Kapitulo 14

12.2K 422 267
                                    

During the reading break, niyaya ako ni Alarick na kumain sa Maynila. Sa isang murang kainan na malapit sa UPM.

"Ano? Kumusta ang first part ng first sem, Iska?" tanong niya habang hinihintay ang aming pagkain. "Maraming binabasa, ikaw?"

"Puro basa at math din, may physics na rin kami." Tumango ako. "Bakit mo nga pala gustong makipagkita ngayon?"

Hindi naman kami ang tipong magkaibigan na madalas magkita. Gusto ko rin 'yung gano'n, kumbaga may space. Tuwing magkikita kami, it was either may problema siya o may problema ako. Si Alarick din kasi hindi masalita tulad ko, kaya walang sense kung tahimik kami at magkikita para sa wala.

That was our friendship. Pretty simple. Sabi ni Mama, parang hindi kami tunay na magkaibigan dahil nga madalang magkita. Pero hindi naman ako nagreklamo kay Alarick tungkol do'n at gano'n din si Alarick. May tiwala rin ako kay Alarick at, sa tingin ko, mayroon ding tiwala ang kaibigan ko sa 'kin. I think sapat na 'yon para sa amin. Basta nabubuhay siya at ako rin, ayos na.

"May nakilala akong... babae,"

Kumunot ang noo ko agad dahil hindi naman nagkukwento si Alarick sa akin tungkol sa mga nagiging girlfriend niya. Ngayon lang. So... ano kaya 'to?

"Pareho kayo ng program," ilang beses siyang pumikit, "pero ang kaibahan niyo ay may kaya siya. She's smart and protected. I like her, but..."

"But?"

"She doesn't know the realities of life. She's practically blind about the disregarded. Hindi niya alam na mga trabahador ang nagpapayaman sa bansa. Hindi niya alam na hindi tayo dapat nakararanas ng sobrang traffic jam. Hindi niya alam na mahirap mabuhay ngayon sa mahal ng mga bilihin."

Kita ko ang kaguluhan sa isip ng kaibigan ko base sa kanyang itsura at tono ng pananalita. Para bang nauunawaan niya na hindi ang kanyang gusto na babae.

"She's nice, she is. But she's just... unaware of the social problems that others face, that many face. That irks me, and I want to let her know. Gusto kong ipaalam sa kanya 'yung hirap ng mga mangingisda, 'yung hirap ng isang taong nagmula sa probinsya, at 'yung hirap ng taong naglalakad pauwi araw-araw para lang makapag-aral."

"E 'di, ipaalam mo. Bakit? Defensive ba?"

"Hindi, pero baka maging tunog mayabang ako."

"I doubt that,"

"Baka lumayo siya sa 'kin, ayaw ko no'n."

"Kailan mo siya nakilala?"

"Nitong sem lang, she's actually a year older than me."

"Pa'no kayo nagkakilala? Taga-UPM ba siya?"

Bago makasagot si Alarick ay may tumawag na sa akin. Lumingon ako at nakita si Chance na nasa gilid na pala ng la mesa namin. Tumaas ang dalawa kong kilay.

"Kakain ka rin ng agahan dito?" tumango si Chance sa tanong ko habang nakatitig kay Alarick. "Arick, si Chance nga pala, kapatid siya ng tinuturuan ko." Pagpapakilala ko.

"Ahh, oo nga pala, tutor ka sa Math..." nakita kong dumating ang iba pang kasama ni Chance at umupo na sa isang la mesa na malapit sa amin.

"Nando'n na kasama mo," sabi ko kay Chance. "Is this a date?" ang ibinalik na salita ni Chance.

Kumunot ang noo ko at umiling. "Iba ang gusto nito," sabay turo ko kay Alarick.

Tila gumaan ang itsura ni Chance. Kanina kasi parang... pinagmamasdan ni Chance si Alarick na parang art piece siya. Mahirap unawain sa unang tingin, kumbaga.

Pumunta rin si Chance sa la mesa ng mga kaibigan niya makalipas ang ilang segundo. Sumusulyap-sulyap siya sa 'min habang kumakain at nakikipag-usap. Ako ay na-di-distract sa tingin niya, kaya napuna 'yon ni Alarick.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now