22

503 7 0
                                    

CHAPTER 22 - KIDNAPPED

ALIAHYANNA'S POV

Eto na naman ako. Patago tago ng lakad. Kanina pa naka-alis si Zion para sa trabaho nya. At eto ant perfect timing para puntahan si Zack. Sana wala pang saddy na nangyare sakanila. Huhuness—

"Ma'am Aliahyanna—"

"Ayy kabayo!" Putek!!! Nakita ako yaya Madel?

" Bakit po kayo nagtatago, Ma'am? " Taka na tanong nya saakin.

Dahan-dahan ko syang nilingon at nginitian ng pilit na nauwi naman sa ngiwi. Err? Anong idadahilan ko? Hindi naman pwedeng puntahan ko si Zack dahil baka isusumbong nya ako kay Zion. Tapos si Zion naman ay seloso. Kahit kapatid nya ay pinagseselosan nya---- "N-naglalaro kase kami ng tagu-taguan ni Zhaxe, yaya"

"Po? Ehh kakatulog lang po ni Sir Zhaxe ehh" ehhh?

Tumikhim ako at umayos ng tayo. Gora na.  " Yaya, pakisabi nalang po kay Zhaxe, pag hinanap nya ako na may binili lang akong toys nya. At kung tatawag naman po si Zion, pakisabi nalang din po na nasa Toy Kingdom ako" nakangiting sabi ko.

Napilitan naman syang tumango. " Sige po"

-

Binilisan ko ang pagmamaneho ko dahil baka hindi ko na maabutan ang couples. Panay naman ang dial ko kay Zack pero ring lang ito ng ring hindi naman nya sinasagot. Gumawa na kaya sila ng milagro ni Kelly? Jusq ang babata pa nila.

"Urgh! Zack sagutin mo" inis kong sambit pero wala parin. Sayang naman at wala akong number ni Kelly.

*Beep* *Beep*

Biglang nanlake ang mata ko. Nakalimutan kong nagmamaneho pala ako. Omy ghad! My sasakyan!!!! Mabilis pa kay da flash na tinapakan ko ang break.

*Screeeechhh*

"B-buhay pa ako?" Parang timang kong tanong habang nakasubsob ang mukha ko sa manibela.

*Tok* *Tok*

Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong may kumatok. —wahh baril?? Kailan pa kumatok ang baril? New version na ba yan sa 2020? Makakagalaw na ang mga baril?

*Tok* *Tok*

Wahhhh!! Kumatok ulit?

"Miss Yanna!" Napa-singhap ako nang may narinig akong tumawag saakin mula sa likuran ko. Napalingon ako dun.


"S-sino ka?" Kaagad kong tanong sakanya. Pasalamat sya at may takip ang mukha nya kaya mata lang ang nakita ko.


"Sumama ka saamin" sa halip na sagutin nya ang tanong ko. Saka itinutok saakin ang baril, na ikinalake ng mata ko.

Wahhh! Wala akong self defense. Huhuhu. Anong gagawin ko? --- "Sinong nag-utos sainyo?" Tanong ko.

"Hindi na importante"

"Ano? Kaila—" naputol ang sasabihin ko nang biglang may tumakip sa bibig ko. Kasabay nun ang pag ikot ng paligid.


"Dalhin na natin yan" rinig kong sabi nung lalake bago ako nawalan ng malay.

ZACK'S POV


Abala ako sa paghahalik kay Stella nang biglang mag ring ang selpon ko mula sa bulsa ko. Kaagad ko syang na-itulak.  "What the—?!"



"Tsk" kaagad kong sambit at dinampot ang selpon ko. Mula sa kasuluk-sulukan ng mata ko ay nakita ko si Kelly na nakatingin saakin. Damn! Gustohin ko man syang lapitan, pero iniwasan ko ang sarili ko. Hindi ko pa nakalimutan yung acting nya. Tsk! Tumayo ako at naglakad palabas sa room namin.


Zion is calling...


"Oh?"


[What took you so long?!] Pasigaw nyang tanong saakin. Agaran kong nilayo ang selpon sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nya.




"Ano? Di pa ako bingi. Bat kaba sumisigaw?" Mahinahong tanong ko sakanya.


[Nanjan ba si Yanna?] Tanong nya.



Si Ate? Luminga-linga ako sa paligid baka makita ko sya. Pero wala naman. "Wala, bakit?" Tanong ko.




[Ano?! Ang sabi ni Yaya Madel papunta sya sayo. How come na wala sya dyan? Pinagloloko mo ba ako, Zack?]



"Bakit naman kita lolokohin? Ehh wala nga sya dito" sagot ko.



[Umuwi kana, dalhin mo narin si Kelly—]



"Ano?! Bakit kasama sya?" Kaagad kong putol sakanya.


[Kailangan ko sya. Marami akong dapat kumpirmahin kung isa ba talaga syang Vitale]

"Urgh! Fine"

Nang mapatay ko na ang tawag ay napatingin ako sa screen ng phone ko. Ngayon ko lang nakita na may 10 miscalls na si Ate Yanna. Agaran ko syang tinawagan. Nanlumo ako nang walang  sumasagot. Sa pangatlong tawag ko ay cannot be reached na.


Napa-iling nalang ako at pinuntahan na si Kelly, na naka-ub-ob sa lamesa. "Vitale, pinapasama ka ni Kuya sa bahay nya." Malamig kong sabi sakanya. Nag-angat naman sya ng tingin saakin. Halo-halong emosyon ang sumalubong saakin pero di ko na pinansin at nauna ng naglakad. Pero tinignan ko muna sina Max.


"Uwi lang kami" paalam ko.

"Ge bro" sagot nila. Tumango ako saka naunang lumabas sa classroom.


KELLY'S POV

Nakatungo lang ako habang nakasunod kay Zack.


Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kanina, nung tignan ko sya ay malamig na titig kaagad ang sumalubong saakin. Tapos, hindi na nya ako tinawag na Kelly, o dikaya'y Honey. Wahhh ang sakit. Huhu. Kailangan ko na talagang mag-isip ng paraan para masabi ko sakanya lahat. Mali talaga ang desisyon kong sundin ang ina nya. Huhu nagsisisi tuloy ako. Bakit ba nasa huli lage ang pagsisisi? Bak—



"A-aray!" Daing ko nang mabangga ko. Pagtingin ko sa harap ko. 0__0


Nakita kong ngumiti sya pero nung magtama ang paningin namin ay kaagad syang sumeryoso. "Tatanga-tanga kase. Tsk" Sabi nya bago pumasok sa kotse.



Bigla nalang akong nabuhayan ng loob. Yung kaninang ngumiti sya. Nakita ko talaga yun. Nag-aacting lang din ba sya?


"Papasok kaba o hindi?" Rinig kong malamig nyang tanong.




Napalunok ako. "P-papasok" sagot ko sabay sakay sa kotse nya.




" Tsk! " Sambit nya bago pinaharutan ang kotse.

Ang Manyak Kong Boyfriend (Part 2)Where stories live. Discover now