10. The Banquet

4 2 0
                                    


Luis the Aries

Gago talaga ang Averill na iyon.  Pinaulan niya kagabi at mukhang nasobrahan dahil pati sa loob ng dorm ay pinaulan niya rin, mabuti na lang talaga at walang nabasang gamit sa loob. Sabik na sabik pa naman ako sa mga pagkain pero hindi natuloy ang hapunan namin dahil sa ginawa niya. Kaya lahat kami ngayon ay gutom.

"Kailan ba magsisimula ang banquet? Gutom na gutom na ako!" Atungal ni Samuel na katabi ni Haruko na nakahilata sa lapag.

"Asan ba ang Averill na iyon ha? This is all his fault!" Pasigaw na tanong ni Samantha na nakatayo malapit sa sofa kung nasaan si Ligue. Hindi na nito itinago ang tunay na nararamdaman para sa binata, nararamdamang galit.

"Nakita ko siyang lumabas kanina, baka nasa garden na naman 'yun," sagot ni Torin na prenteng nakaupo sa sofa katabi si Kamala na nakapikit.

Si Averill lang ang wala rito sa loob, pero lahat kami ay nakahanda na para sa banquet na magaganap ngayong umaga. Present ang anim na leader ng anim na siyudad.

Napadako ang mga mata ko sa babaeng malapit kay Samantha. I've heard that she's a princess. Ang nag-iisang prinsesa ng Semidia. Well, maganda naman siya. Maputi ang balat nito na tela kakulay nang niyebe. Mahaba ang kanyang buhok na kakulay nang mga mata niyang kulay brown. Mahahaba rin ang pilikmata niya. Makapal ang dalawang kilay nitong perpekto ang arko. Matangos ang ilong. Manipis na mga labi at higit sa lahat...matangkad.

Napangisi ako sa nakikita. I'm currently investigating her looks right now. Hindi naman niya ako napansin dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Samantha. Actually all the girls are talking right now. Sila kasi ang nakaupo sa sofa habang kaming mga boys naman ay nasa sahig.

"They're dominating the sala." Bulong ni Cali na katabi ko. "Look, hindi man lang sila nag abala na paupuin tayo sa sofa bagkus ay busy sila ngayon sa pakikipag chismis. Tsk! Tsk! Girls!"

"Tang'na, Cali nagmamaktol ka ba?" Usisa ni Samuel na sumilip pa sa nakahalukipkip na mukha ng katabi ko. "Hindi bagay, dude!"

"Hindi, masaya ako ngayon dahil imbis na sa sofa ako maupo ay heto't nagtitiis sa matigas na marmol na sahig. Okay lang ako, brod. Don't mind me. Malalagpasan ko lang ito. Isa lamang itong pagsubok ng aking buhay."

Tuluyan na nga itong nag drama sa gilid. Yakap nito ang dalawang tuhod habang nakamasid sa harapan gamit ang masamang tingin. Pareho na lang kami ni Samuel na napa iling sa tinuran nito.

"Grabe ang tagal!" Atungaw ni Zahana at tumanyo tapos tinungo ang pinto ng dorm para buksan. Saktong pag bukas niya sa pinto ay humangin ng malakas at pumasok sa loob ng dorm kaya sabay-sabay kaming nanginig sa ginaw.

"What the..naglalaro ba ngayon si Averill?"

"No, it's autumn already."

Tila may namuong tensyon sa loob ng dorm nang sabihin ito ni Zahara. Lahat kami ay umayos ng upo, even Ligue ay nakuha kaagad kung bakit kami nagkaganito.

"Wew! Calm down, guys! Easy lang kayo! Kakasimula lang ng autumn so meaning hindi tayo mahihirapan sa ensayo natin dahil malamig ang buong paligid." Pagpapagaan ni Haruko.

Napabuga na lamang ako ng hangin. Kahit ano pa mang paraan ang gawin namin ay hinding-hindi na mababago ang nakatadhana para sa amin. We all read the versions of every books written by different authors in this nation. Kahit iba-iba ang author ay magkapareho lang ang kahihinatnan ng bawat kwento nila.

The ZodiacsWhere stories live. Discover now