Chapter 1

1.4K 78 28
                                    



"Time's up, kindly pass your papers everyone."

Napamura ako sa isipan nang marinig ang boses ng guro namin. Naputol kaagad ang tensiyon ng long quiz namin at biglang umingay ang klase. Kanya-kanya nang kompara ang mga kaklase ko ng mga naging sagot nila.

"Settle down, please! Settle down!" Nalunod lang ang boses ni Ma'am dahil wala namang nakikinig sa kaniya.

"Beh, anong answer mo sa number eight?"

Nagulat ako nang biglang lumitaw ang mukha ni Yari sa harapan ko. Sa harapan siya nakaupo dahil letter 'C' ang apelyido habang nasa bandang likuran naman ako dahil nagsisimula sa letter 'P' ang apelyido ko.

"Ang bilis mo, ah? Nag-teleport ka ba?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya habang inaayos ang notebook ko.

"Sige na! Anong sagot mo?!" Niyugyog pa niya ako kaya napairap ako.

"Plate Tectonics Theory."

"Shit! Sabi ko na nga ba! Nakaasar, ampota!" Sunod-sunod niyang pagmumura.

"Hoy, marinig ka ng Lolo mo." Siniko ko siya. "Makapagmura ka, ah."

Inirapan lang ako ng kaibigan at nameywang. "Eh sa essay? Anong sagot mo?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niya. "Ha?! May essay?!"

"Oo, hindi ka ba nakasagot—"

"Ma'am An! Wait! Kulang po ang sagot ko!"

Tumawa nang malakas ang babae sabay hila sa akin. Pati mga kaklase ko ay napalingon sa akin dahil sa lakas ng boses ko.

"Biro lang, oy! Walang essay!" Tawang-tawa pa rin siya.

"Gago ka ba?! Ibalik kita sa Nanay mo, eh!"

Parang gusto kong suntukin si Yari nang mas lumakas pa ang tawa niya. Pati ang katabi ko ay nakitawa na rin nang mapagtanto niya ang nangyari. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Lintek! Akala ko talaga may essay! Alanganin na nga ang grades ko sa Araling Panlipunan, bagsak pa ako sa long quiz!

Hindi pa rin humuhupa ang tawa ni Yari habang naglalakad kami patungo sa canteen. Rinding-rindi na talaga ako pero kung ako ang nasa posisyon niya ay matatawa rin ako. Ang tanga ko siguro tingnan kanina dahil sa biglaang pagsigaw ko. Di bale na, hindi naman ako demure sa paningin ng mga kaklase ko. If anything, I am the class clown. Iyan ang gawain ng mga babaeng hindi kagandahan at hindi sexy, diba? Ang magpatawa.

Nawala lang ang ngiti ni Yari nang makasalubong namin ang kambal niya, si Karlo. Kasama niya ang mga kaibigan at may hawak na bola ng volleyball. She made a face at him which her twin brother rolled his eyes at. Parang aso't pusa ang dalawang 'to kapag nagkikita sa hallway dahil hindi naman sila classmates.

"Sa bahay din ba, ganun kayo? Nagbabangayan?" Tanong ko sa kaniya habang nakapila kami.

"Oo, pangit nun, eh!"

"Kambal mo yun." Paalala ko sa kaniya.

"Ako yung magandang kambal." She scoffed and glared at the guy who pushed on her. Tulakan talaga dito sa canteen lalo na't isang oras lang ang break namin at sobrang daming estyudante. Nag-aagawan pa kami sa ginang-gang at lumpia dahil iyon ang madaling maubos.

"May lumpia pa!" Nilingon ko si Yari. "Hati tayo?"

"Sige." tumango kaagad siya at naglabas ng bente. Ibinigay ko kaagad sa tindera ang pera bago pa ako maunahan ng iba sa likuran. Yung ibang estyudante, hindi na pumipila at sumisingit nalang para makaalis kaagad! Nakakainis, amoy-pawis pa!

Ibinalik ko ang sukli ni Yari pagka-upo namin sa lamesa. Tatlo bente ang lumpia kaya hinati namin ang isang buo. Tig-isa't kalahati kami.

"Alam mo bang napatalsik na yung MAPEH teacher na inireklamo ng estyudante niya dahil manyak daw?" Kaswal kong tanong sa kaniya.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Where stories live. Discover now