Chapter 3

871 61 18
                                    



Nagbabahay-bahayan ba kami?

Siya yung tatay? Ako yung nanay?

Gulong-gulo pa rin ang isip ko at hindi na nawala ang huling sinabi ni Enrique sa akin hanggang sa dumating ang summer vacation namin. Bago magtapos ang school year, kinausap niya ako at sinabing magiging busy siya sa bakasyon dahil sa mga part-time job niya pero nangakong hindi naman mapapabayaan si Chuchay. Talagang mawawalan lang siya ng oras na lumabas para makipagkita sa akin kasama ang aso.

"Karlo..." marahan kong sinipa ang kaibigan. He grunted. Narito kami ngayon sa beach resort pagkatapos magkasunduang lumabas bago magsimula ulit ang klase. Si Karlo ang pinakamalapit sa akin ngayon kaya siya ang tatanungin ko.

"Ano?" Naiirita niyang sagot.

"Highblood mo, huwag na lang!" I scoffed.

Karlo mimicked me, scoffing as well. "So ano? Kapag kayong mga babae ang highblood, okay lang dahil "nature" niyo yan tapos kaming mga lalaki, bawal? Ang daya niyo, ah!"

"May itatanong ako!" Lumapit ako sa kaniya para masigurong hindi kami maririnig ng iba. Wala pang kaaalam-alam sina Raya, Celeste, at Ivo tungkol sa aming dalawa ni Enrique. Hindi ko pa rin alam kung kailan ko sasabihin sa kanila pero sa totoo lang, wala naman talagang dapat sabihin.

Hindi ko naman kaibigan si Enrique. Hindi ko rin siya jowa. Pero tatay siya ng anak ko. Ang gulo, diba? Siya kasi, eh! May pa-anak natin pa siya! Ito tuloy, nai-imagine ko na ang magiging kasal namin!

"Paano mo malalaman kung may gusto sa'yo ang isang lalaki?"

"Oo nga, curious din ako," tumango-tango si Karlo. "Hindi ko alam. Hindi pa ako nagkakagusto sa isang babae eh."

"Talaga? Kahit crush lang?"

"Crush-crush lang pero yung "gusto"? Nahh, wala. Atsaka, ang bata pa natin para sa ganyang mga bagay."

Tumango ako. Kahit na balasubas ang sagot niya, may point naman siya.

"Tama ka."

"Bakit? May nagugustuhan ka ba?"

"Wala, 'no!"

"Crush?"

"Wala din."

"Sige, kwento mo yan, eh."

Inirapan ko si Karlo. Wala man lang akong nakuhang matinong sagot mula sa kaniya. Gusto ko sanang tanungin si Yari, pero mukhang wala din namang pag-asenso ang love life niya. Kung si Ivo naman ang tatanungin ko, baka mahalata niya kung sino ang tinutukoy ko. Nakakahiya kung magka-crush man ako sa lalaki tapos malaman ng mga kaibigan ko tapos iba pala ang crush niya.

Hindi naman ako maganda tulad ni Celeste, para magkaroon ng confidence na magka-crush sa iba. Worst case scenario, baka mandiri pa sa akin si Enrique at hindi ko na makita si Chuchay.

I took a deep breath. Kung para sa anak ko, bawal akong magka-crush sa tatay niya.

Dahil wala naman akong part-time job ay wala akong ibang paraan para bayaran ang utang ko kay Karlo kundi bantayan ang tindahan nila kapag gusto niyang lumabas at mag-volleyball. Gaya nalang ngayon. Dapat ay nasa bahay ako, nagpapahinga at nagbabasa ng mga pocketbook pero hinatak ako ni Karlo sa tindahan nila para gawing tindera dahil may laro daw siya.

"Balik ako mga alas kwatro," aniya habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Ako naman, nakasimangot sa upuan.

"Hanggang kailan ko 'to gagawin bago maging fully paid ang utang ko sa'yo? Sa dalas ko dito, kilala na ako ng Lolo mo, ah!" Pambubuska ko sa kaniya.

"Hmm, apat na libo yun tapos 10 percent interest kaya hanggang sa matapos ang bakasyon," nginisihan niya ako.

"Napakaganid mong tao, Karlo,"

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Where stories live. Discover now