang kapatid ko na 'yong tao palibhasa 'di mo na ako binigyan ng kapatid." at tinutulak na niya ako papunta sa kusina.

During lunch ay napag-usapan namin ang trabaho ko at ang pag-aaral niya but somehow I noticed na hindi siya mapakali.
"Hmmm tell me, what is it?" tanong ko sa kanya para matapos na ang kanyang kalbaryo.
"Uhmmm" tapos hindi niya tinuloy ang sasabihin niya kaya I urge her na ituloy.
"Go on."
"Birthday na po kasi ni Aubrey sa katapusan Ma" ah Aubrey na naman! "I want to buy her a gift sana pero hindi enough ang naipon ko."
"Ah kaya pala ang sipag mo today!" pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi po Ma noh! Lagi ko na po itong gagawin."
"Okay, okay. So how much do you need pa ba?"
"Mga two thousand pa po Ma."
"Aba dapat pala araw-araw ka maglinis ng bahay!" biro ko ulit sa kanya na ikinainis naman niya.
"When do you need it ba? Wala kasi akong cash ngayon"
"Okay lang po kahit next week Ma."
"Okay. Ano bang gift iyan at mahal? At magkano na ba ang naipon mo?"
"Mga one thousand po Ma. Friendship bracelet po siya Ma na Yin-Yang" excited niyang kwento sa akin kaya napaisip na rin ako kung ano ang ireregalo ko sa best friend niya.

Sweet SixteenWhere stories live. Discover now