CHAPTER 16

2K 59 1
                                    

Kasalukuyang nag aagahan kaming dalawa ni Rihan, simula pa kanina no'ng magising kami ay walang nag sasalita samin. Tila pinapakiramdaman  lang namin ang bawat isa.

Nagulat kami pareho nang biglang may kumatok sa pinto, mabilis akong napatayo at binuksan ang ito.

"Good morning ate Drie." Kikay greeted me, nakangiti pa ito ng malawak sakin saka ito tumakbo papasok sa loob.

"Good morning ate." Bati naman ni jemboy sakin.

I smiled at him saka ito pinapasok sa loob.

"Sino siya?" Rinig kong tanong ni kikay, kaya't napatingin ako sa mga ito.

Nakatitig ang dalawa kay Rihan.

"Kumain naba kayo?" Tanong ko sa dalawa, sabay naman napatango ang mga ito.

Nag lakad si kikay papalapit kay Rihan, habang ang mga mata ay titig na titig sa mukha ng dalaga.

"Ang ganda niyo naman po." Wala sa sariling bulalas nito.

Rihan laughed, saka nito ginulo ang buhok ni kikay.

"What's your name baby girl hmm?"

"Ako po si Kikay, siya naman po si kuya jemboy ko." Turo nito sa kuya niyang parang natuod na sa kinatatayoan.

Aba!

"Hi Jemboy."

Bigla namang namula ang tenga ni Jemboy, dahil sa pag bati ni Rihan dito.

"H-Hello po." Bati nito pabalik kay Rihan, saka ito tumakbo papalit sakin.

Natawa ako dahil nag sumiksik pa ito sa braso ko, halatang nahihiya sa dalaga tsk.

"Ate Drie, pinapasabi po ni itay. Mag ayos na daw po kayo ng gamit kasi aalis na daw po tayo." Bulong saakin ni Jemboy.

Ay oo nga pala kamuntik ko ng makalimutan, maliligo pala kami sa ilog ngayon. Hindi ko na ipapasyal ang dalawang makukulit na to, nakatanggap ako ng message galing kay Benjo kanina na mag swimming kami sa ilog ngayon.

"Ate Drie, sama po natin si ate ganda." Kikay

Napatingin ako kay Rihan, ngunit saglit lang iyon dahil parang napapaso ako sa mga titig nito.

"Ah busy siya---"

"Yeah, sure sasama ako." Pag putol nito sa sasabihin ko.

Sumigaw naman ng yehey si Kikay, kaya't wala na akong nagawa.

"Aba Drie! dimo naman sinabi na may maganda ka palang girlpren." Wika ni  Benjo.

Nandito kami sa ilog ngayon at kanina pa ako kinukulit ng mga ito kay tungkol kay Rihan haist.

"Swerte mo Drie maganda na sexy pa." Segunda naman ni Kaloy.

Sarap nito sapakin sa ulo.

I rolled my eyes at napatingin kay Riha na ngayon ay nakikipag laro sa dalawang bata.

Kaloy was right, Rihan is beautiful. Kahit saang anggulo mo ito tingnan maganda talaga ito.

Napatingin ako sa dibdib nito, bumabakat ang suot nitong bra dahil sa suot nitong kulay puting damit.

Tsk!

Ang daming damit sa damitan ko bakit iyong puti pa ang sinuot nito?

Bigla na namang sumagi sa isip ko ang nangyare kagabi, napakagat ako ng labi at napapikit. Kailangan kong iwaksi sa isipan kung ano man ang nangyare kagabi, gosh.

Pag dilat ko ng mga mata, ganon nalang ang pag bilis ng tibok ng puso ko, Rihan is in front of me right now. Mabilis na napabaling ang tingin ko sa kaliwa, pinipigilan kong mapatingin sa dalawang bundok nito.

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon