17

170 2 0
                                    

CHAPTER 17 - 2 DAYS WITH YOU 4

KELLY'S POV

"Zack, last na talaga yung Ferris Wheel, at Roller Coaster" pang-pilit ko kay Zack. Na-try na namin lahat ng rides. At yung dalawa nalang ang kulang. Nag-simula na akong mag-isip kung takot ba sa mataas si Zack. Kanina pa kase tanggi ng tanggi ehh.

"Im tired" yan na naman. Tired. Tired. Yan nalang ang palage nyang sinasagot saakin.

"Sige na, bee. Pag di ka pumayag. Magsisisi ka talaga" yeah. Kase ito na ang huling araw para saatin.

Taka syang tumingin saakin. " Bakit naman ako magsisisi? Ehh kung pwede namang bukas nalang natin itutuloy yung dalawang rides" sagot nya.

Hindi... Hindi mo ako naintindihan, Zack. Huhu. " Sige na, Zack. Huhuhu" naiiyak na ako.

Pagkatapos ng araw na ito, Zack ay hindi na tayo magkalapit pa. Huhuhu. " Still no! And it's final" madiing sagot nya sabay upo sa bench na nasa harap namin. Naki-upo nalang ako saka napahilamos sa mukha.

Huhuhu. Kailangan ko ng matinding dahilan para makasakay kami doon. Last na toh ehh. Kaya dapat sulitin namin. Nakaka-inis naman kase si Zack ehh. "Zack, sige na..." Pagmamakaawa ko sakanya.

"N-O. NO!"

Huhhuhu. Kailan pa naging matigas ang ulo ni Zack? *Pout*  ano ang magandang gagawin ko para mapapayag sya?

ZACK'S POINT OF VIEW

Weird. She's acting weird. Naninibago na talaga ako sa kilos nya. Kung dati ay maldita ito saakin. Ngayon ay naging mabait na.

"Bakit?" Wala sa sariling tanong ko sakanya. Habang naka piggy back ride sya saakin.

"Anong bakit?"

"Bakit ka ganyan?" Tanong ko. Natahimik sya. I knew it. She's hiding something. Pero ano yun?

Narinig kong tumikhim sya. "Ayaw mo ba na ganito ako?" Ang labo nya.

"Not that, honey. Naninibago lang naman ako sa kilos mo... " Sagot ko.

Nagpabuntong-hininga sya. " Na realize ko lang na dapat pahalagahan ang mga taong nanjan palage sa tabi mo"

Huh? " Wala akong naintindihan"

" In short. Bumabawi lang ako sayo. Ang dami mo na kayang nagawa para saakin. Ngayon naman ay babawi ako. Get it? "

" O—kay?" Di siguradong sagot ko.

Ang weird nya. Di naman nya ugaling bumawi. Bakit ka ganyan Kelly? Aish. Ang labo talaga. Mas malabo pa sa pag-ibig.

' ayieekss. Humuhugot si lover boy ' sabat ng puso ko. Err?

' Sinong pinaghuhugutan mo, Lover Boy? ' kunyare striktang tanong ng utak ko.

Bakit ba sila sumasabat? Ehh? Ang we-weird na talaga ng mga bagay sa mundo. Lalong-lalo na si Kelly. Aish.

"Bee..." Maya-maya'y bulong nya saakin.

"Hmm?" Sagot ko. Pero di sya sumagot.

Hanggang sa umabot na ng limang minuto ay wala parin. Napangiti ako nang maramdaman ang mabibigat nyang hininga. Tinulugan ako.

Nang nasa harap na ako ng kotse ko ay inihiga ko sya sa backseat. Saka naman ako umikot para makasakay sa driver seat.

Alam ko ang bahay nya pero ayoko pa syang i-uwi. Di rin sya pwede sa condo ko dahil nandun si Miya.

Pinaandar na ko na ang kotse at pinaharutan papunta sa bahay namin. Which is sa bahay naming magkaka-ibigan. Kami ang bumili nun last year.

-

"Alam mo pa pala ang lugar na ito, bro?" Nakangising bungad saakin ni Max.

" Shut up, Max" sita ko sakanya.

" Hanep kilala mo pa pala kami, dre? " Tanong ni Dave na kakarating lang din.

" Manahimik nga kayo. Tsk" inis kong sambit bago tuloy-tuloy na pumasok ay dumiretso sa kwarto ko dito.

Dahan-dahan kong nilapag si Kelly. Para hindi sya magising. Saka ako na-upo sa tabi nya. Nagpabuntong-hininga ako at tinitigan ang mukha nya. Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako sa mga kilos nya. Hindi ko talaga sya maintindihan. Haayy Kelly.

(A/N: Insert muna sina Yanna at Zion dito:)

ALIAHYANNA'S POV

Nang makatulog na si Zion ay dahan-dahan akong bumangon. Saka dahan-dahang inalis ang pagkayakap nya sa bewang ko. Nang tuluyan ko nang na-alis ang braso nya ay dahan-dahan akong naglakad. Tinignan ko muna sya bago ako lumabas. Saka ako nagtungo sa kwarto ni Zhaxe. Ayun. Himbing pa naman.

Napagpasyahan ko nang lumabas. Balak ko sanang puntahan si Zack dahil dapat nyang malaman ang ginawa ng ina nila. Aish. Si tita talaga.

- FLASHBACK -

Nasa mall kaming tatlo ngayon. Mag sho-shopping kase ako. At yung mag-ama naman ay todo tanggi dahil nakakapagod daw. Sabi ko naman na ako nalang, pero ayaw nilang pumayag dahil daw baka mapano ako. Aish.

"Comfort Room, muna ako..." Paalam ko sakanila.

"Sama kami" kaagad na sagot ni Zion.

Napataas ang kilay ko. "Ano ba naman kayo, Zhy... Dyan lang naman yan ohh" Sabi ko sabay turo sa cr na nasa likod ko.

Napasimangot nalang sila. Ako naman ay napa-iling saka tuluyang pumasok sa cr.

-

"Tita, sana di mo nalang binigyan ng 2 days si Kelly. Urgh... Ayoko... Aish basta po tita... Really po? Yieee. Salamat po talaga Tita. The best ka talaga. Salamat talaga sa pag tulong saakin para makuha ko ulit si Zack.... Sige po, babooshh"

Teka!!!! Pamilyar ang boses na iyon. Waitt??? Saan ko nga ba narinig ang boses na yun?

Tumingkayad ako para masilip kung sino yun—OH MY GOSH. Si Miya? Anong ginagawa nya dito? Akala ko ba nasa California sya? T-teka. Bakit malake ang tyan nya?

Biglang nanlake ang mata ko nang hilahin nya pataas ang damit nya at... At... Gosh! Fake?! H-hindi sya buntis?! 0__0.

Omyghad!!! Ngayon lang nag sink in sa utak ko kung sino ang ka-usap nya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Tita iyon. Mommy nina Zion. At wait?! Tinulungan ni tita na makuha ulit ni Miya si Zack? At? At gumawa sya ng fake pregnancy para makuha si Zack? Omy!! Kailangan tong malaman ni Zack. Huhu. Kilala ko si Tita. Ayaw nya sa Vitale. At si Kelly? Gosh! Paniguradong may ginawa ng hakbang si Tita para mapaglayo sila. Kagaya saamin ni Zion. Bakit ba palage nalang humahadlang si Tita?!

"Magiging akin kana ulit, Zack" nabalik ang atensyon ko kay Miya. Nakangisi syang nakatingin sa repleksyon nya sa salamin. Jusq. Walang hiya talaga!!!

- END OF FLASHBACK -

Ang Manyak Kong Boyfriend (Part 2)Where stories live. Discover now