Chapter 36: Realization

4K 48 4
                                    

ADRIAN's POV

>.>

<.<

O_O

Nasaan ba ako? Parang pamilyar tong lugar na to eh. Ang sakit ng ulo ko. Umupo ako sa kama na hinihigaan ko. Napatingin ako sa suot kong damit. Teka, hindi ko damit ito! Anu bang nangyari kagabi? Aish! Wala akong ma-alala.

Napa-usod ako sa head board ng kama nang bumukas ang pinto.

"G-Gabriel?" lumapit siya sakin. Umupo siya sa kama at nilagay yung kamay niya sa noo ko.

"Whoo~ Buti na lang wala ka ng lagnat. Ayos ka na ba?"

"Teka, a-anu bang nangyari kagabi?"

"Sumugod ka dito kagabi. Ang lakas ng ulan, mugto pa nga yang mata mo eh. Lahat ng damit mo sa maleta basa kaya damit ko yang gamit mo. Huwag ka mag-alala pinapalitan kita kay manang Rosa, diyan siya nakatira sa kabilang unit."

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko pero na-alala ko na.

"Teka lang huh, dalhin ko na lang yun pag-kain--"

"Huwag na, kaya ko naman tumayo eh"

"Sigurado ka?"

"Oo"

Tumayo siya at inalalayan akong tumayo.

O////////////////////O

B-bakit ganto yung suot ko? T^T

"Ah Gab wala ka bang Jersey shorts? Masyado kasi maikli tong....ahm...boxer na pinahiram mo sakin tapos tignan mo yung t-shirt na suot ko super laki."

"Malaki yung jersey shorts ko. Mahuhubo yun sayo"

Hindi ako sanay ng naka-short shorts. Hay. Ang tanga ko naman kasi eh, dapat bumili ako ng payong kagabi! -_______-

IVO's POV

Ang tahimik ng bahay. Ang boring naman oh. Pero ayos na din yun, nakaka-disgrasya ng tao yung tibo na yun.

Ayos na nga ba?

Bastos na konsensya! Binabagabag na naman ako eh. Kagabi nung Makita ko si Isabelle, agad akong nag-alala sa nangyari sa kanya.

Kung makikita niyo lang ang itsura niya, hindi na kayo mag-dadalawang isip na dalhin siya sa ospital. Ang sabi niya inuutusan daw ni si Aberdeen tapos ayaw daw nito sumunod kaya pinilit daw ni Isabelle si Aberdeen. Nainis daw si Aberdeen sa kanya kaya sinampal sampal siya nito. Nginudngud pa daw ni Aberdeen yung mukha niya sa semento. Hindi ko na pinatapos yung kuwento niya at agad kong pinuntahan si Aberdeen nun.

Akala ko wala na kong pakeelam sa kanya. Akala ko nadala na ng galit ko yung pakeelam ko sa kanya. Pero nagkakamali pala ako. Kasi hanggang ngayon mahalaga pa rin pala siya sakin.

Nararamdaman ko pa rin yung pakiramdam na nararamdaman ko noon sa kanya. Siguro nga mahal ko pa rin siya.

*ding dong*

Tumayo ako at lumabas para Makita kung sino yung tao. Wala naman akong ine-expect na bisita pero baka yung tomboy na yun ang nagdo-doorbell at mag-mamakaawa siya na bumalik dito sa bahay. Tsss.

"Ivo"

"Ate? Anung ginagawa mo dito"

Hindi ako pinansin ni ate at derederetso lang siya pumasok sa loob. Nag-kibitz balikat na lang ako at isinarado ang gate. Sumunod na rin ako sa kanya. Hindi kaya pumunta dito si ate kasi nag-sumbong sa kanya si Aberdeen?

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Where stories live. Discover now