Chapter 16

782 66 6
                                    

"Remember class, the introduction should grab the reader's attention from the start. It builds to your thesis statement and should only consist of one to two paragraphs. Let's look at these examples..."

Pasimple kong nilingon si Yari. She's been silent since this morning. Nag-aalala ako para sa kaibigan pero mas lalo akong nag-aalala para sa kapatid niya. I didn't know Karlo was dating Jazmine! Wala namang sinasabi sa amin ang lalaki. Siguro, kung hindi namin nakita ang panyo sa bag niya ay hindi rin namin malalamang may girlfriend pala siya.

Leukemia, huh? I sighed. Napaka-iksi talaga ng buhay. Ang unfair ng mundo. Hindi mo talaga alam kung kailan kukunin ang mga mahal mo sa buhay. This feels like a sick joke to me...

"Anong nangyari kay Yari? Break ba sila ng jowa niya?" bulong sa akin ni Celeste habang nagla-lunch kami sa manggahan. Um-absent at umuwi na si Karlo kaya kami lang lima ang narito. Some of my friends have no idea about what happened... yet. Hindi rin naman ako makapagsalita dahil wala ako sa lugar para magsabi sa kanila.

"Wala, stress lang siguro sa research nila," pagsisinungaling ko. "Huwag mo muna 'yang guluhin, ha? Si Karlo na din... balita ko... ano... nakaka-stress din ang mga groupmates niya sa research!"

Tumango-tango si Celeste. I know Yari could hear me but she didn't say anything. Nagpatuloy kami sa pag-kain hanggang sa mag-bell, hudyat ng pagtatapos ng lunch break namin.

"Av, absent muna ako. Nag-aalala ako kay Karlo. Wala pa namang tao sa bahay ngayon..."

Tumango ako.

"Sige, ako na mag-iinform kina Ma'am mamaya."

"Salamat, Avery."

I was dragging myself the entire week. Pansin din ng mga kaibigan namin ang tension. Ilang beses na akong tinatanong ni Celeste kung mayroon bang problema pero natatakot akong pangunahan si Karlo.

"Si Jazmine ba?"

Nagulat ako sa biglaang pag-upo ni Ivo sa tabi ko. Yari and Celeste went to the canteen to buy some drinks. The two of us were doing our assigned tasks for the research papers while Lulu, Ivo, Celeste, and Raya were just hanging out with us.

"Paano mo...?"

"Alam kong sila ni Karlo. Late ko lang na-realize na siya pala yung..." he trailed off, and then sighed. "Kaya pala halos hindi ko na makausap si Karlo."

I nodded. Well, if he knows... there's really no use of keeping it as a secret. Raya and Lulu were busy talking about something else and we were whispering to each other. Hindi naman ata nila kami maririnig!

"Pupuntahan ko yun mamaya sa bahay nila."

"Binabantayan naman siya ni Yari pero nag-aalala pa rin ako sa kaniya."

I'm not used to seeing Karlo stripped off his usual cheerful self. Pumapasok pa naman siya pero hindi na gaanong nagsasalita. Napapansin ko lang na pinipilit niyang pasayahin ang sarili kapag nariyan sina Celeste, Lulu, at Raya pero sa tuwing kaming tatlo lang ang magkakasama ay halos hindi umiimik. He's been going to the family's house every night for the wake. Minsan ay hindi na natutulog dahil siya ang nagbabantay sa lamay.

"Ayos ka lang ba? Wala bang problema sa research niyo?"

Napalingon ako kay Enrique. I feel guilty because I think I have been ignoring him these past few days. Ambigat din kasi ng dinadala ko. I love my friends so much, and so I am very affected when one of them are going through hard times. Alam na alam ko ang pakiramdam nang mawalan. Mula sa mga magulang ko, hanggang sa kapatid ko... wala nang natira sa akin.

"Ayos lang naman..." mahina kong sagot.

Minsan, sumasagi sa isipan ko na patigilin nalang muna siya sa panliligaw. Wala naman siyang napapala sa akin, eh! I could not focus on him and I can't bring myself to smile more because of all these burdens. Gustong-gusto ko siyang sagutin pero pakiramdam ko, hindi pa ito ang tamang panahon. Napaka-wrong timing lang.

Shelter in a Storm (Elyu Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora