Kabanata 3

1.1K 15 0
                                    

A/N

SORRY FOR VERY LATE UPDATE I'M SO STRESSS AND PRESSURED THIS FAST FEW DAYS SANA EENJOY NYO PARIN ANG PAGBABASA ,BAWI PO TAYO NEXT TIME♥️

Jake POV

Nagising ako sa sobrang lakas ng pagkakakatok sa labas ng aking kwrto dito sa aking sariling bahay, ooh Meron na akong sariling bahay since I was 21 nagsimula na akong magkaroon ng sariling bahay piro kung minsan umuuwi din nman ako kina mommy kung hindi ako puyat at pagod sa trabaho most especially pagnamimis ko aking ina. Piro ngayon sobrang sakit ng ulo ko dagdagan pa ng kung sinong ponshopilato na kung makahampas ng pinto parang magigiba ito.

" Jake! Buksan mo ang pinto bilisan mo!". Dinig kong boses ni daddy ano kayang problema ang aga aga naninira ng mood.
" Ano ba gusto mo bang gibain ko to"! Sigaw nito alam ko kong paano magalit ang daddy kaya Dali Dali na akong tumayo at binuksan ang pinto piro ang sumalubong sa akin ay ang malakas na kamao ni daddy.

" Walang hiyaka nangbuntis ka ng babae "! Sigaw nito sabay hawak sa kwelyo ng damit ko.

" Alfredo huminahon ka at pag usapan natin ang problema"!. Pagmamakaawang sigaw ni mommy wala akong idea kung sinong binuntis ko dahil mahigit 3 months na akong busy sa kompanya sa ka busyhan ko hindi ko na magagawa ang mambabae. " Dad ano ba! sinong buntis"?. Tanong ko

" Tumigil ka Jake alam mo kong sino at ang pinaka nakakap*tang ina is talagang ang anak pa ni Ronaldo!". Sigaw nito sa sobrang lakas ng sigaw ni daddy parang hindi na sink in sa utak ko !ano daw ? Anak nino? Ni tito Ronaldo? Hahahaha putcha ngayon ko lang na alala ang lahat ,ooh tama nga pala 3 months ago nag kita kami ni Christine sa bar , Hindi ko akalain na nagbunga pala ang lahat ng nangyari sa gabing iyon  , pareho kaming lasing ng gabing yon piro hindi ko expect na magbunga ? isang beses lang nman namin ginawa. " Ako may anak na? "  Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.

" Anak ano ba ang nangyari"? Tanong ni mommy tulala parin ako Kaya hindi ako nakasagot.

" Anak nman magsalita Ka !". Nagmamakaawang sabi ni mommy

" Bukas na bukas mamanhikan tayo sa mga Salazar para pag usapan ang kasal"!". Sabi ni daddy na ikinabigla ko.

" Dad naman! anong kasal ? Ooh alam kong mali ang nangyari ng gabing yon piro ang bata lang ang pananagutan ko at alam mo kong bakit!". Sigaw ko dahil sa frustration

" Wala akong pakialam bukas na bukas mamahikan tayo at alam mo rin kung bakit! kilala ko si Ronaldo totohanin niya ang sinabi niya". Sabi ni daddy

" Dad! I can't Mahal ko si Celine at hindi pwede ang gusto mo"!. Sigaw ko hindi pwede bakit ako magpapakasal kung isang one night stand lang naman yon hindi ko pinangarap ikasal sa babaeng hindi ko mahal si Celine ang mahal ko siya lang !

" Nasisiraan kana ba uunahin mo yan kaysa sa kahihiyan na matatanggap na ating pamilya ". Sigaw ni Daddy na ikinailing ko hindi pwede sa susunod na taon balak ko ng mag propose Kay si Celine pagkatapos ng Contrata niya sa modeling agency niya sa Paris

" Daddy namn wala akong pananagutan sa ina ng bata piro sa bata ooh ! Susuportahan ko lahat ng kailangan ng bata yon lang dad! Wala ng iba!".

" Bubuksan uli ni Ronaldo ang kaso kung hindi mo papakasalan si Christine!". May hinanakit na sabi ni daddy. " Alam mo dati pa ang kasong sinasabi ko Jake kaya pakiusap pakasalan mo anak niya at wala ng iba"!.

"Anak kahit ito nalang ibigay mona sa daddy mo please". Nasusumamong sabi ng daddy dahil sa narinig ko bigla akong nawalan ng pag asang takasan ang problemang ito alam ko ang sinasabi ng daddy piro parang hindi ko parin magawang isipin na magsasama kami sa iisang bubong ng babaeng iyon na masaya.

Mr.&Mrs DownsonWhere stories live. Discover now