Karylle - Marvin

197 3 0
                                    

PROLOGUE

"That's all, any comments? Misunderstanding?"

"Wala maam!" Sigaw ng mga kaklase ko.

Of course ma'am wala na kaming comments sa diniscuss mo dahil mag lu-lunch na kami! At never kaming mag co-comment dahil apaka bored mong magturo, hys.

Kinuha ko nalang ang bag ko at sinukbit ito sa balikat ko. Saka lumabas, kaagad namang sumunod ang mga kaibigan ko.

"San tayo kakain?" Tanong ni Sam.

Si Karen na ang sumagot. "Cafeteria nalang tayo, tinatamad akong lumabas sa school eh"

"Yeah, same" sabi naman ni Claine.

Ayoko sana sa cafeteria kaso nakapag decision na sila eh saka ayoko namang lumabas ng school ng walang kasama. At gaya ng sabi nila ay nandito na nga kami. Kaagad kaming pumila para bumili na ng lunch namin. Kaya ayoko dito kumain eh kase andaming tao.

Buti nalang ay nakabili agad kami. Naghanap na kami ng table para pwede ng masimulan ang pagkain. Ang mga tingin ko ay napunta sa pintuan ng cafeteria nang may pumasok na mga lalaki. Na kaagad tinilian ng mga babae.

Naku! Kung di lang kayo mga gwapo hindi ganyan ang magiging epekto niyo sa mga babae. At syempre kasama na doon ang mga kaibigan ko. Hys, buti nalang talaga hindi ako fan sa pagf-fangirling nila.

Nauna na akong umupo at hindi na pinansin ang mga lalaki. Iniwan ko pa nga sina Sam dahil hindi parin sila maka get over. Sa totoo lang gwapo naman sila, matatalino, basketball player, at mayayaman but not my type. Ganun talaga pag hindi pasok sa taste mo ay hindi ka talaga interesado kahit na anong gawin nila.

"Shit! Ang pogi talaga. Lalo na si Gio!" Malanding sabi ni Claine nang maka upo sila.

"Pustahan, ma fa-fall sakin ang isa sakanila." Sabi namam ni Karen na ikinatawa namin.

" Ilusyonada! " Natatawang sagot ko sakaniya.

Ngumuso naman siya at inirapan ako. " Wala ka talagang ka support-support saakin! Kala mo hindi kaibigan eh!"

"Suportado naman kita, babe. Kaso lang di ko lang talaga mapigilang matawa sa sinabi mo."

Nakita kong nagpipigil rin ng tawa sina Sam at Claine. "Asa kapang mapapansin ka ng mga yan, noh!" Si Sam.

"Bwesit talaga kayo sa buhay ko."

"Yeah, we love you too, baby" nakangising sambit ni Claine.

Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain at hindi na pinansin yung mga pinagpantasyahan ng mga schoolmates namin.

"Karylle." Tawag saakin ni Ma'am Flores sa kalagitnaan ng pagsusulat namin ng notes. Siya ang subject namin at sobrang pasalamat namin dahil nagpasulat lng ito.

Tumayo ako at lumapit kay Ma'am. Inutusan niya akong ihatid ang gamit niya sa engineering department dahil dun daw ang sunod niyang klase. Of course no choice ang ganda ko kaya sinunod ko nalang.

Nakasimangot tuloy akong naglakad papuntang engineering department habang dala ang bag niya at class record at saka madami pa. Tapos, ang layo pa ng engineering department sa department namin noh! Grabe! Dagdag mo pa yung init ng panahon, nagmukha tuloy akong kawawa habang naglalakad sa gitna.

"Yung skin ko!" Huminto na muna ako saglit para tignan ang balat ko. Namumula na ito dahil sa init.

Hays, buti nalang talaga walang mga studyante sa labas dahil may klase ang lahat. Buti nalang talaga! Kase hindi nila ako makikita na mukhang kawawa dito sa gitna.

Ilang minuto pa ang nilakad ko bago ako nakarating sa engineering department. Hinihingal pa nga ako kaya napahinto na muna ako saglit. Tapos napatingin ako sa hagdanan.

"Wow, kailangan ko pang akyatin yan?" Nasa taas pa kase yung room na sinasabi ni Ma'am. Grabe, naiiyak na ako! Naiiyak na talaga ako! Bakit ba kase ako ang inutusan ni ma'am? Kung pwede naman iyong iba nalang eh. Tapos mahuhuli pa ako sa note taking nito. Huhu, ayoko na talaga.

"Need help?" Napa igtad ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

And to my surprise, ito yung lalaking gusto ng lahat. It's Marvin. But what the hell is he doing in here? Dito rin ba ang department niya? Gosh, is he engineering student? Type ko naman ang mga engineering.

Sasagot na sana ako nang walang pasabi niyang kinuha ang bag na dala ko at ang mga hawak ko. "What room?" He said using his cold voice. As usual.

"R-room A1." I wanted to slap my face because I shutter! What the hell, Karylle?!

"My room. I'll take care of this" anito at umalis na.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa nangyare kanina. Pota, bat ba ako nautal? Am I affected to his presence? Shit! I am Karylle Blythe Bernardo. I shouldn't be affected like this! He's just no one! He's just nothing!

Hindi ko namalayan na nasa room na pala ako. Wala ng teacher, at sinabi nila na saakin nalang daw ibigay ang photocopy dahil hindi ako nakasulat. Buti naman, hindi na ako mahihirapan nito.

Nang maka upo na ako sa upuan ko ay dinig ko agad ang bulungan nina Sam. As usual pinag uusapan na naman nila ang mga crush nila. Hindi na ako naki chismis sa kanila dahil hindi na naman yun bago saakin. Nasanay nalang ako na ganyan ang mga kaibigan ko. Landi. In a relationshit. Heartbreak. Iyak. Tapos back to landi na naman. It's like an never ending cycle.

"Owemji! Si fafa Marvin may bagong tweet!" Tili ni Karen. Itong babaeng talagang toh.

"Patingin!" Rinig kong sabi namam ni Sam. Tapos ayun sila naki chismis na naman.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagbasa nalang ng notes dahil may quiz pa kami mamaya. Baka mamaya wala na akong masagot pa eh.

Kaso. "I met her earlier in my department." Basa ni Claine mula sa cellphone ni Karen kaya napatingin ako sakanila.

Kaninong tweet ba yung tinitignan nila? Is that Marvin's tweet?

"Patingin." Hindi ko napansing nasabi ko na pala yun pero huli na para bawiin pa dahil nakatingin na silang tatlo saakin.

"Interested? Something's weird" bulong ni Claine pero rinig ko naman.

Binigay ni Karen saakin ang cellphone niya at kaagad kong binasa ang tinweet ni Marvin.

@marvs
I met her earlier in my department.

That Bitch Is Mine (Bitches Series 2)Where stories live. Discover now