Chapter 21

635 66 31
                                    

"Akala mo siguro masayang mag-dorm. Hindi nakakatuwa na puro itlog ang ulam araw-araw!" I ranted while grilling the meat. Nasa tabi ko si Raya samantalang si Celeste naman ay nakaupo sa harapan at kung anu-ano ang tinatanong tungkol sa college life namin.

"Hindi ba kayo pwedeng magluto sa dorm ninyo?" Tanong naman ni Yari. Karlo and Ivo are already out on the sea while the girls are preparing the food. Celeste's birthday was yesterday. Ngayon namin ito ic-celebrate dahil hindi kami nakapagkita kahapon gawa na rin ng iba-ibang schedule.

Umiling ako at bumuntong-hininga. "Hindi. May rice cooker naman yung isang roommate ko. Nagsasaing siya sa umaga tapos iniinit na din naman sa gabi kaya madalas bahaw na ang kanin na pang-hapunan namin."

"Gan'yan ba talaga sa lahat ng dorm?" Lulu asked worriedly. "Iyon kasi ang sinabi ko kay Mommy pero pinipilit niya akong mag-renta ng condo malapit sa Ateneo."

"Mag-condo ka nalang, Lulu." Napailing ako. "Kung ako papipiliin, mas gugustuhin kong mag-isa lang ako..."

Not that I hate my roommates, but it feels nice to have a little privacy. Engineering student si Stephanie habang ang isa ko namang roommate na si Stelli ay literature student. May panggabing klase ang huli kaya madalas akong nagigising kapag nakakarinig ng ingay sa tuwing umuuwi siya. Si Stephanie naman, halos gabi-gabi ay kausap ang pamilya kaya may mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa pag-aaral.

"Mas nakakainis kapag kapatid mo ang roommate mo!" Yari glared at her twin from a distance. "Imagine-in mo nalang kung san-san niya lang nilalagay ang boxer shorts niya! Nakakabwisit!"

Nagtawanan kami. Today is an impromptu plan. We were trying to cheer up Raya because she decided not to pursue UP. Hindi ko alam kung anong totoong dahilan, at ayaw ko rin siyang pilitin na sabihin sa amin kaya nandito nalang kami para sumuporta at pasayahin siya.

I don't know the feeling of giving up your dream school because I don't have any... but I know it must hurt.

Napatingin ako sa kaibigan. Abala ito sa paggayat ng kamatis, sibuyas, at luya na ipapalaman sa sinugbang bangus. Hindi siya gaanong umiimik pero nakikinig naman sa usapan namin.

"Any plans for your anniversary?"

Binalingan ko si Lulu nang bigla niyang iniba ang usapan. Her brows wiggled while looking at me. "Malapit na kayo ni Enrique, diba?"

Napanguso ako. Hindi ko alam kung tanda pa nila ang eksaktong date, pero alam nilang ngayong buwan iyon!

"Hindi ko pa alam..." I shrugged. "Nasa PMA si Enrique. Hindi naman yun basta-bastang makakalabas."

"Why don't you surprise him, then? PMA allows tourists inside except when they have big events. Check their calendar!"

"Ano ka ba, Lulu! Hindi dapat ang babae ang mage-effort sa anniversary, 'no!" Si Celeste naman. "Dapat iyong lalaki!"

"What's wrong? Unti-unti na rin namang nag-iiba ang gender roles sa panahon natin... may mga babae pa ngang nagf-first move!"

"Tulad mo?"

Namula ang buong mukha ni Lulu at umiwas ng tingin. Tumawa nang malakas si Yari.

"Hay nako, Samaniego... iba ka!"

"Shut up!"

"Speaking as someone who had a crush on Kael before..." Celeste cleared her throat and patted our friend's shoulder. "You go, girl!"

Nauwi na sa asaran ang usapan namin. But while I was laughing with them, I couldn't help but consider Lulu's suggestions. Iyon rin naman ang sinabi ko noon kay Enrique... na ako ang pupunta sa kaniya kung hindi niya ako kayang puntahan. Dapat ko lang panindigan ang sinasabi ko diba? I got a kiss out of it!

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora