CHAPTER 24

2K 67 2
                                    

-UNEDITED-

It was eight in the morning, I am wearing a house dress na hindi umabot hanggang tuhod, naka messy bun din ang buhok ko. I don't have work, kaya mas minabuti ko nalang pag tuonan ng pansin itong mga halaman ko.

Katatapos ko lang ang mga ito diligan, pero ako, one week na akong walang dilig. Just kidding.

But there's always a little truth behind every 'Just Kidding' haha.

Napapailing na pumasok ako ng bahay, then I saw Adriel, nakaupo ito sa sofa na bagong gising lang, humihikab pa nga ito.

'Oh, gising na pala ang anak sa mayaman.' gusto ko sanang sabihin but I chose to be quiet, hindi pa kami bati, wala din si Andrie hiniram ni mama, Adriel's mother.

Nag diri-diritso ako patungong kusina, ano bang magandang lutoin ngayon?

I was about to open the refrigerator, when someone hugged me from behind. Umikot ako para makita ang yumakap sakin. Sisinghalan ko na sana ito ngunit napatigil ako dahil sa malamyos na boses nito.

"I'm sorry, babe sorry na." Malambing na saad nito, habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko.

Nag pumiglas ako sa yakap niya.

"Adriel ano ba? Umalis ka nga, ang init."

*Sob*

Ay, anak ng teteng, dinaan ako sa ganyan. Ngayon alam ko na kung saan nag mana si Andrie haist.

"Please pansinin mo na ako, babe, mahal ko."

Akala ko nag iinarte lang ito, pero hindi. Tuloyan na nga itong umiyak sa bisig ko.

"Stop ignoring me babe please, it's hurt."

Wala na akong nagawa kundi ang yakapin ito pabalik. Wala e, ginamitan tayo ng pinag babawal na tiknik.

"Sssh, tahan na." Umalis ako sa kayap nito, then I wiped her tears na walang tigil sa pag agos.

"Bati naba tayo?"

Tumango ako dito.

"Where's my kiss?" Usal nito habang nakahawak sa gilid ng damit ko.

Mabilis ko itong binigyan ng halik.

"Smack lang? Bitin naman." She complain while pouting.

Aba, nag reklamo pa.

Hinila ko ito at pinaupo sa upoan.

"What do you want to eat?" I asked

"Ikaw." Mabilis na sagot nito.

I raised my eyebrows..

Mabilis nitong binasa ang labi niya.

"I mean, ikaw. Ikaw bahala."

Tumango tango ako dito, saka nag umpisa ng mag luto.

"Ang sarap mo talaga mag luto babe." Pahayag nito sa gitna ng pagkain.

It's just a simple hotsilog, paanong naging masarap ito?

"Babe?"

"Hmm?"

"Pwede ba kitang ayain mag date mamaya?" Napakamot ito sa baba niya "gusto ko lang bumawi."

Nilagay ko ang daliri ko sa baba na kunwaring nag iisip.

"Sure."

I saw her smiling at me, saka kinuha ang kamay na nasa ibabaw ng mesa.

"Thank you." She said and kissed the back of my hand. "I love you."

Napaikot ako ng mata na ikina-halakhak nito, halatang may ginawang kasalanan eh.

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon