Kapitulo 3

17.5K 476 140
                                    

Almost a week had passed since I last saw Isko. Nalaman ko kay Wesley ang pangalan ng kapatid niya.

Chance.

Chance Luy.

It was Wednesday today, and I was headed to my Kas, aka history, class. First lesson namin today, at ang sabi-sabi ay mabait daw ang prof na napunta sa block namin, si Mr. Canera. S-in-end niya lang ang syllabus sa amin sa e-mail, first time namin magkikita ngayon at sinabihan niya kaming basahin ang ilang pahina ng libro namin para sa lecture na 'to.

"Nagugutom ako," sabi ni Mitchelle no'ng umupo na ako sa classroom.

"Hindi ka ba kumain ng lunch?" tanong ko bago ilabas ang notebook at ballpen.

"Kumain naman, but my mother was hurrying me because I had to go to class na. 'Yon pala, wala pa 'yong prof," she explained. I nodded and took out a sandwich I made at home.

Sa pagtitipid ko, kasama roon ang paminsan-minsang pagbabaon ng tinapay bilang tanghalian. Halos isang daan lang naman kasi ang baon ko para sa pagkain. Kapag sumosobra lang sa isang daan, saka ako kakain sa carinderya dahil kung gagastos ako ng 70 habang 100 lang ang pera ko para sa isang lunch meal—baka hindi na ako makauwi.

"How about you? You ate before going here?" tumango na lang ako sa tanong ni Mitchelle para hindi na i-explain kung bakit kumakain ako ngayon ng sandwich.

"Kaunti lang din kinain mo?" tumango ko muli sa tanong since nakatingin siya sa kinakain ko, iniisip sigurong pareho kami. "Alam mo, ilang araw na ako nagha-hunting ng pogi, wala pa rin." Mitchelle added as I chewed.

"'Yon ang gusto mong makita?" tumango siya at ngumisi. "Sabi ni Paula, marami raw no'n sa College of Pharmacy," dugtong ko dahil minsan ko na kasing narinig 'yon kay Paula; kahit na hindi ko naman tinanong, sinabi niya.

"Ohh, so siya pala ang source mo, huh?" umiling ako sa kaniyang winika at tumawa naman si Mitchelle. "Sige, mamayang after class, dadaan ako sa college nila," aniya.

"Ang layo nila, ah?" sabi ko sa kaniya. Sa kabilang street pa kasi ang building ng College of Pharmacy.

"I will just act like I'm lost. Tapos, titignan ko if may pogi na tutulong sa akin. Since freshman ako, it's believable na hindi ko pa gaanong kabisado 'yong campus."

She had it all planned out already even though I told her about it only now.

"What if wala?" sinubo ko ang sandwich ko matapos magtanong.

"E 'di, I'll go back to our building, tapos sa PolSci department ako maghahanap." Napangisi ako sa sagot niya.

May back-up plan agad siya. Iba 'to.

Tumaas ang isang kilay niya sa response ko. "What? I need a crush! Masiyadong busy ang mga med students dito, e, wala pa akong nakikitang pogi from there as well. Ikaw? Wala ka pang crush?" Umiling ako sa kaniyang pag-usisa at uminom ng tubig. "Any guy you find particularly cute?"

Ang unang pumasok sa isip ko ay 'yong Isko dahil... cute nga siya. Pero hindi ko naman siya crush. Tinanong lang ako ni Mitchelle, kaya automatikong nag-isip ang utak ko ng mga taong nakasalamuha ko na. Hindi ko siya gusto o kinahuhumalingan.

"Wow, mayro'n, 'no?!" nilingon ko siya napagtantong hindi pala ako agad nakasagot, kaya siya nag-assume na mayro'n.

"Wala, lumilipad lang isip ko," agap ko sa kaniya.

"We were literally just talking a second ago, tapos five seconds kang nag-isip—ibig sabihin no'n mayro'n nga! Sino? Share mo naman!"

Umiling ako sa ka-block. "Wala nga, iniisip ko lang 'yong binasa ko kagabi. Ang dami kasing readings, nalilito na 'yong utak ko."

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series #1)Where stories live. Discover now