Espesiyal na Kapitulo

Start from the beginning
                                    

Tumango ako at nilipat na ang pahina ng binabasa ko.

"Ano'ng binabasa mo?" she read what was on my notebook and her eyes widened. "May assigned reading na ba?! Shit, is there a quiz?" dugtong niya.

Natataranta niyang inilabas ang laptop niya habang sinasagot ko siya. "May s-in-end sa e-mail natin na syllabus. Wala naman sinabing quiz, binasa ko lang 'yong unang lesson."

"Bakit wala naman akong na-receive?" Paula replied as her laptop loaded. Binuksan niya kasi.

"Ay, wala? I-send ko sa 'yo," kinuha ko ang telepono ko mula sa bag at binuksan ang internet. Pumunta akong e-mail app and forwarded the email of our prof to her. Baka hindi nasali sa list of receivers si Paula.

"Kasalanan ni prof 'to! 'Di ako nasali! Ngayon lang ako makababasa!" stressed na sabi ni Paula.

"Ito, notes ko, summarized na 'yan," I handed her my notebook.

Paula looked at my notebook and to me. Kumiling ang ulo niya at ngumiti siya.

"Thanks, Abi, I owe you," was her reply.

Na-skim ko naman na ang notes ko, kaya, handa na ako, sakali mang may pop quiz. Quietly, ginamit ko ang telepono ko habang pumapasok na rin ang iba naming kaklase ni Paula. Wala akong kakilala sa kanila, mula sa iba't ibang programa sila, sa tingin ko. Kapag second year na kasi sa UPM, hindi na block section ang mga klase. Kaya, malamang may magiging kaklase ako na PolSci, AreaStud, o OrgComm major. Baka nga mayro'n pang galing sa science-concentrated field, e.

Class began once the prof came. She was an old woman wearing glasses I only saw from old Filipino films, 'yong bilog na malaki at makapal ang rims. Maliit siya at may dalang mukhang mabigat na bag.

Humarap siya at nagpakilala. And, after an hour, I was wrong in assuming there'd be a surprise quiz. This class was just an introductory session, d-in-iscuss lang 'yong syllabus at sinabi ang plano ng prof para sa aming midterms at final exam. There wasn't any exams, just two papers, one about a film, and another about our class going to Sagada.

Tapos, hinayaan na kaming umalis ng classroom. My friends told me that they wanted to eat lunch together in Robman, but I had lunch, so I declined. Imbis na hayaan akong kumain mag-isa, ang ginawa nila ay bumili na lang sa RobMan at sinamahan ako kumain sa GAB lobby.

"Sino prof mo sa Econ?" Mitchelle asked while I eating.

"Ma'am Chua, kayo?" sagot ko.

Ako lang ang kumuha ng Econ class na seven ng umaga. Lahat sila, five ng hapon ang kinuha. Ayaw ko na kasing gabi umuwi, kaya puro seven at eight ang oras ng mga unang klase ko. Ang last classes ko, palaging three lang ng hapon.

"Shit, morning si Chua? Wrong choice 'yong five PM, Sandra," Mitchelle said.

"Sino ba inyo?" ulit ko.

"Si sir Santos, terror daw, e," sagot ni Sandra.

"Kaya n'yo 'yan," saad ko bago magpatuloy sa kinakain.

Reklamo sila nang reklamo sa mga prof na kinuha nila. Hindi ko alam saan nila nakukuha ang mga impormasyon na terror ang prof na 'to, o mataas magbigay ng grade ang isa pang prof, o mahirap magpa-exam ang iba pang prof.

Pinasukan ko ang dalawa ko pang klase at umuwi na. Natutulog si Cathrina sa sopa pagdating ko sa bahay. Naglalaba si Chino ng mga damit.

"Ate, tuyo na 'yong mga damit, nilagay ko muna sa kuwarto mo," ani Chino mula sa labas.

Oo nga pala, tinuruan ko na siyang maglaba last week dahil gusto niyang mabawasan ang mga ginagawa ko. 'Tsaka, para hindi na rin napupuno ang aming maruruming mga damit.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now