15

598 8 0
                                    

CHAPTER 15 - 2 DAYS WITH YOU 2

Napangiti ako nang mapait habang tinitignan ang maamong mukha ni Bee. Na kasalukuyan ng mahimbing na natutulog. "Para kang anghel matulog, bee. Wala sa itsura mo na manyak ka" nakangiting sabi ko. At sinuklay ang buhok nya gamit ang daliri ko. Sumikat na ang araw at meron na ring kunting studyanteng dumadating. Pero ganito parin kami. Hinayaan ko lang matulog si bee dahil ako naman ang may dahilan kung bakit kulang ang tulog nya. Muli kong tinignan ng mariin ang gwapo nyang mukha. "Paano kaba mag mahal, bee?" Tanong ko sa natutulog na Zack.

Nagpabuntong hininga ako habang inaalala ang mga bagay na napag-usapan namin ng ina nya. Hindi naman ako Vitale. Dahil si Tiya ay Mercides Lopez. Dapat Lopez din ang last name ko. Pero bakit Vitale. — vitale? Si Khaye Vitale. O si Aliahyanna Kensley Xyveryx. Khaye Vitale ang gamit nya nung may amnesia sya. Bakit magkaparehas kami? Di kaya. Omyghad! Di kaya—

"Kelly!" Kaagad nabaling ang tingin ko sa harap ko. Nakita kong kumaway saakin sina Max, Ethan, Rich, at Dave. Sila yung best friend ni Zack. Di nyo sila kilala dahil saakin lang naman lumalapit si Zack. Pfft.

"Hey, Kelly. Kamusta?"

"Anong ginagawa ng lokong yan dyan?"

"Aba! Nanya-nyansing pare"

" Upakan natin, dude"

" Ay wag. Medyo mabait pag tulog ehh"

" Baka patayin tayo pag gising yan"

" Tama kaya dapat tulog lang yan"

Komento nila habang nakatingin kay Zack na mahimbing parin ang tulog sa lap ko. Na-upo naman silang apat sa katapat naming bench. Doon namin nilagay ni Zack ang bag namin.

"Bat tulog yan, Kells? Pinagod mo ba?"

"Ay oo nga, Kelly"

" Aba naman. Di nyo sinabi na gagawa na pala kayo ng junior"

" Oo nga. Nandito sana kami para I cheer kayo"

Ang dumi naman ng iniisip nila. " Bumawi lang ako kay, Zack" mahinang sagot ko. Bigla naman silang sumeryoso.

"Bakit ka babawi?" Takang tanong ni Max. Iniwas ko ang tingin ko sakanila at tinignan nalang muli si Zack. At pinagpatuloy ang pagsuklay ko sakanya.

Nagpabuntong-hininga ako. "2 days..."

"Anong meron sa 2 days?" Takang tanong naman ni Ethan.

"Dalawang araw para saamin. Alam kong mahirap iparamdam sakanya na mahal ko sya. Pero wala akong magagawa. D-dalawang araw nalang. At ikakasal na sya kay M-miya... " Unti-unting humina ang boses ko. Kasabay nun ang pagpatak ng luha ko.

"Si Miya? Yung ex nya? Bakit bumalik pa ang gagang iyon?" Inis na tanong ni Rich.

" B-buntis sya. At si Z-zack ang a-ama" umiiyak kong sagot. Ramdam kong natigilan sila.

" P-papanong nangyare na si Zack ang ama?" Si Dave naman ngayon ang nagtatanong.

"H-hindi ko alam..." Sagot ko.

"Dalawang araw. Bakit dalawang araw lang? Sino ba ang potang'nang nagbigay sayo ng dalawang araw nalang ang binibilang para sainyo—?"

" Si Mrs. Lee" putol ko. Natahimik sila.

" Si Tita? Ano namang plano ni Tita at inilayo ka nya kay Zack? " Si Rich.

" Vitale. Yun daw ang dahilan"

" Hayy. Oo nga pala. Alam mo Kelly, ganyan din si Tita sa love life ni pareng Zion. Nilayo sya kay Yanna ng tatlong taon" tatlong taon? Baka... Mangyari rin yan saakin.

" Nakaka-inis rin paminsan-minsan si Tita ehh. Palibhasa kase bitter sa love life kaya love life ng mga anak nya ang sinisira nya"

" Yeah"

-

" Zack, cafeteria tayo. Kasama sina Max" sabi ko kay Zack nang akmang papasok na sya loob ng room namin.

Tumingin naman sya saakin at nginitian ako. "Sure, di parin naman tayo nakapag breakfast. Gutom na rin ako at baka ikaw ang makain ko" ngumisi sya sa sinabi nya sa hulihan. Mas gusto ko pa talagang natutulog sya kase walang kamanyakan.

" Gusto mo? " Medyo sumabay ako sa trip nya 

" Wews" ang kj talaga nila.

" Charot lang" aish. Pambabawi ko. Napa pout naman sya.

" Asus. Kala ko pa naman" Sabi nya. Yumakap ako sa bewang nya—kase masyado syang matangkad ehh—saka sya iginiya papuntang cafeteria.

"Zack, libre nyo ahh? Kaya nagyaya ehh" sabi ni Dave.

Tumawa ako. Si Zack naman ay masama silang tinignan. Ang bad talaga nito. "Oo naman, guyz. Libre ni Zack... Right bee?"

Tumingin sya saakin sabay labas ng malalim na hininga. " Fine" pilit nyang sagot kaya napangiti ako.

" Ayunn... "

" Under naman pala kay Kelly ehh"

Napa-iling nalang ako sa komento nila. Tumingkayad ako para bigyan ng quick kiss si Zack. "Tara na"

-

"Honey, seryoso na talaga." Maktol na naman nya. Aish kanina pa yan. Nagtataka kase kung bakit ko sya sinubuan. Tas ang sagot ko naman ay gusto ko lang syang subuan.

Nginitian ko naman sya. "Ano yun, bee?"

"May topak kaba—?" Tanong nya na ikina-sira ng mood ko.

"Grabe ka naman saakin, bee" pero dapat chillax lang. Dahil sayang ang dalawang araw.

" Pfft" isa pa tong mga lokong kaibigan nya. Psh.

" Nanibago lang naman ako sa kilos mo ehh" sambit nya. Nginitian ko lang sya.

" Wala akong topak"

" Tama na yan lover boy. Walang topak si Kelly. Pfft. Ang mas mabuti pa ay kumain nalang tayo bago pa kami maubos sa mga langgam dito" singit naman ni Dave

" Isa kapang kj" singhal ko sakanya.

Tumawa naman sya " Sorry akin"

Heh! Nakaka-inis talaga. Pero dapat chillax lang. Walang pwedeng makaka-sira ng araw na toh. Last day ko bukas. Dapat sulitin ko. Dapat iparamdam ko sakanya na espesyal ang araw na yun. At dapat memorable. Yiieekkks. Ano kayang gagawin namin bukas? Punta kaya kami sa amusement park? Arcade? Window shopping? Beach?

"Bee, amusement park tayo bukas. Ha? Wag ka ng umangal, bee. Okay? Mahal kita"

Nakita kong namula sya. "S-sige"

Yieee. Kinilig si Zack.

Ang Manyak Kong Boyfriend (Part 2)Where stories live. Discover now