12. Lakeside

7 2 0
                                    


Kamala the Scorpio

Nang pumatak na ang gabi ay kompleto na ang lahat dito sa lakeside. Hindi lang din si Haruko ang nag prepara para sa gabing ito, kundi kaming lahat. Binalaan din nila si Averill na huwag gumawa ng kahit na ano na ikakasira ng gabi namin. The latter only nodded at balik na naman sa pagiging cold ang aura.

I really don't know kung paano ko siya pakikisamahan lalo na't kaming dalawa lang ang magkasama sa misyon na ibinigay nila Esmeralda at ng Emperor. Alam ko na sa simula na mapapanis ang laway ko sa kanya. Pero ayaw ko rin itong mangyari. Siguro ay kakausapin ko na lang siya, bahala na kung hindi siya makinig sa akin ang importante ay hindi mababaho ang hininga ko.

Hmm let's not worry about that muna.

"Guys, look!"

Sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. We saw Luis from a far, ang dalawang kamay nito ay nakataas at parehong may hawak na jar ng alak. Sa likod niya ay naroon si Samuel na may dala rin na jar ng alak sa parehong kamay at may sipit-sipit pa na dalawa sa magkabilang kilikili. Tumatakbo silang dalawa habang tumatawa. Sa palagay ko ay kinuha lang nila ito. Hindi ko alam kung saan pero kasi bawal ang alak sa loob ng skwelahan.

"Pinuslit namin!" Sigaw ni Samuel nang makalapit na silang dalawa. Kaagad naman nila itong ipinatong sa ibabaw ng mesa habang tumatawa. "Lumabas kami kanina ni Luis para bumili ng prutas nang may makita kaming liquor shop."

"Hoy! Gagi! Baka magalit si headmistress!" Halata ang pag-aalala sa mukha ni Ericka na bahagya pang lumayo sa grupo.

"She will never know." Iyan ang sinabi ni Samantha habang may naglalarong ngiti sa mga labi. "Good job, boys!" Nakipag apir pa ito kina Luis at Samuel at sabay-sabay na silang tumawa. Mabilis ang kamay nitong kinuha ang isang jar at niyakap.

"Oh ghad!" Tanging nasambit ni Torin habang sapo ang kanyang ulo at napapa-iling.

"Hahahaha! 'Pag ito nalaman ni tanda malilintikan talaga tayo!" Si Haruko habang chi-ni-check ang limang jar. Napadako ang mata nito kay Samantha na masama lang siyang tinignan at saka tinalikuran.

"Mamaya na 'yan! Let's eat first since tapos naman na."

Isang oras na ang dumaan nang kinain na ng dilim ang araw ngunit hindi naman madilim ang paligid kung nasaan kami. Bukod kasi sa malaking buwan sa ibabaw namin ay may lumulutang din na mga bolang apoy sa paligid namin. Ginawa ito ni Samantha bilang ilaw.

Nasa tabi lang ako ng pahabang lamesa, nakaupo habang naghihintay magsimula ang kainan. Excited din ako sa dala nilang alak. Noong nasa bahay ako ni Rugia ay palaging may rice wine sa kanyang aparador kaya walang araw na hindi ako umiinom. Palagi rin akong pinapagalitan dahil ako ang umuubos sa mga 'to.

Remembering my days back in Liming Province, put a smile on my face. Kumusta na kaya si Rugia ro'n? I'm sure masaya ang isang 'yun dahil wala nang uubos sa alak niya. Wala nang pasaway at sakit sa ulo. Pero I'm sure miss na rin ako no'n.

Habang naglalakbay ang aking isipan sa mga panahon na nasa Caro ako ay tila may naramdaman kong presensya sa malapitan. Tila ba nakatingin ito sa akin kanina lang ngunit ngayon ko lang napansin. Marahan akong lumingon pero laking gulat ko na lang nang makitang presensya pala ni Averill ang naramdaman ko.

Bakit siya nakatingin sa akin?

Inilihis ko na lang paningin ko at umaktong hindi ko siya nakita. Pero bilib din ako sa kanya dahil hindi man lang binawi ang tingin. May dumi ba ako sa mukha ko?

The ZodiacsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon