03

7 0 0
                                    


Ba't ngayon pa? Nako naman.

Tumayo ako sa gilid ng pintuan habang hinihintay na tumila ang ulan.

Another man stand beside me. Pag minamalas ka nga rin naman wala rin siyang payong.

Oh ano na tayo dito?

"Here..." He handed me an umbrella.

Tinignan ko siya. "Pano ka po?"Tanong ko sa kaniya.

"I have my car there.." he pointed the car across the road.

Tumango ako.

"Sir...tayo na po lumalakas na yung ulan." May isa pang lalaki na sumundo sa kaniya na may dalang payong.

Tumango ito bago sumama sa lalaki.

"Yung payong mo po!" Sabi ko ng malakas.

Umalis sila ng hindi man lang ako nilingon. Sabagay sino ba ako? Sino rin ba siya?
Parang artista...maka asta at tago parang ayaw makita. Yaan mo na privacy niya yun.

Umuwi ako habang gamit yung payong.

"Bilisan mo jan fhetti.." sabi ni tita habang naka upo.

Binigay ko kaagad sa kaniya yung mga binili ko na gamit at iba pa.

Di ko alam kung napano si tita. Pag uwi niya kase nung isang gabi may mga sugat at pasa siya. Sinubukan kong tanungin si ate Jullie pero wala naman siyang maisagot.

"Alam mo..kung di ka lang maganda kanina pa kita inupakan." Sabi nung isang lalaki kay zhia.

"Edi upakan mo." Walang takot na sabi ni zhia sa lalaki.

Nako po! Dalawang babae lang kami yung nandirito tapos apat yung mga lalaki.
Sabi ko sa kaniya kanina eh, dapat di na kami dito dumaan.

"Zhia...huwag mo nang patulan." Bulong ko sa kaniya habang lumalapit yung mga lalaki sa amin.

Hahawakan na sana ako ng isang lalaki pero sinipa ni zhia yun.

"Aba...ang ta-tapang niyo ah." Nag labas yung lalaki ng kutsilyo at lumapit samin.

"Zhia..." kinakabahang tawag ko sa kaniya.

Kumuha si zhia ng metal na tubo at ipapalo na sana sa lalaki.

"Ano yan?!" May mga tanod na sumigaw sa direksiyon namin.

Agad tumakbo yung mga lalaki na may balak sa amin ni zhia.

"Mga hija...anong ginagawa niyo jan?" Tanong ng isang tanod.

"Naliligaw po kase kami." Mahinahon na sabi ni zhia.

Sa wakas nakauwi na kami. Pinahatid na ako ni zhia sa bahay at umuwi na rin siya.

Grabe tong araw na to, para akong hihimatayin.

"Hi..."

Agad akong lumingon at nakita ko ang isang lalaki na natayo sa harap ko. Tinignan ko ito ng seryoso.

"Alam mo ba kung saan nakatira si Pia..?" Nakangiting tanong nito sa akin.

Eto nanaman tayo. Sila nanaman, mga tokmol din to eh.

"Di ko po alam." Pagpapalusot ko.

Tumango sila. "Ikaw yung alaga ni Pia diba?"
Nagtanong yung lalaking nasa kaliwa.

Tumahimik ako at di sila sinagot.

"Ikaw nga...kung naaalala ko..your name was.
What was that again hija?" Tanong niya saken.

Aba feeling close naman toh, sino siya para malaman yung pangalan ko.

"Kung may business man po kayo kay Tita Pia..di ko po alam kung nasan siya."
Walang pake kong sagot sa kanila pero meron paring galang sa pagsasalita ko.

Sea Breeze Where stories live. Discover now