CHAPTER 4

2.3K 75 6
                                    

Kasalukuyang nasa sikat na bar kami ngayon, kasama ko yong tatlo kong mga kaibigan.

Mataman kong sinisimsim ang alak na hawak ko habang malayo ang tingin.

Iniisip ko na naman ang nangyare noong nakaraan, tsk!

FLASHBACK

After namin kumain ni Adriel ako na ang nag presentang mag hugas ng pinagkainan namin. Hindi naman umimik at nilisan ang kusina niya.

Nag punas na ako ng kamay sa basahan na nakasabit dito sa sink niya at lumabas na ng kusina

I saw Adriel on the couch while watching a movie. I sat down on the edge of  her couch and stared at her na nasa dulo din nakaupo.

Huminga ako ng malalim bago nag salita.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" I asked

"Huh?" Sagot nito sakin

"Closer." Utos ko dito

"Huh?" Sagot ulit nito

Inis na tiningnan ko ito.

"Are you deaf?" Nauubosan na ako ng pasensya sa isang to

Umubo muna ito at marahang lumapit sakin.

"Closer!" Ulit ko pa

Umusog ulit ito pero may space parin sa gitna namin kaya hinila ko ito papalapit sakin.

"I said closer tsk!" Medyo matigas na pagka sabi ko habang nakatitig lang dito.

Hinawakan ko ang noo at leeg nito, hindi na ito mainit.

"How's your feeling?" Hinihintay ko itong tumingin sakin pero Hindi nangyare na ikinairita ko lalo dito.
"Look at me when I'm talking to you Montenegro!"

I saw her take a deep breath and turn to look at me.

"I'm fine, gwenchana teng neng neng ne...ayy."  napakamot ito sa gilid ng labi niya ng makitang hindi ako nasiyahan sa sinabi niya.

"Ayos na ako, wala na akong sakit." Adriel

"Halata naman! Nag dala ka na nga nang babae mo dito!"

"Mali ang iniisip mo Rihan!" Depensa nito sa sarili at nilipat ang tingin ngayon sa TV

"Ooh Shut up Montenegro!"

Masama ko na naman itong tinitingnan, ewan ko ba sa sobrang inis ko dito pinalo ko ang balikat nito gamit ang kanang kamay ko.

"ARAY!" daing nito at nag tatanong ang matang tiningnan ako.

"Don't you dare to do it again!! Dahil hindi mo magugustohan ang gagawin ko sayo Montenegro!" I warned her
At padabog akong sumandal sa couch.

Hindi naman ito naka imik sa sinabi ko.

"Lay down!" Utos ko na naman dito at tinap ko pa ang lap ko.

Nagugulohang nakatitig ito sakin, marahil nag tataka sa mga kinikilos ko ngayon. Kahit ako naman hindi ko na din alam kung bakit ko ito ginagawa.

Hindi naman na ito nag protesta pa at dahan-dahang pinatong ang ulo nito sa lap ko.

"Ayos ka lang ba?" Malambing na tanong nito

Tumango lang ako dito at sinuklay ang hanggang leeg nitong buhok gamit ang kaliwang kamay ko ang kanan nama'y nakapatong sa may tiyan nito.

Nasa kalagitnaan ako ng panunuod ng bigla akong nakarinig ng mahihinang hilik. Tumingin ako kay adriel na mahimbing itong natutulog sa legs ko.

I looked at her face untill I found my self looking at her lips. Hindi ito gaanong mapula may bitak bitak din ang gitna nito. pero parang ang sarap.

sh**t!! Stop it Rihan saway ko sa sarili ko.

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon