Chapter 7

6 0 0
                                    

Naging maganda ang relasyon namin ni Sean sa mga nagdaang buwan. He introduced me to his parents on our third month of knowing each other. Nakilala ko na ang parents niya at ang Ate Alice nila. They were nice and they approved me for Sean.

"When are you going to tell your parents about us, love?" Tanong ni Sean nang ihatid niya ako pauwi galing sa school.

"Pagkatapos mo na manligaw," I giggled but he just looked at me with serious face. Napabuntong-hininga ako. "Ikaw palang ang magiging boyfriend ko sa buong talambuhay ko if sasagutin kita. My parents would be shock. Sigurado akong maghihigpit sila sa'kin. Baka tumutol pa sila. I want to take this slow, Sean,"

He let out a heavy sigh. Nginitian ko siya bago niyakap. I rested my head on his chest while I felt his hand wrapped around my waist.

"Okay. But I want to meet them too, Seah,"

"You will, don't worry."

Ilang minuto pa kaming magkayakap sa isa't isa bago ako nagpaalam at naglakad pauwi sa bahay. Sean drove home too after that.

I did my usual routine as soon as I reached home. I took a bath and changed into my comfy clothes. Naupo na ako sa harap ng laptop ko at sinumulan ang sandamakmak na school works na kailangan kong gawin.

"Ate, kakain na raw!" Sigaw ng kapatid ko mula sa labas aking kwarto.

Pagtinggin ko sa orasan ay alas siete na pala. Almost four hours na akong gumagawa ng school works shuta!

I yawned before standing up and going to our kitchen. Nakahanda na ang dinner namin na adobo. Naupo ako sa tabi ni Clyde at kaharap naman namin si Mommy.

"Kumain ng marami, Chi," Sabi ni Mommy nang kaunting rice lang ang kinuha ko.

"Marami pa po akong kailangang tapusing school works. Kailangan ko na rin pong mag review para sa periodical exams," I told her. Eto rin ang rason kaya namamayat na ako. Madalas ay nakakalimutan ko na kumain sa sobrang pagod. Minsan naman ay sobrang kaunti lang ng kinakain ko para mahabol ang oras. Ewan ko ba.

Mommy sighed. "Wag mo namang pabayaan ang katawan mo, Chi. Tingnan mo at ang payat mo na. Mukha ka na ring panda sa lala ng eyebags mo,"

"Mi naman!" I pouted. Grabe sa panda ha.

"Ang losyang mo na, 'te! Mas gusto ko 'yung medyo chubby ka pa," Tinawanan naman ako ni Clyde. I glared at him. Isa pa 'to e'!

Napapansin ko nga rin ang pagpayat ko magmula nang mag senior high school ako. Medyo chubby ako noon. My body is far from perfect. I have dark marks that made me really insecure of myself. Ngayon ay napapansin kong maluwag na sa'kin ang mga damit ko.

Ganito lang pala magpapayat ng mabilis! Stress lang sa school ang kailangan, tangina!

"Wala ka pa bang boyfriend, Chi?"

Muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko nang bigla nalang itanong iyon ni Mommy.

Nakita ko naman ang palihim na pagtawa ni Clyde. Inapakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa kaya napa "Aray" siya.

"W-Wala po akong jowa, Mi," sabi ko.

Wala naman talaga! Hindi pa kami ni Sean!

"Bakit naman, anak?"

"Hindi ligawin ang anak mo e'," I laughed but with a sense of bitterness.

Totoo naman kasi. Walang sino man ang sumubok na manligaw sa akin noong junion high. As in wala talaga kahit balita man lang na may crush sakin! Hindi ko alam kung dahil ba hindi ako kagandahan o dahil mataba ako o dahil ang sungit ko dati.

March and MaybesWhere stories live. Discover now