Kapitulo 2

19.5K 595 285
                                    

Nagbabasa ako ngayon ng reading sa PolSci subject ko at namamangha sa kung gaano kalawak ang salitang 'politics.' Binalingin ko saglit ang sinaing bago nagpatuloy. Ginamit ko ang natitirang kulay ng highlighter upang matandaan ang mga mahahalagang detalye. Mauubos na rin 'to, kailangan ko ng panibago... Or gagamit na lang siguro ako ng ballpen at guguhitan ang ilalim ng mga salita o parirala.

Apparently, politics was never fully defined because people were always debating over it. One thing was for sure in my eyes—that it could be a tool for goodness and change if it was handled by credible and reasonable people who had empathy. Politics was an inevitable part of life, even if some wanted to think that it wasn't an area they needed to dive into. It was something that intertwined society with different aspects of life. But people don't realize that. They think politics is just inside the government. But it's wider than that—it's related to healthcare, the economy, the police force, education, and so many other areas of life.

Pero nauunawaan ko rin naman kung saan ang pinaggagalingan ng mga taong ayaw sumawsaw sa politika. Masyadong magulo rin ang mundong iyon, nakatatakot pasukin—baka hindi ka na makalabas. Kaso kung walang gagalaw para may mabago sa sistema ng pananakot, patuloy na lulugmok ang bansa.

Tumayo ako at pinatay na ang kalan dahil naluto na ang kanin. Inilagay ko na ang ulam sa la mesa bago inayos ang libro at notebook ko. Pinasok ko 'yon sa kuwarto ko at naglabas na ng mga plato, kutsara, tinidor, at baso. Matapos ang ilang minuto, tinawag ko na ang mga kapatid kong mga nagsasagot ng kani-kanilang homeworks.

"Ate, turuan mo ako sa science," biglang sabi ni Cathrina no'ng nagsasandok ako ng kanin. 

"Mamaya, pagkatapos kumain," sabi ko. Tumango siya at dinaldal si Chino.

"Ate, ano 'yong binabasa mo?" kuryosong wika ni Chino nang umupo na ako.

"Basta," pagpatay ko ng usapan. Makulit kasi itong batang 'to, hahawakan niya na ang libro ko sa susunod.

"Dali na!" ayan na ang simula.

"Chino, tumahimik ka. Kumain ka na," banta ko.

Sumimangot siya at nagsandok na ng ulam bago nagsimulang ngumuya. Wala pa si Mama, siguro trapik sa daan o ang dami niya na namang inaatupag sa opisina. Iiwan ko na ang matitirang kanin at ulam dito sa la mesa para pagdating niya ay hindi na siya mag-init ng kakainin. Pagod 'yon, panigurado.

I finished dinner and cleaned up before going to Cathrina. I taught her about the bones in the body, and I resumed my studying session which ended at 12. Natulog ako ng hindi pa dumarating si Mama.

Paggising ko, naligo ako at nag-aral. Sabado ngayon at unang araw ng pagtuturo ko muli. Pagkatapos no'n ay mag-aaral ako ulit para naman sa Math.

"Ate, nagugutom ako." Sabi ni Cathrina nang magising siya.

"Gusto mo ng kanin? Longganisa ang ulam," sabi ko.

"E, ayaw ko no'n. Puro taba lang 'yon, e." Pagreklamo niya.

"Walang ibang laman ang ref, Cathrina. Ngayon pa lang darating ang suweldo ni Mama, bukas pa siguro makapapamalengke."

"Wala ba tayong tinapay?" saglit akong pumunta ng kuwarto para tignan ang laman ng wallet.

May 50 pesos pa na puwedeng gamitin para bumili ng tinapay. Kaso 20 lang ang matitira sa akin... Isang dyip at tricycle ang papunta sa bahay ng bata ng ityu-tutor ko, pero kaya ko namang lakarin. Dyip lang ang masasakyan ko papunta at pabalik, kaya na.

"Bibili ako, gusto mo ng monay? Isawsaw mo sa mainit na Milo?" tanong ko kay Cathrina nang makitang nanonood na siya mula sa sira naming TV.

"Sige, Ate!" sumigla ang boses niya at bumili na ako sa malapit na panaderya.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now