Chapter 18: If We Go Down, We Go Down Together

Start from the beginning
                                    




"I think I need to twerk." Mikha suddenly said. Namumula na rin siya at nang tumayo siya, agad ko siyang hinila pa-upo. Good thing nasa VIP lang kami kaya walang masyadong nakakakita sa amin. 




"Stop! You're not twerking!" I told her. 




Mikha didn't twerk but when I looked at the two, sila na mismo 'yong gumawa para kay Mikha. Sinasabayan pa nila 'yong music kaya mas lalo akong nahiya sa ginagawa nila. 




"Shee! Come on, loosen up a bit!" Maloi said at inakbayan ako. Bakit parang ako pa ang mas ate sa kanila ngayon?




"Lossen up a bit? Kapag ba niratrat ako ng girlfriend ko tutulungan niyo ako?" I asked them sarcastically.




"Hindi. Pero ang buhay dapay ineenjoy mo lang, ganun wag pahirapan ang sarili." fluent na sabi ni Mikha habang nakaakbay kay Colet. Lasing na nga, fluent na magtagalog eh. 




"I think you guys should stop. May pasok pa tayo bukas." I told them. 




"You're really no fun! Magdadahilan naman tayo eh." Maloi reasoned out. 




"Anong idadahilan natin?" I asked. 




"Parvo." Colet shortly replied. "Tanggalin mo nga 'yong kamay mo sa balikat ko, Mikhs. Baka nakakalimutan mo, inaagaw ng mga kalahi mo West Philippine Sea namin." iritang sabi ni Colet at tumayo. 




Thank God because after an hour, Colet finally paid our bills at nag-aya na umuwi. They're laughing like an idiot, tinatawanan nila ang isa't isa kapag natutumba kung saan saan dahil hindi na makapaglakad ng maayos. Parang mga siraulo! I can help them if I want to but I chose not to middle with their stupidity. Mas masayang panuorin silang ganito dahil madalas ay sobrang seryoso nila. 




When we reached the parking lot, kinuha ko ang susi kay Colet. She's obviously very drunk dahil pulang pula na ang pisngi niya. Nakakainis naman kasi si Jhoanna!  "Go to the passenger's seat. I'll drive." I told her. 




She shook her head. "No. Kotse ko, drive ko." wala na akong nagawa dahil pumasok na siya sa driver's seat. Naupo nalang ako sa tabi niya while silently praying for my life. I look at the back seat to check upon Mikha and Maloi but I saw them sleeping peacefully. Nakayakap pa sila sa isa't isa kaya I took the opportunity to take a selfie with them. 

Chasing Sunsets (BINI Series #4)Where stories live. Discover now