CHAPTER 18

1.8K 69 2
                                    

-UNEDITED-

Ilang araw na simula nang umalis si Rihan, I felt empty para bang may kulang. Tingin din ako ng tingin sa cellphone ko baka kasi tumawag ito pero wala.

Nakakabaliw, ayoko sa ganitong pakiramdam.

"Haynako, tawagan mo na kasi." Suhestyon ni Benjo.

"Baka busy yon." Ako

"Tsk, anong magagawa mo eh miss mo na ang tao."

Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi nito. Oo na mamaya magpapaload ako tsss.

Pagkatapos ko sa trabaho, dumaan muna ako sa tindahan para pagpaload. Sorry hah walang wifi sa bahay.

Pag dating ko sa bahay nag dadalawang isip pa ako kung tatawagan ko ba ito o hindi.

Kalma Drie kukumustahin mo lang ang tao.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number nito, nakakatatlong ring palang nang sagotin nito ang tawag ko.

"H-Hello." Fuck bakit ba ako nauutal?

"Hello? Are you looking for my mommy?" Sabi ng maliit na boses.

Wait, mommy? May anak na siya?

Para namang nanginig ang mga kamay ko sa nalaman ko. What the heck!

"Hello, are you still there?"

"Ahm y-yeah."

"Okay, wait a moment, I will call my mommy muna." Narinig ko ang pag bukas ng pinto.

"Mommy someone is looking for you." He shouted.

Alam kong lalaki ito dahil narin sa boses nito.

Nakarinig pa ako ng mahihinang yabag.

"Hell-
"Daddyyyy!"

I ended the call.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayoan ako, what was the fuck is that? Daddy? Mommy? Ibigsabihin she's has a family??

Tangina

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko, tangina. How could she...paanong?
May pamilya na pala ito.

Ang tanga mo Adriel, Bakit hindi ko naisip ang ganito? Akala ko... Akala ko ayos na ang lahat... akala ko. Pero pota akala ko lang pala ang lahat.

Dumapa ako sa hegaan ko at sinubsob ang mukha sa unan.

"Aaaahhhh!!!! Tangina!!" Sigaw ko dahil sa inis na nararamdaman.

Maya maya pa ay hindi ko napigilan ang sarili, I cried, again with the same person. Ang sakit sa dibdib, parang sinaksak ng kung anong matalas na bagay ang puso ko ngayon.

All this time pinag mukha lang pala akong tanga nito, gumaganti ba siya? Siguro nga, baka nga pinag tatawanan na ako nito sa mga sandaling ito.

-

Tatlong araw na ang nakalipas, imbes na mag mukmok. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho, anong oras na rin akong umuuwi sa gabi. Kahit wala ng ginagawa sa talyer ay nag stay parin ako.

"Drie ingat." Paalala ni kaloy sakin paglabas namin ng talyer.

"Yeah, ikaw din. Ingat sila sayo nangangagat kapa naman." I joked na sinakyan naman nito ng malakas na tawa.

Nagpaalam na rin ako sa iba pa naming kasamahan, saka binaybay ang eskinita pauwi ng bahay.

Ngiti ngiti pa ako not until I saw a car in front of my house. Nawala ang ngiti ko at seryosong pumasok ng bahay.

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon