Chapter 3

10 0 0
                                    

"Cut!"

Pinunas ko ang mga luha ko sa mukha. Yes, finally! Tapos na kami sa short film!

"You're a great actor, Chelseah," Sean complimented me when I went to him.

Tahimik lang siyang nakaupo sa bench habang pinapanood ang filming namin kanina. Pinagtitinginan pa siya ng mga ka-group ko!

Paano naman kasi ay para siyang artista. Lutang na lutang ang kulay ng kanyang kutis at ang suot niyang white top. Mas matangkad siya sa mga kaklase naming kaklase kaya mapapansin mo agad! Dagdag pa ang gwapo niyang mukha. Jusko!

"Uh, h-hindi ka pa ba uuwi?" I asked a bit worried. "Gabi na oh," Tumingin ako sa langit na purong itim at may ilang bituin na nagniningning.

"I'll take you home. Don't worry, I know how to drive,"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Wag na! Nakakahiya tsaka kaya ko naman mag-commute,"

He shook his head. "There's no jeep around this hour. Please, let me take you home,"

Napaisip ko. Oo nga, alas otso na at wala nang jeep ang bumabyahe ng gantong oras. Ang layo-layo ng bahay namin mula dito! Hindi ko naman kayang lakarin!

Shit! Wala akong choice!

"Pres, mauna na po kami," Paalam ko kay Meyalie. She nodded. "Message me when you're home, Chelseah," Tiningnan niya naman ang kasama ko. "Take care of her, Sean. I'll sue you if something bad happens to my classmate."

"I'll take care of her, Meyalie." Sean answered before leading me to his car. Pick-up iyon na color white na Hillux. He opened the car door for me. Pumasok naman ako at naupo na. Nilibot ko ang tingiin sa kotse niya. Malinis ito at puno ng teddy bears at plushies sa likod. Pumasok na rin si Sean sa driver's seat.

"Those were Ashley's," aniya. Napansin niya ata ang pagtinggin ko sa mga plushies. 

Malamang sa kapatid niya 'yan! Mukha bang girlypop etong si Sean?! 

"Seatbelts please," sabi niya at medyo nagpanic pa ako na 'di pala ako naka seatbelt.

Walang kotse ang pamilya ko. Hindi naman kasi kami mayaman pero hindi rin naman mahirap. I have one younger sibling. My father's working abroad to sustain our family. Si Mommy naman ay sa bahay lang at nag-aalaga sa amin ng kapatid ko.

Sean noticed that I struggled putting the seatbelts on. He leaned towards me to do it. Napalunok ako nang maamoy ang pabango niya nang lumapit siya sa'kin. Shit. Ang lapit ng mukha niya sa'kin! Oh my God! Feel ko malalagutan ako ng hininga.

Napaiwas ako ng tinggin nang tumingin siya sa'kin.

Shit naman.

"Put your address here,"

Nagsimula na siyang magdrive. Sobrang awkward kasi tahimik kami pareho at wala man lang music! Tumingin nalang ako sa bintana at saglit na pinikit ang mga mata ko. Magpapahinga na ako agad pagkarating sa bahay! Nakakapagod ang araw na ito.

"Chelseah, wake up... Chelseah..." Naramdaman ko na may umaalog sa balikat ko. I opened my eyes and saw Sean. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto kung nasaan ako.

"Shit, sorry! Anong oras na ba?"

"Relax. It's only 9:30PM," kalmadong aniya.

"Shit!" Nagpanic akong inayos ang sarili ko. "Sorry, napatagal ata ang tulog ko. Mauna na ako ha. Salamat, Sean!" Hindi ko an hinintay ang sagot niya at mabilis na akong lumabas ng kotse.

Para akong nasa marathon habang tumatakbo papunta sa bahay namin. Hingal na hingal ako pagkapasok ng gate. Shit! Baka mapagalitan ako! Anong oras na ako umuwi!

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Mommy na nakatayo at naka-krus ang mga braso.

"M-Mi! Good evening po–"

"Anong oras na, Chelseah. Saan ka galing?" Matalim ang tinggin niya sa akin. Napalunok ako.

"Nagfilm po kami sa Albay Park. Bukas na kasi 'yung deadline ng film kaya natagalan po kami. Kumain na po kayo?" pag-iiba ko ng topic.

"Mag-chat ka naman kasi nag-aalala ako. Akala ko may nangyari na sayong masama," Napailing-iling siya. "Kumain kana. Tinirhan kita ng favorite mong ulam,"

I smiled. "Chicken curry?!" Excited na sabi ko. Tumango siya kaya tumakbo ako at niyakap siya. "Thank you po, Mi. Sorry nag-alala ka po sa akin,"

"Sige na at matutulog na rin ako. Kumain kana riyan."

Tumango ako at pumasok naman na si Mommy sa kwarto. Tahimik nalang akong kumain mag-isa habang nanonood ng MSA sa phone ko.

After eating, I went to the bathroom to clean myself. Nagbihis na ako ng pajama at t-shirt bago nahiga sa kama ko. Ayoko kasi nang humihiga sa kama ko paggaling sa labas. Naiirita ako sa dumi.

Nanonood ako ng 'funny cat videos' sa Tiktok nang may mag pop-up na notification.

Sean Angelo Acosta sent you a friend request

"Tangina!" Muntik na akong mahulog sa kama nang bigla nalang ako tumayo dahil sa sobrang gulat.

Oh my God! Eto pala ang account niya! Ang bobo talaga nina Leyna at Jadiel dahil 'Shan' tigsearch nila! Sean dapat e'!

Pinindot ko ang 'accept request' at wala pang isang minuto ay nakatanggap na ako ng message mula kay Sean.

Sean Angelo Acosta:
Good evening, Chelseah.

Grabe! Ang formal naman ng taong 'to!

Chelseah Vergara:

good eve rin, Sean. Sorry talaga kanina nakatulog ako sa kotse mo huhu🥺

Sean Angelo Acosta:
It's fine haha

Sean Angelo Acosta:
Is it okay if we see each other again? You have school tomorrow right?

Napakagat ako ng labi. Shit! Crush ba ako neto?! Is he asking me out on a date because he like me?!

Chelseah Vergara:

syempre Thursday bukas kaya may pasok HAHAHA

Tangina... ang corny mo, Chi!

Chelseah Vergara:

pwede naman tayo magkita sa SM if u like🥰 katabi lang naman ng school namin

Mabilis siyang nagreply.

Sean Angelo Acosta:
Okay. See you tomorrow, Chelseah. Good night.

Napangiti ako. Wala na. Delikado na. Ngumingiti na si gaga!

Magre-reply na sana ako kay Sean nang may mag pop-up na notification sa taong hindi ko inaasahan.

Gavriel Zephyr Zionne:
Wazzup, babe! I have good news for U! I'm here at Bicol! WAHAHAHAHA

What... the... fuck?!

March and MaybesWhere stories live. Discover now