CHAPTER 36

23 2 0
                                    

CHAPTER 36

NAALIMPUNGATAN AKO NG maramdaman ang sikat ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana nitong apartment ko. Manipis lang kasi ang kurtina na kalagay roon kaya tumatagos 'yon. Sa susunod nga bibili na ako ng black out curtain. Kahit inaantok ay pilit ko parin bumangon at mag-asikaso ng mga dapat kong gawin.

Sinipat ko ang lalakeng katabi ko ngayon na mahimbing parin natutulog. Ang ilang bahagi ng kanyang buhok ay nakatakip sa kanyang mukha. Malalim ang kanyang paghinga sanhi na tulog na tulog parin ito.

Maingat akong bumangon at naestatwa saglit sa aking kinatatayuan ng maramdaman ang pagkahilo. Napapikit ako at hinintay ang ilang segundo hanggang sa maging okay ang aking pakiramdam.

Nagluto nalang ako ng almusal namin pagkatapos ay kinuha ko ang tuwalya sa gilid ng kabinet para maligo na. Maaga pa ang pasok ko ngayon.

"Ano bang meron," mahina kong sambit ng bigla akong nahilo.

Napahawak ako sa pader at mahinang napadaing ng maramdaman ang sakit sa aking ulo. Bumilis ang tibok puso ko at hindi ko alam bakit kinakabahan ako.

"Ouch," naiiyak kong bulong.

Mariin parin akong nakapikit na akala mo ay sa paraan na 'yon ay maalis ang sakit na nararamdaman ng aking ulo. Parang mas dumoble pa ang sakit no'n kumpara sa naranasan ko noong kelan lang. Natitiis ko ang iba pero ngayon hindi na.

Napadausdos ako sa sahig ng banyo at hindi namalayan na nasanggi ko ang mga nakadisplay na bottled shampoo. Naglikha iyon ng malakas na ingay. Sunod sunod ang pagtulo ng aking luha at pag-hikbi dahil hindi ko kaya ang sakit.

Nakayuko ako sa aking tuhod habang ang aking kamay ay nakasabunot sa buhok ko. Hanggang ngayon ay hindi parin naaalis ang sakit no'n. Parang gusto kong iuntog ang aking ulo sa pader.

"Anna!"

Kahit nakapikit ako alam ko kung sino 'yon. Dinig ko ang paghingal ni Kristoff, nagkukumahog na pala ito papunta sa akin.

"My head," humahagulgol kong sambit habang nakapikit. "Bakit ang sakit ng ulo ko," parang bata kong wika.

"Let's go to the hospital," natataranta niyang wika.

Naramdaman ko nalang na binuhat ako nito. Nanatili parin akong nakayuko habang hawak ang aking ulo. Impit akong napaiyak ulit ng sumakit na naman ang ulo ko. Ayan na naman ang nararamdaman ko na parang minamartilyo ang aking ulo.

"I'm scared. Bakit ang sakit niya. Help me please."

"Okay, hon. Calm down. Papunta na tayo sa hospital," pagpapakalma nito sa akin.

Malabo na sa aking pandinig ang mga sinasabi nito. Hidni ko alam kung saan ako magfofocus. Kung sa sakit ba ng aking ulo o sa mga sinasabi nito para kumalma ako.

Kahit nakapikit ako alam kong natataranta rin siya. Hindi ko kasi magawang dumilat dahil sa tingin ko mas lalong sasakit 'yon. Makalipas ng ilang segundo sa pagrereklamo ko na masakit ang aking ulo naramdaman ko nalang na parang may tumulo na likido palabas sa aking ilong pagkatapos no'n ay hindi ko na namalayan na nawalan na akong ng malay.

KAHIT MABIGAT ANG talukap ng aking mata ay pinilit kong idilat 'yon. Alam ko na nasa hospital ako ngayon at sa bandang dulo nitong kwarto ay nakita ko si Kristoff kausap ang doktor. Sa tingin ko ay seryoso ang kanilang pinaguusapan dahil walang emosyon ang kanilang mukha.

Hindi nakatakas sa akin ang pagkakaroon ng pag-alala sa expresyon ni Kristoff. Dahil do'n parang tinambol ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko alam pero bumilis ang aking pag-hinga habang pinagmamasdan sila. Parang may kutob akong hindi maganda iyon.

Love At First Touch (Gorqyieds Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang