CHAPTER 94-Wedding Preparation

73 3 0
                                    

Kanya-kanya kami ni Rome ng trabaho. Tinuro niya sa akin kung ano ang dapat i-prioritize. Tumungo ako papuntang Wilson para kausapin si Darah. Sakto naman at palabas na siya sa office nila.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Halos gusto na niya akong lamukutin sa yakap. “Faye! OMG! You’re back!” Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Iniikot-ikot pa niya ako na para bang hindi kami nagkita ng isang dekada.

Humalakhak ako habang niyayakap siya pabalik. “Namiss kita!”

“Mas namiss kita! Hu-hu! Bakit kasi nag-resign ka ng madalian without telling me? Duh, we’re friends ‘di ba? Akala ko hindi na kita makikita,” may pagtatampong sabi niya at bumitaw sa yakap para hawakan ang mga kamay ko. Nakikita ko ang pagkasinsero niya na namimiss niya ako.

“Nagkaproblema lang eh. Anyway, wala ka na bang trabaho?” Sumilip ako sa loob ng office nila dahil glass wall naman. Nakita ko na mukhang kanya-kanya silang ginagawa.

“Yes. Break time. Nasa vacation yata si Sir Rome eh sayang hindi mo siya makikita.”

Napangisi ako at ipinalupot ang kamay ko sa braso niya.

“May pag-uusapan tayo. Bili ka muna ng miryenda mo hihintayin kita sa EC.” Sumakay kami sa elevator.

“Ano naman kayang pag-uusapan natin?” Nababakas ang pagkagalak niyang malaman kung ano ang ihahatid kong balita.

“Basta! Wait kita sa EC! Bili ka na dali-dali!” Pagmamadali ko at pinanood siyang makaalis sa tabi ko. Dumiretso ako sa EC.

May mga bumati sa akin na mukhang kilala ako. Binati ko sila pabalik at lumapit sa gawi nila.

Hindi sa pagmamayabang, siyempre naging secretary ako ng CEO nito for sure ay halos empleyado nito ay kilala ako.

“Hi! Kumusta kayo?”

“Blooming talaga si Ms. Secretary,” pansin ng isang empleyado ni Rome.

“Hindi naman,” naglabas ako ng mahinang tawa at hinawakan ko sa balikat ang katabi ko.

“Babalik ka na ba?” kuryosong tanong ni Emi.

“Hmm, baka. Pinapabalik na ako ni Sir Rome,” sagot ko. “Anyways may ibibigay akong invitation card bukas sa inyo kaya kapag break time punta kayo diyan ha? Para mapuntahan ko kayo,” dagdag ko.

“Invitation para saan?” Takang tanong ni Justine.

“Secret! No clue!” Pabiro kong sagot at umiling. “Ayon na si Darah. Usap muna kami. Bukas na lang ulit ha? Bye!” Paalam ko.

“Bye, Faye! Looking forward sa pagbabalik mo!” Pahabol nila.

Ngiting malawak kong nilapitan si Darah na dala-dala ang kanyang miryenda.

“Sa ‘yo ‘tong isa.”

Inilahad niya sa harap ko ang iced coffee. “Thanks. Bagong sweldo ka yata?” Tinikman ko ang kape. Mocha flavor na isa sa mga paborito kong kape!

“Yep yep yep! Alam mo ba? Happy na naman ako kasi nakapag-pagawa ako ng aircon.”

“Nice!” Natutuwa kong pahayag. “Alam mo malaking tulong ka sa pamilya mo kaya h’wag mong bibitawan ‘tong trabaho mo kahit medyo masungit ‘yung boss.”

“Sinong masungit?”

Sabay kaming napalingon sa likuran ko ni Darah. Laking gulat ko na lang nang makita ko si Rome na nakapalupot ang mga braso niya sa dibdib niya.

“Sir Rome!” Tawag ni Darah. “Bakit ang bilis po ng bakasyon niyo?”

“I should go to my office. See you later,” paalam niya. Namilog ang mata ko ng halikan niya ako sa labi sa harap ng mga empleyado niya. “Mabi-busy ako buong araw kaya take care of yourself. I love you until the moon turns to stone.”

My Boss CEO is my Ex-husbandKde žijí příběhy. Začni objevovat