Kabanata 10

651 27 11
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Thank you 💙

This is not a perfect story kung ayaw mong basahin wag mong basahin skip mo nalang, wag magfeeling perfect sa comment section pumapatol ako sa mga magco- comment ng hindi maganda. Thank you 😉

PLAGIARISM IS CRIME!!!!

(PLEASE DO VOTE, COMMENT SHARE AND FOLLOW ME ALSO)
🙏🙏🙏🙏

Christine POV

Pagkatapos ng check up ko kanina dederetso sana ako pauwi kaso parang hinihila ang mga paa ko sa jollibee para akong naglalaway ng jollibee ngayon kaya sumaglit nalang muna ako sa jollibee ,nong umpisa gusto kong mag dine in kaso biglang gusto ko nalang i-take out Kaya dinala ko nalang at umuwi, nag taxi nalang ako para mas madali akong makakauwi. Pagdating ko ng bahay nasa sala si Jake habang nakahawak at totok na totok sa laptop nito ,nakakapagtaka weekend ngayon bakit andito ito ngayon hindi nman ugali nitong tumambay ng bahay lalong lalo na weekend ngayon wala akong balak distorbuhin ito kaya nilampasan ko nalang ito para pumunta sa kitchen piro tumingin ito sa gawi ko.

" Saan ka galing ? Sabi ni manang maaga ka raw umalis kanina". Tanong nito

" Nagkita kami ng kaibigan ko na galing abroad". Pagsisinungaling ko hindi ko alam kong ano ang isasagot ko kaya imbes na sabihin na galing ako sa check up nagsinungaling tuloy ako dahil naiinis akong isipin yong nakita ko kanina.

" Dadaan daw ang parents mo dito mamaya kaya mag ayos ka ". Mautoridad na sabi nito kaya pala andito may rason naman pala .

" Okey ". Sabi ko at tuloy tuloy ang lakad papuntang kitchen.

Nadatnan ko si manang sa kusina na busy sa pagluluto siguro dahil andito sila mommy at daddy kaya nagluto ito.
" Iha asan kaba galing alam mo ba kanina kapa pinaghahanap ni sir Jake sa akin wala nman akong masagot sa kanya kung san ka nagpunta, darating daw ang parents mo at sina sir Alfredo".

" Po? Akala ko ba sina mommy lang ????".

" Hindi darating din sina sir mamaya sabi ni sir Jake". Sabi nito

" Ganun po ba tulungan ko nalang kayo manang ". Sabi ko

" Naku iha wag na, kaya ko na to "

" Sige na po ". Sabi ko at inumpisahang balatan ang mga gulay na gagamitin nito .

" Manang ano po ba ang lulutoin niyo".

" Gustong gusto ni sir Alfredo ang minudo kaya yon ang unang lulutoin ko at pinaluto na rin ni sir Jake itong hipon at alimango at yong iba ako na daw ang bahala   ". Sabi nito

" Sige manang ako nalang mag luluto nong iba ??".

" Talaga iha ". ??? Tanong nito na parang hindi kombinsido

" Opo kaya ko po wag po kayong mag -alala marunong po ako". Sabi ko at ngumiti

Nagsimula na si manang sa niluluto nito kaya magluluto na rin ako sa iba pang lulutoin , bata palang ako kinahiligan ko na ang pagluluto tumutulong ako sa yaya ko dati sa pagluluto nito hanggang sa nag high school ako meron akong cooking class na hindi ko pinaalam sa daddy ko si mommy lang ang nakakaalam non. Pagkatapos ng ilang oras patapos na kami ni manang sa pagluluto ng pumasok si Jake sa kusina nong umpisa kita ko Kay manang na parang nag aalanganin ng makita si Jake.

" Sorry po sir hindi ko po gustong patulungin si ma'am sa pagluluto kaso gusto niyang tumulong naiintindihan ko po kung magagalit kayo kasi buntis po si ma'am ". Paumanhing Sabi nito naawa nman ako kay manang kasi parang takot na takot ito kaya sumabat na ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr.&Mrs DownsonWhere stories live. Discover now