29

465 9 0
                                    

CHAPTER 29 - BLIND DATE





KELLY'S POV




Nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na yun. Kilalang-kilala ko ito. Si Zack.... Pero anong ginagawa nya dito? Omy! Baka makita kami ng ina nya.








Luminga-linga ako sa paligid, baka kase mamaya nandito si Mrs. Lee. Naku mahirap na. Nang wala akong makitang tao ay saka ko na sya tinignan. Gustuhin ko man syang yakapin pero hindi ko magawa. Ayokong makulong si Tiya. "Zack. Ikaw pala. Hmm pinapunta ako nina Rich at Dave dito. Ehh ikaw? Bat ka nandito? " Balik kong tanong sakanya.







Tumaas ang kilay nya. " Do you know me? " Amputek!! Huhuhu.











Ngumiti ako sakanya ng bonggang-bongga. "Ikaw? Luh, di ahh. Akala ko kase yung best friend ko. Hehe. Sorry" sagot ko at palihim syang inirapan.











Mas lalong tumaas ang kilay nya na ikina-inis ko. Urgh! Bakla ka dre? Bakla? "As far as I know, Daniel ang pangalan ng best friend mo—"


" Wahh! Oh my! Kuya anong pangalan mo? Err stalker ba kita? Bat mo kilala ang best friend ko? Oh my ghad! Naging jowa ka ba nya? " Daig ko pa ang nag rap sa sobrang bilis kong nagsalita.










Ngumiti sya. 0__0. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun. O namalik-mata ba ako. Pero bakit parang feeling ko ay ngumiti talaga sya?! Kung pwede lang sanang ibalik ang oras. Huhuhu.












"Tsk" nanlumo ako sa sagot nya. Guni-guni ko lang nga yung nakita ko. Pero bakit para saakin ay ngumiti talaga sya?








Nakatayo lang kami sa malayo sa upuan ng mag jowang mag date. Hinintay ko pa kase sina Dave. Baka sina Dave din ang hinintay ni Zack.








Narinig kong tumikhim si Zack kaya napa-ayos ako ng tayo. "Anong pinag-uusapan nyo ni Mommy?" Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong nya.










Napalunok ako ng ilang beses. N-nakita nya kami? Hindi ko magawang sagutin ang tanong nya. "I-inutusan kaba nyang iwa-iwasan ako?" Parang binuhusan ako ng malamig na yelo dahil sa sunod nyang tanong.













Gusto kong magsabi ng totoo pero hindi ko kayang gawin. Magsisinungaling na naman ako. "H-hindi" sagot ko.











"Tsk" sambit nya.






Sorry...




--





DAVE'S POV







"Hanep naman ohh! " Usal ni Max habang nakatingin kami kina Zack at Kelly na nakatayo lang.








"Jusmeyoo! Ni-reserve pa nga natin yang table na yan sakanila. Tapos di sila uupo? Aba bad yun" Inis kong usal.







" Nasaan na ba ang waiter nyo, Dave? " Tanong ni Ethan









" Ewan" sagot ko.





Magsasalita na sana si Rich nang biglang lumabas ang waiter at lumapit iyon kina Zack.






Meron itong sinabi. Si Zack naman ay na-upo habang si Kelly ay may sinabi pa sa waitress. Nakita naming tumawa ang waitress bago umiling, saka na na-upo sa upuan si Kelly.






--










"Kakain lang ba sila?" Bored kong tanong sakanila.











" Ewa—Darn! Tignan nyo" Sabi ni Max kaya kaagad kaming napatingin kina Zack.








Si Zack ay may tinanong na ikinatigil ni Kelly. Di namin marinig ang pinag-uusapan nila dahil nasa malayo lang kami.









May sinagot si Kelly na ikinasalubong ng kilay ni Zack. Padabog na tumayo si Zack dahilan para magulat kaming lahat. "Darn it! Bakit ba ayaw mong sabihin ang totoo?!!" Sigaw ni Zack habang nanliniksik ang mata.











" Lalapitan ba natin?" Tanong ko.











Mabilis na umiling si Ethan. "Wag. Hayaan mo sila. Kailangan nila ng privacy" sagot nito.










Naawa ako kay Kelly.

Ang Manyak Kong Boyfriend (Part 2)Where stories live. Discover now