Simula

16 0 0
                                    

"Ang layo na nang narating mo, Attorney Vergara,"

I flashed a genuine smile.

Ang layo na nga.

Dati ay isa lang akong hamak na estudyante na iniiyakan ang score kong bagsak. Isang college student na umiiyak dahil sa research at napakaraming requirements. At isang law student na halos araw-araw nagbe-breakdown dahil sa sobrang hirap ng law school. Ilang beses na akong munting sumuko at tumigil dahil sa sobrang hirap at pagod.

But here I am now. I finally did it. I finally reached my dreams.

I'm finally an Attorney.

"Ano 'yung feeling na mag top 1 sa bar exams ha, sisteret?"

I laughed. "Parang 'di ka rin naman nag topnotcher, Dra. Torrecampo."

Leyna jokingly rolled her eyes. "Easy lang 'yun! Need lang manalangin! Prayers lang!"

Tumawa kaming dalawa. It's Saturday today and we decided to meet up. Ilang buwan na rin kasi noong huli kaming nagkita ni Leyna. We're both busy with our respective careers. Nag-uusap pa rin kami through video calls pero madalang na lang since parehas kaming busy talaga.

"May ibibigay pala ako sayo. Wag kang magugulat ha!" she exclaimed.

Agad na kumunot ang noo ko. "What is it? Gosh, kinakabahan tuloy ako, Lalaina,"

"Wait lang! Basta wag kang magugulat please!" Nagpapanic niyang inabot sa akin ang isang maliit na box na mahaba at may pink ribbon. My brows furrowed.

"'Di ko naman birthday tanga," I rolled my eyes at her. Bakit siya nagreregalo eh hindi ko naman birthday?!

"Alam ko! Mukha bang March 30 ngayon ha?! Bobo mo talaga," Inirapan niya ako.

Tumawa nalang ako at kinuha iyong box. I glanced at Leyna and saw her nervous face. Pinagpapawisan siya at parang nagdadasal pa. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"What the hell is this, Maraiah Lalaina Meredith Torrecampo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Just please open it!"

Dahan-dahan kong inalis ang pink na ribbon sa box at binuksan ito. My jaw dropped and my eyes widened when I saw what's inside.

"Oh... my... God..."

"Shit wag mo akong papatayin please! Alam ko palagi kong sinasabi dati na ayoko pero nangya—"

Mabilis akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. "OMG! Congratulations! Gosh, I'm so happy for you..."

Humagulhol siya at niyakap din ako ng mahigpit. "Akala ko magagalit ka kasi naging doctor palang ako last year tapos ngayon—"

"Shush, damn you! Blessing 'yan," I said.

Iyak siya nang iyak habang nakayakap sa bewang ko. Umiiyak na rin ako because I was really happy for her. It took us a few minutes bago kami kumalma pareho.

"Ilang months na?" I asked while wiping my tears with a tissue.

"Two months palang," she answered. "Hindi ko talaga alam na buntis ako kasi wala namang nagbabago sa'kin. One time lang noong nagdrive ako mag-isa tapos naramdaman ko nalang na nahihilo ako tsaka naduduwal. You know naman na hindi ako madaling mahilo right? Then nagpunta ako sa OB and doon ko na confirm na buntis ako,"

I nodded. "Alam na ba niya?"

Biglang nalungkot ang mukha ni Leyna. She tapped her fingers on the table. She's anxious. I know her too well to know this mannerism of her.

"Hindi ko pa sinasabi. Natatakot ako, Chi. Hindi pa kami kasal at naaabot ko palang ang mga pangarap ko. I'm not even sure if I want this..."

Napakagat ako ng labi.

Shit.

Noon pa man ay palagi nang sinasabi ni Leyna na ayaw niya magkaroon ng anak. She didn't want the responsibility of a mother. Dahil na rin sa hirap na dinanas niya sa pag-aaalaga sa lima niyang nakababatang kapatid. She also doubted herself that she will not be a good mother figure.

Tapos ngayon... buntis na siya.

"You know what my answer will be, right?" Mahinahong sabi ko at tumango naman siya. "Pag-isipan mong mabuti. Sabihin mo na rin sa kanya kasi may karapatan siyang malaman. That's... his child. He also has the right to decide what to do with it. Please don't make the same mistake as I did..."

"I'm sorry, Chi. Sorry parang na-trigger pa kita."

I smiled a bit. "It's fine. That was... a long time ago."

Then... I felt a throbbing pain on my chest.

Oh.

Masakit pa rin pala.

Twelve years na ang nakalipas. I thought I already moved on. I thought hindi na masakit. Akala ko okay na ang lahat. Ang tagal na rin eh, ilang taon na ang nakalipas. Akala ko hindi na ako masasaktan...

Pero tangina... sobrang sakit pa rin pala.

I can still vividly remember that night. That night where I ended things up with my greatest love.

"I was pregnant..."

His eyes widened. Mariin siyang napapikit at mas lumalim ang paghinga.

"Was. Fuck. Did you abort it, Ga?" His voice broke. Tumingin ako sa may bintana ng kotse para hindi niya makita 'yung pagbuhos ng mga luha ko.

Ilang segundo akong tahimik nang magsalita ulit siya. "Did you abort it? Fucking answer me please!" Nagulat ako at nakaramdam ng kaba dahil sa biglaang pagsigaw niya.

Humugot ako nang malalim na hininga bago siya sinagot. "Y-Yes..."

"Fuck. Tangina..." I heard him cry. Parang tinutusok ang puso ako. I glance at him and saw him gripping the steering wheel so hard. Nakatingala siya at puno ng luha ang mukha. I felt a pain on my chest.

Shit... nasasaktan ko siya.

Umiiyak na naman siya ng dahil sa akin.

"How can you do that? Fuck. Anak natin 'yun! That's our child, Chi! Your own flesh and blood!"

"Tinggin mo ba handa na akong maging ina ha?!" Sigaw ko habang nakaharap sa kanya. Dumaan ang sakit sa mata niya. "Bata pa ako, I have dreams too! Oo, alam ko kaya mong buhayin 'yung baby pero paano naman ako? Hindi pa ako handa... hindi pa! Magco-college palang ako! Hindi pa ako handang maging ina..."

Puro iyak lang namin ang maririnig sa kotse. I touch my necklace to calm myself. Hirap akong huminga at pakalmahin ang sarili.

"May isa pa akong gustong sabihin sayo," I uttured.

He glanced at me, his face full of tears. Umiwas ako ng tinggin at humugot ng malalim na hininga bago sabihin ang mga salitang tuluyang tumapos sa relasyon namin.

"I'm breaking up with you."

March and MaybesWhere stories live. Discover now