08

4 0 0
                                    

Continuation of the Flashback*



"Talaga ginawa mo yun ha? Impakta ka Alexa."



"Huwag ako Pia...di mo alam sino kinakalaban mo. "



"Mas lalong hindi mo alam ang ginagawa mo.
Ano ginawa mo yun para mawala siya? Ha?! "




Masakit pa din yung katawan ko sa nangyari. Dinilat ko ang mga mata ko at ang una kong nakita ay isang kisame. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si tita Pia, yung babae na nanakit saken at iba pa.



"Fhetti okay kalang?" Napansin ni tita na nagising na ako at agad niya ako tinabihan sa sofa.



Agad ko siyang niyakap at medyo naiyak.
Sobrang natakot ako na hindi na niya ako babalikan.



"Tita..." Umiiyak na sabi ko.



"Nandito na ang tita okay? Huwag ng umiyak." Hinaplos niya yung likod at ulo ko nung niyakap niya ako.









"Good morning fhetti." Bati ni tita saken nung magising ako. Medyo hindi na masakit yung katawan ko pero natatakot pa din ako.




"Tita..don't..leave me na po." Pag ma-ma-kaawa  ko sa kaniya.




'Fhetti.. kailangan ng tita na mag trabaho para maka hanap tayo ng sarili nating bahay okay?"





Halos isang buwan na kaming nakatira ni tita dito. At halos isang buwan na din nila akong sinasaktan habang wala si tita pia. Lalo na si tita Alexa..galit na galit siya sa akin. Si lola naman pinagsasalitaan ako ng masama. Yung mga babaeng kambal inaaway din ako.




Sa bawa't oras na nangyayari iyun. Pumupunta ako sa likod ng bahay sa hardin at nagtatago. Umiiyak ako nun habang pina-panalangin na sana umuwi na si tita Pia. Sa bawa't uwi niya rin ay nagtatalo sila. Kaya napagdesisyunan ni tita na umalis nalang sa bahay na iyun dahil yun ang naging trauma ko sa mga oras na iyun.
Natatakot si tita na ma-pano ako kung tutuloy ang pag trato nila saken ng ganun.



Mas nagalit si tita sa kanila. Kase sa bawa't uwi niya. May mga sugat at pasa na ako habang umiiyak.


End of the Flashback*





"Huwag kang pakampante bata ka, kung akala mong maganda ang relasyon mo sa pamilya na ito nagkakamali ka." Sabi saken ni tita Alexa bago lumabas ng kuwarto kasama ang mga anak niya.




Humiga nalang ako ulit at tumingin sa salamin. Ano ba yung nagawa ko bakit kailangan ko tong maranasan. Minsan I ask myself, why it has to be like this? Hindi ba nila ako pwedeng tanggapin ng maayos kagaya ni lolo, tito Alex at tita Pia. Sa tingin ko malabo na yun kase grabi ang galit nila saken.





Hindi ko na muna hinintay si tita na bumalik kaya bumaba na'ko papuntang hardin. Total yun lang naman yung lugar kung saan ako ligtas sa mga tao na'to.




Pagkarating ko dun ay may mga taong naka upo at nag uusapan kaya di ko nalang itinuloy. Bumalik nalang ako at pumunta sa sala. Eto nanaman ako parang ligaw manok di alam kung saan pupunta.





Umupo ako at inisip kung ano ba yung pwede kong gawin sa bahay na'to habang nagbabakasyon, pero syempre dapat walang gulo. Nakakasawa na ng gulo, palagi nalang.



"Arfff!"



Anak ng!! Agad akong na paakyat sa sofa. Anong ginagawa ng aso dito. Isa pa talaga golden retriever, woah.. amazing.




Sea Breeze Donde viven las historias. Descúbrelo ahora