Bitch 4

13 1 0
                                    

Gaya ng napag usapan namin ni Hugo. Nag spy kami sa engineering department. Sakto namang inutusan kami ng isang prof na dalhin ang mga notes sa room ni Marvin. I think God is in my side.

"Ang bigat naman!" Reklamo ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Yeah? At tiisin mo kase gusto mong mag spy." Sagot naman nito sakin.

Oh gosh. "Kung hindi lang kita kasama sa operation ko, hindi sana ako maiinis ng ganito."

"Then, be thankful kase kasama moko."

Geez.

Hindi nalang ako umimik at naglakad nalang. Nang nasa building na kami ng engineering ay saka na ako naka hinga ng maluwag.

"San ba yung room nila?" Tanong ko. Hindi ko kase alam kase nung last time na nagpunta ako dito ay kinuha ni Marvin ang dala ko at siya na ang nagdala sa room nila.

"Third floor."

"Ano?"

"Bakit?"

"I thought makakahinga na ako ng maluwag. Di ko alam na aakyat pa pala tayo. Gosh, im tired."

"If that so? Bumalik nalang tayo sa room."

"Heh! No."

Napa roll eyes siya sakin. "Akala ko pagod kana? Tsk."

"I am. But, kailangan ko pang makita ang babaeng yun. "

" Tara na nga. "

Nauna na si Hugo umakyat sa hagdanan kaya naman kaagad akong sumunod. Ayoko rin namang maiwan kase hindi ko naman alam ang room nila noh.

Nang makarating kaming room nina Marvin ay kaagad kong nakita si Mima. Geez, kung sino-sino lang nilalapitan eh. Napa irap nalang ako sa kawalan.

"Nasaan raw si Pres!" Sigaw ng kung sino sa loob kaya napatingin saamin ang iba nilang kaklase. Pati si Marvin na abala sa pagbabasa.

Nagulat ako ng tumayo ito at naglakad palapit saamin. Wag nyong sabihin na siya ang presidente dito?

"Yes?" Malamig nitong tanong. At pre, ansama ng tingin niya kay Hugo.

"Notes nyo." Sabi ko.

Narinig kong tinawag nito si Caleb kaya naman lumapit samin.

"Karylle, how's my baby?" Tanong pa nito.

"She's fine." Sagot ko at inabot sakanya ang mga notes. Binigay rin ni Hugo sakanya ang iba.

Tapos nun ay napatingin ako kay Marvin na nakatingin pala saakin.

"What?" Striktang tanong ko.

"Panget mo." Cold lang nitong sagot at pumasok na sa loob.

Oh gosh. Meron ba akong magagawa para mapatay ko ang lalaking yun? Kase kung meron, gagawin ko na.

"Ano yun? May connection, teh?" Nakangising tanong sakin ni Hugo.

"Nakakainis!" Asik ko at naglakad na paalis.

Nang mag lunch time na ay nasa canteen lang kami. Tinatamad akong bumyahe kaya dito nalang namin naisipan.

"Nakaka inis naman talaga to si Caleb!" Mahinang usal ni Samantha habang nakatingin sakabilang table kung nasaan sina Marvin, Caleb, some of their circles, and worst si Mima!

Ano bang ginagawa ng babaeng yan dyan?! Hindi nya ba talaga tatantanan ang laloves ko?

Mas lalong uminit ang dugo ko nang makitang hinawakan ni Mima ang braso ni Marvin! Pasalamat siya nasa tabi siya eh! Pag talaga naging akin si Marvin ipapakita ko sa mukha ni Mima kung gaano ko siya ka mahal. Urgh!

"I think I lost my appetite." Sabi ko at tumayo. "May gagawin lang ako, gurls." Dagdag ko at kaagad na kinuha ang bag ko para umalis.

Dinala ako ng paa ko sa school garden na nasa likod ng buildings. Hindi masyadong matao dito kaya makapag isip ako ng maayos.

Naupo ako sa bench at nakatingin lang sa punong mangga.

"I think mas peaceful maging mango. Walang ibang iniisip kundi kailan ka mahuhulog. Oh gosh, how about me naman? I think kase nahulog na ako kay Marvin, pero he's not into me naman. It's better to uncrush him nalang diba? It will fade naman. I wish, mangga nalang ako—"

"I don't think so."

Napa igtad ako nang may magsalita sa gilid ko. Paglingon ko ay nakita ko si Marvin.

"K-kanina kapa dyan?"

"Bago lang."

"Anong ginagawa mo dito? Ah! Don't tell me sinusundan moko?"

"Edi hindi ko sasabihin." Sabi nito at nagkibit balikat.

Napalaki ang mata ko. Sign naba to? Crushback na niya ba ako?

"Oh." Napa titig ako sakanya at sa binigay niya.

"What's that?"

"Foods?"

"I know! I mean, para saan?"

"Kakainin?"

"Gosh!"

"Malamang pagkain. Ano paba? Nakita kitang umalis kanina tapos hindi mo pa nagagalaw lunch mo. Kaya dinalhan na kita. Also, don't give me that look. This is my duty as a school president."

"Sabi ko nga?" Akala ko ano na eh.

Kinuha ko nalang ang lunch box na dala niya at tahimik na kumakain. Mas lalo akong ginanahan kase favorite ko ang nasa loob.

"Paano mo nalamang favorite ko to?" Tanong ko at tinignan siya.

Umiwas siya ng tingin saakin at umupo sa kabilang bench. "Favorite mo? I don't know." Sagot nito.

I just shrugged and continue eating my foods.

Nang matapos ako ay napalingon ako kay Marvin na ngayoy nakahiga na sa bench at nakapikit ang mata.

Is he asleep?

To answer that, niligpit ko muna ang pinagkaininan ko bago siya nilapitan. Mukhang natutulog na siya kase hindi niya ako napansin.

Nakatayo lang ako habang nakatingin sakanya.

I admit, he has a perfect face. Mahabang pilik mata, matangos na ilong, kissable na lips, at namumulang pisngi, at perfect jawline.

"Ano kayang feeling haplosin ka?" Mahinang tanong ko sa sarili.

"Try it." Kaagad akong napa atras ng isang hakbang nang sumagot ito.

"A-akala ko tulog ka!"

"Hmm? Why don't you try to touch me?" Tanong nito habang naka pikit parin.

"Can I?" Tanong ko.

Don't get me wrong, ha? Pero it is an opportunity! Ngayon ko lang siya pwedeng mahaplos, so why bother overthinking?

"Yeah?" Sagot nito.

"Okay, but don't open your eyes." Sabi ko kaya naman dahan-dahan akong lumapit sakanya at dahan-dahan ring nilapat ang daliri ko sa pilik mata niya.

Dahan-dahan ring bumaba sa nose bridge niya, antangos talaga. Ganda siguro ng lahi niya noh? Pwede palahi? Nang hawakan ko ang labi niya ay parang may kakaibang biglang dumaloy saakin. Geez, what was that?

Ilalayo ko na sana ang daliri ko nang biglang dumilat si Marvin. At nakatingin diretso sa mga mata ko. And worst, our face are inches apart!

"W-why—"

Hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila para mahalikan ako sa labi!

That Bitch Is Mine (Bitches Series 2)Where stories live. Discover now