"Dati lovelife, kaso two days ago, ni-reject na naman ako ng ka-banda mo."

"Kinausap mo si Jasper?"

Tumango siya, "yep. I told him that I still love him at nakikipagbalikan ako. Gusto kong mag start over ulit kaming dalawa. Sabi ko, hindi na namin kailangan i-sekreto. Na okay na sa akin ipaalam sa lahat. Pero wala, nagmamatigas pa rin siya. Pinapairal niya ang pride niya."

Natahimik ako bigla.

"So... ano nang plano mo?" tanong ko sa kanya.

"Magta-trabaho ako."

"About Jasper?"

Iniwas niya ang tingin niya sa akin, "kailangan niya pa ng time, Ice. But I know he still loves me. At kung time ang kailangan niya, ibibigay ko yun sa kanya."

Napa-buntong hininga na lang ako.

"Minsan kasi kahit mahal mo ang isang tao, kung pagod ka na, aayaw na talaga ang puso mo."

Hindi sumagot si Aiscelle pero kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Aiscelle, do you really love him?"

"I do! Wag mong kwestyunin ang nararamdaman ko!"

"Pero bakit hindi ka gumagawa ng paraan para bumalik siya sa'yo?"

"I talked to him! Pero ayaw niya! Pinairal niya ang pride niya!"

"Siya ba talaga ang nagpapa-iral ng pride ngayon? Hindi mo ba naisip na baka hindi pride ang pinapairal niya. Baka pinoprotektahan niya lang ang puso niya?"

Napatayo si Aiscelle sa upuan at nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya.

"What do you want me to do?! Araw-araw ko siyang suyuin? Araw-araw akong magmakaawa? I'm not like that Ice! You know I am not like that!"

"Kasi sanay kang ikaw ang hinahabol-habol ni Jasper?"

Hindi siya umimik at naupo ulit siya. Agad niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya.

"I don't know what to do anymore. I just want him back."

Lumipat ako ng upuan at tinabihan ko si Aiscelle. I placed my arm around her shoulders at nilapit ko siya sa akin. Ipinulupot naman niya ang mga braso niya sa bewang ko.

"Then get him back. Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba?"

"Ice?"

"Hmm?"

"I know Jasper loves me so much. P-pero, tingin mo ba kaya niya akong ipagpalit?"

"Alam mo Aiscelle, wag kang pakakampanti sa thought na mahal ka niya. Pwedeng magbago yun lalo na sa sitwasyon niyong dalawa ngayon. Maraming pwedeng mag mahal sa kanya na kaya siyang tratuhin ng tama."

"I'm scared."

I pat her head.

"I know sis. I know how you feel. I really do."

Inangat niya ang tingin niya sa akin then she smiled at me.

"You really love her. Timi, I mean."

Nginitian ko siya at tumango ako.

Biglang may pumasok na idea sa isip ko.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon