Kabanata 2

15 2 0
                                    

Kabanata 2

Kung sino pa ang taong gusto mong makasama habang buhay, ay siya rin pala ang taong sasaktan ang puso ko. Pero sabi niya aalis ako. Mahal ko siya, kaya gagawin ko kung anong ninanais niya. Para sa kanya, katulong lang ako sa bahay niya.

"Para po." Pumara ako sa taxi, nang makapasok na ako, sinabi ko ang lokasyon kung saan ako patutungo, pero sa totoo lang, wala naman talaga akong mapupuntahan.

"Saan ka ba, miss?" Tanong sa akin ng driver. Ngumiti lang ako at sinabi sa kanya ang eksaktong lokasyon.

"Bakit kayo umiiyak, miss?" tanong niya. "May nangyari ba sa inyo?"

"W-wala naman po... p-pero masakit po kase p-pinalayas ako." sa taong minahal ko.

"Ayos lang yan miss... umalis ka na do'n dapat lang na iwan mo yang nananakit sa'yo, kase... ginano'n din yung anak ko."

Sinabi niya lahat sa akin kaya hindi ko napigilan ang mapaiyak.

Umiyak ako at naghanap ng matitirhan nang nakababa na ako, mabuti nalang at may mabait na ginang ang tinulungan ako at hindi man lang siya nandidiri nung sinabi kong nagalaw na ako.

"Hija... n-nagalaw na rin kase ang anak ko, kaya... hindi ko magawang saktan siya kase hindi niya iyon sinadya..."

Ngumiti ako at hindi maiwasan ang yakapin siya. Niyakap niya ako ulit at parang dito ko nararamdaman ang totoong pamilya.

"A-Ale... ayos lang po ba k-kung makikitira muna ako d-dito pansamantala?"

"Naku, ayos lang! Kami na lang dalawa ng anak kong lalake. Yung babaeng sinasabi ko sa'yo ay matagal nang patay."

Nag sorry ako kase hindi ko naman intensyon ang maukit pa ang nakaraan.

"Ito! Si Arthur, mangingisda siya dito sa nayon... mabait itong anak ko."

"H-hi..." bumati ako.

Ngumiti siya at alam ko na ang ngiti na yon ay hindi peke, sinsero iyon, tumango siya bilang saagot sa pagbati ko.

"Tara, ilagay mo muna ang mga gamit mo diyaan at si mama nalang ang mag aano d'yan."

Nanlaki ang mata ko, "naku! A-ako na po--"

"Ayos lang hija... Samahan mo siya sa dagat, tuturuan ka niya paano manghuli ng isda."

Tiningnan ko si Arthur at kinindatan niya ako. Ngumiti ako at tumango.

•••

"Alam mo ba? M-may cancer ako sa buhok..." sabi ko sa kanya kase komportable naman ako sa kanya. Nginitian niya ulit ako. "Hindi ka ba nangdidiri sa akin?"

"Bakit naman kita pandidirian? May sakit din ang kapatid ko sa buhok... kaya siya pumanaw eh... Alam mo ba? Sabi niya may napapanaginipan daw s'yang isang magandang babaeng mapapadpad sa islang 'to, and I guess it's you."

"H-hindi ako nakakaintindi ng ingles." pag sabi ko.

"Patawad..."

"Ayos lang! Pwede mo naman akong turuan." sabi ko. "Kapag ba sinabi natin to kay tita, mandidiri din ba ata siya?"

"Hindi 'yan, unang tingin pa nga lang niya sa'yo eh alam kong gusto ka niya."

"Bolero ka talaga." sinapak ko ng mahinhin ang balikat niya. "Pero, napaka kisig mo, hindi ka naman nababagay sa pangingisda eh."

Hold You CaptiveWhere stories live. Discover now