CHAPTER 15

2K 64 6
                                    

-Bonus-

WARNING....


Alas otso na ng gabi at pauwi na ako ng bahay, medyo nakakapagod ngayong araw.

Pag dating ko sa bahay, kumain at nag linis na ako ng katawan. Sumampa ako sa kama para matulog na, linggo pala bukas. ipapasyal ko sila Jemboy at kikay.

Ganon ang routine ko pag wala akong pasok, napamahal na rin ako sa mga ito kahit paano, malaki rin ang utang na loob ko kay Benjo at sa asawa nito.

Nakukuha ko na ang antok ko nang biglang may kumatok ng pinto, tang-anong oras na, nag matigas ako, hindi muna ako tumayo ngunit walang tigil ang pag katok ng kung sino man sa labas. Anak ng tinapa!

Padabog akong bumangon at bumaba para pag buksan kung sino man ang hinayupak na ito.

Nakalabing binuksan ko ang pinto, pero napalitan ito ng pagkunot ng noo dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Rihan, oo siya.

Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa, nakasuot pa ito ng skirt at fitted na blouse habang naka patong ang itim na blazer nito.

"Do you like the view?"

Napaangat naman agad ang tingin ko sa mga mata nitong namumungay.

Lasing ba 'to?

"What are you doing here?" Iritado kong tanong.

"Hindi mo ba ako papasokin muna? Ang lamok dito sa labas." Reklamo nito.

Bat parang kasalanan ko pa ata?

Nilakihan ko ang pag bukas ng pinto at pumasok ito, I closed the door then I face her.

"Ano bang kailangan mo?"

"Go back to work." She said with the authoritative voice.

Ang kapal naman.

"Yan lang ba ang pinunta mo rito? For god sake Rihan, anong oras na. Oras na ng tulog." Reklamo ko dito.

Tumalikod ito sakin at nilibot ang paningin sa bahay.

"Sana tinawagan mo nalang ako--"

Inikot nito ang katawan para tingnan ako.

"I did! But you didn't answer my call."

"Oh." Yon lang ang lumabas sa bibig ko, ibig sabihin siya pala yon?

Nag lakad ako paharap dito.

"Ikaw pala yon, 'yong unknown number." Segunda ko pa.

Rihan rolled her eyes.

I heard her murmuring, pero hindi ko naman maintindihan kung ano ang sinabi nito.

"Bumalik kana sa trabaho mo Montenegro." Pag uulit pa nito sa sinabi niya kanina.

"Ayaw ko! Kaya umuwi kana" binigyan ko ito ng seryosong tingin. "Umalis kana Rihan, Lasing ka lang."

Napatiim bagang ito, aba siya pa ang galit. Attitude talaga ang babaeng to.

"I'm not drunk." Pag tanggi niya.

"Rie, umalis kana please. Ano pa ba ang gusto mo? Lumalayo na nga ako sayo tulad ng kung ano ang gusto mo." Napasuklay ako ng buhok dahil sa pakiramdam na hindi ko maintindihan.

Bigla ako nitong tinulak, kaya napa upo ako sa sofa na gawa sa kawayan. Tangina ang sakit ng ulo ko, tumama sa sandalan.

"RIHAN!!" sigaw ko, dahil bigla nalang itong umupo sa kandongan ko.

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon