Kapitulo 25

9.7K 264 90
                                    

Sinamahan ako ni Chance bumili ng mga libro ni Cathrina kahit na hindi naman ako nagsabi.

"Does she need anything else?" umiling ako. "Nabili ko na dati, 'yan na lang talaga ang kulang."

Buhat-buhat niya ang mga libro, naglakad kami papunta sa malapit na fast food restaurant para kumain ng tanghalian. Saktong wala siyang gagawin ngayon, kaya pumayag akong sumama siya.

When he swiftly pulled my hand to hold, I looked around. No one noticed his act, so I let it be.

"Do you want ice cream after?" nag-aabang kami na maging pula ang traffic light nang magtanong siya. "Pwede, may 7/11 na malapit, bili tayo nung may pinipig."

"I was thinking of avocado..." ang layo ng taste namin sa isa't isa. "But I can try that, and you try avocado. Have you eaten avocado-flavored ice cream before?"

"Hindi pa, ang weird naman no'n, prutas tapos ice cream." He chuckled. "Strawberry rin naman! Also, mango?" ahh... oo nga... "It sounds weird at first, I guess it's because you're not used to it. But it's delicious, I swear."

We crossed the street while he talked about his first experience eating ice cream. "It stained my white polo then, and Mama got so mad. Papa being there at that time was relieving." Saad niya habang binubuksan niya ang pinto ng fast food restaurant.

"Ako na ang o-order, sabihin mo na sa akin ang gusto mo para makaupo ka na." Nilabas ko ang wallet ko mula sa bag at tinignan ang menu. "I want the two-piece chicken, no drinks, water only."

"Sige, upo ka na roon." Tinuro ko ang libreng la mesa. He went there and put the books down on the seat beside him. Akala ko pa nung una, mag-ce-cellphone siya—ngunit umupo siyang paharap sa akin at pinagmasdan lang ako.

For a moment, I felt satisfied seeing his face. It was a tiring week for both of us. He survived med school, and I survived freshman year. We both finished—well, I finished my first year—studying what we didn't want to learn. But... it still gave me joy. I was proud of him. It was hard to always follow what was noble for our families, but we both followed anyways.

Minsan, naiisip ko kung ito ba ang rason kung bakit kami pinagtagpo—dahil kailangan namin ng karamay sa mga bagay na hindi namin parehong gusto.

Ako, noong unang parte ng pag-aaral sa UP, hindi ko talaga gusto ang kurso ko dahil hindi ko ako mahilig magsagot ng mga tanong sa paraan ng pagsusulat ng essay. Tapos, sobrang dami pang binabasa halos kada subject. Pero alam ko rin sa sarili ko na sobrang dami kong natutuhan sa pag-aaral ng politika, etika, at ekonomiya. Kahit na hindi ko pinangarap pag-aralan 'to, hindi ko maikakaila na naliliwanagan ako sa maraming bagay sa mundo dahil sa kurso na 'to.

At minsan, mahirap kapag mas marami kang alam, mas lalo mong kamumuhian ang mga tao. Siguro totoo nga ang minsan ko nang narinig na kasabihan, ignorance is bliss. Kapag mas dumami kasi ang alam ko, mas lalo akong magagalit at gugustuhin kong gumalaw para sa tama at mabuti—kaso maraming pipigil sa akin.

May katapat na responsibilidad ang kaalaman. May mga diskusyon nang nag-udyok sa akin na sumali sa mga rally para sa mga magsasaka, pero natatakot ako. Nangunguna ang takot at kaba sa aking sistema tuwing maiisip kong maaari akong masaktan kung ipaglalaban ko ang iba. Ang dami kong kailangan gawin para sa pamilya ko, wala ako sa posisyon para sumama sa mga lumalaban. Balang araw...

Ito ang kagandahan ng pagkakaroon ng kaalaman. Nagiging kabilang ka sa mga taong may pakialam at... unti-unti niyong pinapabuti ang mundong magulo at mahirap tirahan.

"How much is it?" tanong ni Chance nung binaba ko ang tray ng pagkain namin. "Libre ko," sagot ko bago ibalik ang tray sa counter.

"Mahal, sit beside me," ani Chance nung makabalik ako. "Nandiyan 'yung libro sa tabi mo, e, dito na ako." Sabay upo ko sa harap niya.

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt